Chapter 30 - The Truth

19 0 0
                                    

Chesca's P.O.V


After 30 minutes ay dumating na sina Troy dala ang dinner namin. Hapon na din kasi dumating ni Aaron sa NAIA. Habang kumakain kami ay dumating sina Tito Edward at Tita Cathy.


"Kamusta na si Angel?"tanong ni Tito Edward.


"Hindi na din po siya nagigising pero sabi po ng doctor okay lang un para makapahinga siya."sagot ko at tumango naman sila.


Maya maya pa narinig kami ng iyak, kaya naman agad akong nalingon kay Angel ng makita ko siyang gising agad akong lumapit sa kanya.


"Baby?"tawag ko sa kanya sabay haplos sa buhok niya.


"M-mama? huhuhu mama andito ka na."umiiyak na sabi ni Angel.


"Sshh tahan na baby, makakasama sayo. Andito na si Mama hindi na ako aalis sa tabi mo."sagot ko sabay halik sa noo niya.


"May bisita ka Angel."saad ko sabay tingin kila Tito Edward.


"Hello Angel."bati ni Tita Cathy.


"Hi po Tita, Tito."sagot ni Angel sabay ngiti.


Habang nagkwekwentuhan kami ay pinakain ko na din si Angel, ayaw niyang humiwalay ng yakap sa akin kahit kumakain siya. Sobra niya daw akong namiss, nagkukulitan sila ni Tito Edward ng bumukas ang pinto.


"Ma? Pa?"agad akong napatingin sa pinto ng marinig ko ung nasalita, dahil kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na un.


"A-Aaron?"tawag ko sa kanya.


"Anak."saad ni Tito Edward.


"You know about this?"tanong niya kila Tito Edward.


"Anak let me explain."saad ni Tita Cathy.


"No Tita, let me explain it to him."singit ko at lumapit ako sa kanila. Wala silang kasalanan dito. 


Paglabas namin ng kwarto ni Angel ay agad na nagsalita si Aaron.


"So ako lang na lang pala ang hindi nakakaalam Chesca?"pasimula ni Aaron. Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.


"What Chesca?!"sigaw niya na ikinagulat ko. Ngayon niya lang ako sinigawan at kita ko sa mata niya ang galit.


"I-I was planning to tell you. Ung nasa Singapore tayo pero naunahan ako ng takot at busy tayo kaya hindi ko nasabi sayo. Patawarin mo ako Aaron."paliwanag ko, at unti unting pumatak ang mga luha ko.


"After hearing that I don't know what to do, hindi ko alam ang sasabihin ko, baka kung ano pa masabi ko na hindi maganda sayo. All this time naglihim ka sa akin, I don't know. J-Just give me some time."sagot ni Aaron at napatingin naman agad ako sa kanya.


"Are you br-breaking up with me?"tanong ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako saka umalis.


Pag alis niya ay hindi ko na napigilang mapaiyak. I know this would happen iiwan niya ako once na malaman niya na may anak ako. Agad kong inaayos ang sarili ko at bumalik na ako sa kwarto ni Angel, siyang talaga ang meron ako.


"Chesca what happen?"tanong ni Tita Cathy.


"He left me."maikli kong sagot at tumabi kay Angel.


"Nakipagbreak siya sayo?!"galit na tanong ni Troy.


"Okay lang ako, kasalanan ko naman un eh."sagot ko.


"Ang babaw niya! Pupuntahan ko siya."pahayag ni Troy at agad naman nataranta kaming barkada.


"Troy wag na baka lalo pang magulo sila!"saad ni Harold habang pinipigil si Troy.


"Hindi ako tutunga lang sa isang tabi Harold habang nakikita kong nasasaktan si Chesca! Baka nakakalimutan mo rule nating tatlo ni Raymond naproprotektahan natin ang mag-ina."sagot ni Troy.


"Hindi ko nakakalimutan un, pero wag na natin sila pangunahan."sagot ni Harold.


"Troy hayaan na natin siya."mahinahon kong sabi at natigilan naman sila.


"Bwisit! Hindi mo kailangan ng taong kaya kang iwan sa mga panahon na kailangan mo siya, andito lang kami Chesca."saad ni Troy at niyakap niya ako napaluha naman ako dahil dun.


"Chesca pacencya na sa inasal sayo ni Aaron, kami na ang bahalang kumausap sa kanya."pahayag ni Tito Edward.


"Ayos lang po yun Tito."sagot ko naman.


"Mauna na kami iha, Angel pagaling  ka."sabi ni Tita Cathy saka sila umalis.


-------

Oh no! Ano kayang mangyayari na sa relasyon ni Aaron at Chesca?

ABANGAN!

Enjoy reading! 


-MyLovasIsU :*

Would you Still Love me if I already have a Child?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon