Part 47 : Feel at Home

13 0 0
                                    

Kinaumagahan nagising na si Lei sa mabangong naaamoy niya.

Lei : (humihikab habang nangangamot sa ulo pagkamulat nagulat)*Naku nasan ako?*(nakitang nagluluto si CL)

CL : (napalingon kay Lei) Hay mabuti naman nagising ka na?(galit)

Lei : Wag mo sabihing....(napatingin sa damit niya at nakitang damit pa rin niya)nirape mo ko?

CL : Ang kapal naman ng mukha mo. Ikaw nga tong nadatnan ko sa loob ng bahay ko kagabi at di ko alam kung paano ka nakapasok at eto pa hah nag-iinom ka at kung ano-ano pa pinagsasabi mo saken kagabi.

Lei : Pinagsasabi? Anong pinagsasabi ko?

CL : Tss...Limot agad magmemory plus gold ka nga(sabay roll eyes at humarap sa lababo)

Lei : Ano nga?(nilapitan si CL)

CL : (nilingon uli si Lei at nagulat dahil nasa harapan na niya ito)Ahm!(nag-ayos ng boses)sinabi mong......timer ako.

Lei : Timer? Baket ko naman sasabihin yun?

CL : Aba malay ko sayo ang gulo rin ng utak mo eh noh?

Lei : Eh sino ba naman kasi tinatimer mo?

CL : Tange! Wala nga akong tinatimer sinabi mo yon dahil kasama ko kahapon si Ken at tinatimer kita. Baket tayo ba?

Lei : Huh? si......sinabi ko yun?

CL : Oo tss mamuntikan mo na ngang makuha first kiss ko mabuti na lang sa pisngi lang..(tumalikod kay Lei dahil namumula na siya sa hiya)

Lei : A...Ano?(nagblush din at napangiti sa kilig)*Hm sayang nga lang at lasing ako wala akong maalala sa mga pinaggagawa ko kagabi eh...(napatingin sa lamesa)Wow! pakain hah!!(umupo agad)

CL : Ano ba?(pinalo sa braso)Umuwi ka na nga sa bahay mo ang baho mo na maligo ka muna!

Lei : Tss....Hindi naman siguro ako aamuyin nung pagkain bago siya pumayag maging akin. Siya ang aamuyin ko kung masarap.

CL : Ahhh at kung di masarap?

Lei : Eh di isusuka ko...

CL : Ang kapal ng mukha mo lumayas ka na nga dito...

Lei : Joke!!(sabay subo)Mmm....Ang sarap hah pwede na kitang maging asawa..

CL : Ano kamo?(umupo)

Lei : Pwede na kitang maging Chef of the year.

CL : Hmpf in your dreams!!!(sabay subo na din)

Lei : (napangiti)*Tama nga ang sabi-sabi "Stomach is the best way to a man's heart" kuhang-kuha mo na ako.*

8am na. Nagligo at nagbihis na si CL samantalang si Lei naman ay nanonood ng tv at mukhang walang balak umuwi dahil nakadi-kwatro pa ito.

CL : Aba hoy lalake wala ka bang balak umuwi hah FYI nasa tapat lang yung bahay mo. Wag mo sabihing konting hakbang lang eh tinatamad ka pa?

Lei : Ayoko pa eh (napansing bihis na bihis si CL) saka baket bihis na bihis ka hah saan ka na naman pupunta?

CL : Sa rehearsal namin sa Glee club at aalis na ako kaya pwede ba lumayas ka na!!(medyo pasigaw na)

Lei : Ayoko!!!(tumayo at dumiretso sa bathroom)

CL : Hoy! buksan mo to! Ang kapal talaga ng mukha mo feel at home ka pa. Walanghiya ka akala mo bahay mo to!!!(kinakalampag ang pinto ng bathroom)

Lei : (nagsha-shower na)Masanay ka na walang hiya talaga ako!

Hinintay na lang muna ni CL si Lei na matapos para makaalis na siya.

Lei : Hey! pahiram nga ng twalya mo...Yung walang germs hah!!

CL : Aaaarrrggghh manigas ka sa lamig jan liligo-ligo ka dito wala ka namang tuwalya mahawahan mo pa ako ng skin decease mo

Lei : At ano naman yun hah?

CL : Tss ketong....baka mahawahan mo ko ng ketong mo

Lei : Tss..Kapal!!hindi ko rin naman gusto makishare ng tuwalya sayo.Anong malay ko baka may bulutong yon o kurikong at ang mas malala buni...

CL : Wow banggitin mo na lahat ng skin decease hah. Baket di mo pa sinama yung ezcema o kulugo nahiya ka pa!!!

Lei : (tumawa ng napakalakas yung tipong nakakapanlait talaga)

CL : Sige tawa pa more maninigas ka talaga jan...

Lei : Subukan mo ko bibigyan mo ba ako ng tuwalya o lalabas ako jan ng hubot-hubad. Baka naman gusto mo talaga to makita!(tipong nanghahamon)

CL : Aaaarrrggghh ang kapal talaga hmpf. Kung di lang talaga kanina pa kita pinabayaan jan hayop ka!(galit na galit na ibinigay ang tuwalya ng patalikod sa may pinto)

Lei : Good girl ngayon pumunta ka sa bahay at ikuha mo ko ng damit...

CL : Ako? ano ako utusan? Eh baket hindi ka lumabas ng ganan at ikaw na ang kumuha..

Lei : Gusto mo talagang makita ang hot kong katawan ano?

CL : Che tigilan mo nga ako pwede naman akong tumaas sa kwarto saka ka lumabas.

Lei : Eh sa ayoko eh gusto kong ikaw pipili ng damit ko ngayon. Saka isa pa di ba PMA kita.

CL : Oo pero di ba nga Personal Modelling Assistant, baka naman nalilimutan mo kapag may photoshoot lang tayo pwede mo kong utusan.

Lei  : Eh baket pwede ko namang gawin yung PA ah. Personal Assistant oh di ba bagay na bagay sayo...

CL : He tigil!! Aso ka!!! Mamaya ka talaga saken!!(lumabas na)Aaaarrrgghhh!!!

Lei : (sumigaw)Oy yung maganda hah!!!

A Cute Love Story (Pakisabi Na Lang) S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon