Author's P.O.V.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng kunin si Angel mula sa piling ni Chesca, at sa loob ng isang linggo na un ay walang ginawa si Chesca kundi magkulong sa condo niya. Hindi din siya pumasok sa opisina, hinahanap na din siya ni Sir Edward. Maging sa mga kaibigan niya ay hindi ito nagpapakita. Kaya nagpasya ang barkada ni Chesca na puntahan siya sa condo niya.
"Hi Gina punta kami kay Chesca, andyan ba siya?"tanong ni Gail sa receptionist.
"Ma'am Gail wala po si Ma'am Chesca apat na araw na po siyang hindi umuuwi dito."sagot ni Gina na kinagulat ng barkada ni Chesca.
"Huh?! Saan siya nagpunta?"tanong ni Troy
"Wala po siyang sinabi Sir eh."sagot ni Gina.
"I'll call her."saad ni Abbi at agad naman niyang kinontak si Chesca.
"Hindi ko siya macontact."nagaalalang sabi ni Abbi.
"Ako din."saad din ni Jess.
"Pumunta tayo sa opisina nila Sir Edward, baka andoon siya."sagot ni Gail at agad din sila umalis papunta sa Taylor's Company.
Gail's P.O.V.
Saan kaya nagpunta si Chesca? Kung wala man siya sa trabaho niya sana okay lang siya kung asan man siya ngayon.
"Babe okay ka lang?"tanong ni Harold sabay hawak sa kamay ko. Nakatigil kami ngayon sa stop light.
"Nagaalala lang kasi ako kay Chesca, baka kung anong nangyari na dun. Apat na araw na siyang hindi umuuwi ng condo niya."nagaalala kong sagot.
"Wag ka magalala matapang si Chesca, kung wala naman siya sa opisina. Gusto niya lang muna siguro mapag-isa dahil na din sa mga nangyari, si Aaron, lalo na si Angel."saad niya saka ako tumango.
Pagdating namin sa kumpanya nina Aaron ay sabay sabay kaming umakyat sa opisina ni Chesca at sinalubong kami ni Jillian.
"Jillian si Chesca? Andito ba siya?"tanong agad sa kanya.
"Ma'am Gail wala po dito si Ma'am Chesca simula po ung nanggaling sila ni Sir Aaron sa Singapore hindi pa po siya pumapasok."sagot ni Jillian.
"Shit! Nasaan na ba si Chesca Harold?!"galit na tanong ni Troy.
"Troy pare-pareho tayong walang alam kung nasaan si Chesca, kaya wag mo ng unahin ang init ng ulo mo."singit ni Raymond.
"Ano ba kayong dalawa, dito pa talaga kayo magtatalo mahiya nga kayo!"madiing sabi ni Abbi. Agad din naman tumigil si Troy at Raymond.
"Anong nangyayari dito?"agad kaming napalingon sa nagsalita. Si Aaron pala.
BINABASA MO ANG
Would you Still Love me if I already have a Child?
FanficThere's a lady na handang ibigay ang lahat para lang sa kanya ANAK. Lahat ibibigay niya para lang maging masaya ang anak niya, maging sariling buhay at sarili niyang kaligayahan handa niya ibigay para lang hndi masaktan ang anak. Pero paano kung dum...