Chesca's P.O.V
Isang linggo na ang nakalipas simula ng makabalik na dito sa condo si Angel, and back to normal na din kami balik na din ako sa trabaho ko. At tulad ng dati maiiwan si Angel dito sa bahay kasama si Anna, at sa gabi ako na ulit ang kasama niya minsan dumadalaw dito si Aaron para bisitahin si Angel.
Nagluluto na ako ng breakfast namin ngayon ni Angel friday ngayon at kailangan ko pumasok sa office dahil marami ako naiwan kahapon na gawain. Habang nagpriprito ako ng bacon ay may naramdaman akong yumakap sa binti ko kaya naman agad ko itong sinilip dahila alam kong si Angel un.
"Good morning baby."bati ko sa kanya saka ko siya kinarga at inuupo sa counter.
"Mama can I go with you in the office?"tanong sabay subo ng bacon.
"Pero madaming gagawin si Mama sa office baby."sagot ko saka tinapos na ang niluluto ko.
"Mama I promise I'll behave there saka na miss ko na din po si Papa."sagot niya sabay taas ng kanan niyang kamay.
"Haha okay baby, isusurprise natin si Papa."sabi ko sabay halik sa pisngi niya at tuwang tuwa naman siya.
Hindi ko na pinapunta si Anna dito sinabi ko sa kanya na isasama ko sa office si Angel. After namin kumain ng breakfast ay pinapaligo ko na si Angel habang inaayos ko ang gamit niya pati na rin angh isusuot niya. After niya maligo ay naligo na rin ako ng mabilis, ng okay na kami pareho ay bumababa na kami sa parking.
Pagdating namin sa office ay nagderecho muna kami ni Angel sa office ko para ilagay ang gamit namin. Lahat ng makasalubong namin kanina ay binabati niya at tuwang tuwa naman ang mga empleyado sa kanya. Tinanong ko din kanina kay Jillian kung dumating na si Aaron, at sabi niya ay maaga daw itong dumating dahil tambak daw ang trabaho nito.
Kaya naman nagpasya na kami ni Angel na puntahan siya sa office. Kumatok muna ako sa pinto niya bago ako pumasok ng marinig ko siyang sumagot ay pumasok na kami. Nakita namin siya na busying busy sa mga ginagawa niya, kaya binulungan ko si Angel na dahan dahan kako siya lumapit sa harap ng table ng Papa niya para gulatin ito ng makalapit na siya sa table ay tinawag ko siya.
"Babe busy natin ah?"nakangiti kong sabi at sinilip niya lang ako sandali at binalik na ulit ang atensyon niya sa ginagawa niya.
"Oo babe, natambakan ako eh tsk."medyo frustate niyang sabi at medyo natawa naman ako, kaya binigyan ko ng sign si Angel na gulatin na ang Papa niya.
"Papa!"sigaw ni Angel sabay pakita kay Aaron. Kitang kita ang gulat sa mukha ni Aaron.
"Baby anong ginagawa mo dito?"sayang tanong ni Aaron at agad niyang pinuntahan si Angel sa harap ng table niya.
"I want to surprise you po kasi namiss na po kita."nakangiting sagot ni Angel saka inupo ni Aaron sa lap niya si Angel, lumapit naman ako sa kanila.
"Aw sorry baby ah, medyo busy kasi si Papa lately eh kaya hindi ako nakakadalaw sa inyo."sabi ni Aaron.
"It's okay Papa, I understand po."nakangiting sagot ni Angel saka naman siya hinalikan ni Aaron sa noo.
"So did you ate breakfast?"tanong ko sa kanya
"Yes. Kayo?"tanong niya sabay hawak sa kamay ko, tumango naman ako. Nagkwentuhan sila saglit ni Angel at niyaya ko na ulit bumalik si Angel sa office ko para makapagtrabaho na ang Papa niya, at sumangayon naman siya basta promise daw ng Papa niya na sabay kami maglulunch at natawa naman kami dun saka tumango si Aaron.
Habang nagtratrabaho ako ay nasa couch lang si Angel naglalaro ng mga toys niyang dala.
Nang maglulunch na ay dumating si Aaron na may dalang Jollibee na ikinatuwa naman ni Angel. Nagkwentuhan kami habang kumakain hanggang sa makatapos kami ay nagbonding sila dalawa ni Aaron.
Habang pinagmamasdan ko silang masayang nagbobonding naisip ko na kahit papaano ang swerte ko kay Aaron dahil tanggap niya si Angel bilang anak ko. Sana maging maayos na lalo sa amin ang lahat.
----------
Abangan ang susunod na kabanata.
Enjoy reading!
-MyLovasIsU :*
BINABASA MO ANG
Would you Still Love me if I already have a Child?
FanficThere's a lady na handang ibigay ang lahat para lang sa kanya ANAK. Lahat ibibigay niya para lang maging masaya ang anak niya, maging sariling buhay at sarili niyang kaligayahan handa niya ibigay para lang hndi masaktan ang anak. Pero paano kung dum...