Chapter 36 - Home

18 0 0
                                    

Chesca's P.O.V


 Alam na din ng barkada namin na nakabalik na ako sobra daw silang nagalala sa akin, well lahat naman daw sila ay nagalala sa akin. Nang malaman nila yun ay agad silang sumugod sa condo ko, as in sabay saby silang dumating at mabilis nila akong dinumog. Kanya kanya sila ng kwento sa paghahanap sa akin, lalo na daw si Troy na muntik na daw sapakin ni Troy si Aaron dahil sa init ng ulo. Kaya naman biniro ko siya ng hampas sa braso dahil sa ginawa niya pero in the end okay na naman sila dalawa ni Aaron.


Ngayong araw namin napagdesisyunan ni Aaron na puntahan si Angel sa poder ng mga lola niya. Kinakabahan ako sa pwdeng mangayari hindi ko alam kung ipapakita ba nila sa akin si Angel. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng namalayan ko na bigla kaming tumigil nasa stop light pala kami.


"You okay babe?"tanong ni Aaron sabay hinawakan ang kamay ko.


"Kinakabahan kasi ako baka hindi nila ipakita sa akin si Angel. Miss na miss ko na siya."malungkot kong sagot sa kanya.


"Hindi naman siguro sila ganun, come on cheer up! I know matutuwa si Angel pag nakita ka niya."nakangiti niyang sabi at ngumiti naman ako.


Nang madaanan namin ung favorite na resturant namin ni Angel ay nag patigil ako para bumili ng favorite na lasagna ni Angel, paniguradong matutuwa siya. Napapakain kaya siya ng maayos doon simula ng kinuha siya sa akin? Hindi kaya siya nagkakasakit? Gusto pa naman ni Angel na lagi ako katabi pag may sakit siya.


Natigil ang ang pagiisip ng biglang may humawak sa kamay ko, nakita kong nakangiti sa akin si Aaron. Napatingin ako sa paligid namin at napansin ko na andito na kami sa tapat ng bahay nina Tita Ava, tumingin ako kay Aaron tumango siya at sabay kaming bumaba ng kotse.


Pagbaba namin ng kotse ay nadinig kami ng umiiyak sa may garden, agad akong nagalala kasi sigurado akong si Angel un. Kaya naman pumasok na kami dahil bukas naman yung gate nila.


"Huhuhu gusto ko na *sobs* po u-umuwi huhuhu."iyak ni Angel.


"Dito ka na nakatira Angel."sagot ni Tita Ava akmang hahawakan si Angel pero umiwas siya.


"G-gusto ko *huk* sa Mama ko huhuhu."sagot ni Angel.


"Patay na ang Mommy mo Angel."si tita Ava.


  "G-gusto ko *huk* sa Mama Chesca ko huhuhu." sabi ni Angel at umiyak siya ng umiyak. Naawa na ako sa anak ko kaya naman tinawag ko na siya, wala na ako paki alam kung magalit man sa akin si Tita Ava.


"B-Baby?"


Agad naman napalingon sa gawi namin si Angel.


"Mama?!" saad ni Angel sabay  takbo papunta sa akin kaya naman sinalubong ko siya agad kong niyakap.


"Mama huhuhu *huk*"umiiyak na tawag ni Angel sa akin habang nakayakap.


Would you Still Love me if I already have a Child?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon