Third year na si CL at Fourth year na si Lei konti na lang makakatapos na silang dalawa. Magpapasko na at t'wing pasko nagkakaroon ng isang palabas ang Theatre and Arts. Kalimitan si Lei ang nagiging leading man at si Miriam ang leading lady nito. Ngayong taong ito Beauty and the Beast ang palabas nila at sila na naman ang main characters, samantalang ang ganap lang ni CL sa cast ay isa sa mga kapatid ni Miriam na gaganap bilang Belle. Matapos ang first rehearsal nila halatang nabubugnot si Lei at halos lahat eh tila ayaw niyang pansinin maging si CL.
CL : Kuleingot hintayin mo ko aba!! Higante ka ba at ang lalaki mo humakbang?
Lei : (tuloy-tuloy ang paglalakad)
CL : Kuleingot!!! Kuleingot!!!(hindi pa rin pinapansin ni Lei kaya nagalit na) LEI!!!(huminto na aa paglalakad)
Lei : (napatigil)
CL : (pumunta sa harapan ni Lei) Ano bang problema mo? Halos lahat ng tao sa school ayaw mong pansinin maging ako tinatalikuran mo na rin!! Ano bang nangyayare sayo?
Lei : Wala!(sabay lingon sa ibang direksyon)
CL : Ano ako sira? papaloko sa mga foolish reasons mo. Para ka lang tanga alam mo ba yun? Sasabihin mong wala pero iniiwan mo naman ako...Naglolokohan ba tayo dito? Ano ba? ayaw mo na bang makasama ako?
Lei : Hinde!!! (pasinghal) Naiinis ako...
CL : Baket? (mahinang sabi)
Lei : Kailangan ko pa bang sagutin yan? Napakaslow mo talaga!
CL : (nakuha na ang dahilan kung baket nagkakaganon si Lei) Kuleingot ayos lang naman saken eh... Tutal siya naman talaga ang leading lady mo since first year niyo, bago lang ako dito di ba? Ano ba naman panama ko sa kanya? Mayaman siya mas mayaman pa saken saka isa pa maganda siya bagay na bagay sa kanya yung role bilang Belle.
Lei : (nagagalit)Ginagalit mo ba ako hah?
CL : Eh ano ba kasing magagawa ko?(naiinis na)
Lei : Nakakainis ka baket kelangan mo pang idown ang sarili mo? Nakakainis ka dahil di mo makita ang nakikita ko sayo! Baket ba ayaw mong tanggapin sa sarili mo na maganda ka at mas maganda ka kesa sa kanya.
CL : (natulala)*Nagba-blush na ba ako sa sinabi niya*
Lei : At saka isa pa hindi ako nagagalit ng dahil lang don.
CL : (nagtataka)Huh? ano ba?
Lei : Sa ginagwapo-gwapo kong to beast ang role ko ang unfair naman nun noh!
CL : (tinaasan ng kilay si Lei sabay sapak sa ulo)*akala ko pa naman....*Eh sira ulo ka pala talaga eh nagagalit ka ng dahil lang don sa totoo lang bagay na bagay sayo yung role mo eh isip-bata!!(naglakad palayo kay Lei)Halimaw ka! Peste!
Lei : (hinabol si CL at hinawakan)Mcqueen joke lang. Nagagalit ako dahil hindi ikaw ang leading lady ko. Gusto ko ikaw ang gaganap na Belle.
CL : (napaharap kay Lei na nasa likod niya)Hindi pwede eh...(nalungkot)
Lei : Baket naman hindi ah baket si Belle siya naman yung bunso sa kanilang magkakapatid ah kaya dapat sa mga third year kami kukuha ng magiging leading lady ko....at dapat mas bata saken
CL : *Tss talaga lang Mr. Player hah ano to gusto mo literally mas bata sayo ang gaganap na Belle. Yan na ba yung pinakamagandang excuaes na magagawa mo eh pinapahalata mo lang saken na ako lang ang gusto mo makapartner ehh* (napangiti)
Lei : Oh ano bang nginingiti-ngiti mo jan?
CL : Baket iniisip mo bang magseselos ako sa Miriam na yun?
Lei : Pwede ba sagutin mo muna yung tanong ko!!!
CL : Nakakatuwa kasing malaman na gustong-gusto mo talaga akong makapartner kaya gumagawa ka ng silly reasons.
Lei : Ganon kita kamahal eh kaya kong magpakatanga para sayo!
CL : (kinikilig)*Baket ganon siya? ang seryoso niya hah*
Lei : (hinigit si CL sabay yakap)Tss basta ikaw ang magiging leading lady ko at gagawa ako ng paraan para mangyari yon! (sabay kapit kay CL at sininulang maglakad)
CL : *Hindi.....Parang kinakabahan ako sa pinagsasabi ng mokong na to ah. Saka hindi pwede yun bawal pa akong makipag-kiss sa kanya. Phew CL think positive hindi ka niya magiging leading lady ok...Uhm!*
BINABASA MO ANG
A Cute Love Story (Pakisabi Na Lang) S2
Teen FictionKwento tungkol sa isang tomboy na di kalaunay nagkagusto sa kaibigan niya ngunit ang lahat ng pinagsamahan nila ay gumuho.Binago niya ang sarili at nakilala ang bagong taong muling nagpatibok ng puso niya.Subalit tila mapaglaro ang tadhana pinagtagp...