Samantalang habang nasa ibang lugar sina CL nagpasya na ngang dumiretso sina Ken sa restaurant. Pagkalabas na pagkalabas nila nakasalubong nila ang papasok na sina Kelly at Vlad.
Kelly : (hinihigit si Vlad papasok)Bilis ang bagal mo naman eh!
Vlad : Teka lang kasi baket ka ba masyado nagmamadali?
Kelly : (tumigil sa harap ng altar)Dinala kita dito dahil gusto kita..
Vlad : Anong?
Kelly : (hinalikan ng mabilis si Vlad sa labi)Vlad gusto kita...Gusto kong maging boyfriend kita at maging girlfriend mo ko!
Vlad : Ano? pero magkaibigan tayo.(nagugulat sa pinagsasabi ni Kelly)
Kelly : Oo pero hanggang dun na lang ba yon?
Vlad : (naisip si CL)
Kelly : Vlad kinalimutan ka na niya. Naaalala mo ba na tinapon niya ang kwintas na binigay mo sa kanya. Iniwan ka at umalis siya ng walang paalam sayo. Sinong dumadamay sayo nung mga araw na nami-miss mo siya di ba ako...Vlad please ako na lang.
Vlad : Sige susubukan ko!
Kelly : (niyakap si Vlad)Thanks!!
Sa labas hindi mapalagay si Missy...
Missy : Tama ba ang nakita ko? Baka namamalik-mata lang ako.
Ken : Missy ayos ka lang ba?
Missy : Huh? ah oo parang may namumukhaan lang ako kanina dun sa lalaking nakasalubong naten kanina. Teka natext mo na ba aina CL kung asan na sila?
Ken : Oo papunta na sila dito.
Sa simbahan kung nasan sina Lei.
CL : Ayan kasi eh makahigit ka saken nawawala na tuloy wallet ko.
Lei : Hayaan mo na yun bibili din kita ng ganon gusto mo isang daang wallet pa.
CL : Ewan ko sayo hanapin mo na lang!
Lei : CL nagtext na si Ken nasa kainan na daw sila tara na.. Baka naman hindi mo dito naiwala yun.
CL : (may naisip)Tama!!!
Bumalik sila sa simbahan kung saan sila unang pumunta nahuhuli-huli si Lei dahil sa sumasakit na ang tagiliran niya samantalang si CL ang layo na ng naabot...
Lei : Ah miss nahulog yung panyo mo oh!!(kinuha sabay bigay)
Kelly : Ah salamat(tinanggap)
Vlad : (nakatingin lang kay Lei)
Lei : No prob.(napatingin kay Vlad sabay ngiti)
Kelly : (inakit na naman ai Vlad)Tara na!!!
Sa loob ng simbahan...Pumasok na si Lei at nadatnan niyang tahimik na nakatayo lang si CL.
Lei : Akala ko ba kasi gutom ka na nakita mo na ba at parang nakakita ka ng multo jan?(lumalapit kay CL nang may makitang picture)Aba ako to ah!!
CL : (nakatitig lang sa picture)
Lei : (nakangiting tagumpay)Ikaw hah may picture pala ako sayo!!matagal mo na pala akong pinagnanasaan grave ka!
CL : (hindi pinapansin ang pangungulit ni Lei)
Lei : Hui!!(nakitingin na lang rin sa hawak na picture ni CL at nakita niya ai CL na may kasamang isang lalake sa Ocean Park)Si.....Si Vlad ba yan?
CL : (naluluha)Nandito siya!!!nandito siya!!(papaalia na)
Lei : (hinigit si CL at niyakap)CL....Wag.....Wag mo na siyang habulin, hindi ba't sinaktan ka lang niya...Dito ka na lang saken....Saken ka na lang
Missy : (hinahabol si Ken)Ken baka magkasalisihan tayo.
Ken : Hindi yan nakakagutom na kasi ang tagal nila.(nakitang magkayakap sina CL at Lei kaya nagselos siya)
Missy : Baket kasi dito tayo pupunta wala sina CL......ay....magkayakap(nakita sina CL at Lei kaya nilingon si Ken)Ok ka lang?
Ken : (ngumiti sabay alis)
Missy : Huh? anong klaseng reaksyon yon?
BINABASA MO ANG
A Cute Love Story (Pakisabi Na Lang) S2
Teen FictionKwento tungkol sa isang tomboy na di kalaunay nagkagusto sa kaibigan niya ngunit ang lahat ng pinagsamahan nila ay gumuho.Binago niya ang sarili at nakilala ang bagong taong muling nagpatibok ng puso niya.Subalit tila mapaglaro ang tadhana pinagtagp...