(Amethyst's POV)
Kasalukuyang nasa chicken restaurant ako nina Mamang Seolok para magtrabaho.
Siguro sa weekend ko na lang papupuntahin si Taeyong rito para turuan kong magluto.
Busy lang ako sa paglalagay ng chicken sa mga pinggan para i-serve sa isang table nang istorbohin ako ni Mamang Seolok.
"Bakit po?."tanong ko sa kanya.
"Pagkatapos mo niyan,sumama ka sa akin sa counter naroroon na ang bagong cashier at crew natin."sabi niya bago pa siya lumabas.
Sinerve ko na ang mismong dish bago pa bumalik sa counter kasi nga may ipapakilala siya eh.
"Yeah..kailangan umagang umaga ay naririto ka na. Full day ka ba na magtratrabaho rito o all night?."narinig kong tanong ni Mamang doon sa lalaki.
"Siguro po...all night na lang kasi estudyante pa ako eh."
"Sus oh siya ipapakilala na kita sa isa sa mga crew ko na magtuturo saiyo ito nga pala si Amethyst."sabay turo niya sa akin kaya kumaway na lang ako sa kanya.
"Kamusta...ako nga pala si Amethyst Cheon and nice to meet you."sabi ko sabay lahad ng kamay.
Ngumiti nang matamis ang lalaki bago pa ako kamayan.
"Nice to meet you too,pretty lady. Minhyun by the way."he said.
And I really love his manliness.
Matapos naming magpakilala sa isa't-isa ay agad ko na siya inassist sa kusina para simulan ang pagluluto.
Iba't-ibang sauces ang nakalagay para sa chicken may oriental flavor,spicy flavor at madami pang iba.
Nagulantang ako nang may humawak sa aking balikat dahilan para mahampas ko siya sa mukha.
"Ouch!."alma ni Minhyun kaya kaagad kong tiningnan ang mukha niya.
Hinihimas pa niya ang kawawang pisngi habang humingi ako ng tawad sa kanya. Eh sa hindi ko naman sinasadya eh.
"Sorry talaga..sadyang malakas ang reflexes ko kapag nagugulat."
"At least hindi ang tong mo ang humampas sa mukha ko."natatawa pa niyang sabi.
Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya.
11 pm na at napagpasiyahan ko nang umuwi,hindi ako nasundo ni Taeyong kasi ginabi sila kaya diretso tulog na siya.
Mabuti at hindi na iisa ang aming kwarto kung hindi isa nang malaking pader ang naghihiwalay sa amin.
Nagulat ako nang paglabas ko ay may bumusina sa akin. Iyon pala si Minhyun na nakasakay sa motor.
"Ihahatid na kita sa bahay mo."nakangiti niyang saad.
"Gusto ko munang mag midnight snack eh. Ganun ang palagi kong ginagawa,pampabawas ng pagod."paliwanag ko.
"Oh siya tara na stop muna tayo sa convenience store."sabi niya at hinagis na niya ang helmet sa harap ko mabuti at sinalo ko iyon.
Hindi naman gaanong mabilis ang pagpapaandar niya kaya nabagot ako. Kapag kasi nagdedeliver ako ng chicken kapag gabi na palagi ko na binibilisan eh.
Gusto ko sanang hawakan ang balikat nya o yakapin siya patalikod ay hindi ko magawa kasi di ako takot sumakay ng motor.
Si Ate Angel pa nga ang nagturo sa akin magmotor nun. Kaya lang naibenta yung una kong motor dahil wala kaming pambayad ng renta noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/108299175-288-k137589.jpg)
BINABASA MO ANG
Another World • nct 2018
Fanfiction"another story to be told,another love to be found." Start: May 06,2017 End: September 10,2017 made by: cristy_gzb All rights reserved 2017.