Chesca's P.O.V.
Ngayong araw na ang flight namin ni Aaron papuntang Singapore kaya maaga akong gumising para magluto ng breakfast at maihatid ko si Angel kay Gail, doon ko muna siya iiwan. 12nn kasi ang flight namin. Habang nagluluto ako naalala ko ang usapan naman ni Angel kahapon.
*FLASHBACK*
Nasa bahay lang kami ni Angel maghapon. Andito kami ngayon sa favorite spot namin sa sala, sa carpet sa harap ng tv.
"Baby may sasabihin sayo si Mama."panimula ko
"Ano po un mama?"tanong niya habang naglalaro sa doll house niya.
"Aalis si Mama for 3 days."saad ko, napatigil naman siya sa paglalaro niya. Kita ko na medyo na lungkot ang mukha niya.
"Saan po kayo pupunta mama? Pwde po bang sumama?"tanong ni Angel
"Sa Singapore, baby hindi ka pwde sumama eh kasi may work doon si mama, saka walang magbabantay sayo doon."sagot ko habang pinaupo ko siya sa lap ko.
"eh iiwan mo ako dito mama eh, sino magaalaga sa akin eh wala ka po?"Sama na ako sayo mama."
"Doon muna kita iiwan kay Ninang Gail mo. Sorry baby gusto nga sana kita isama kaso may kasi doon si mama eh."saad ko
"mabilis lang naman po ang 3 days di ba mama?"
"oo baby. Promise me behave ka lang kay Ninang Gail mo ah?"
"Yes po."
"okay, bibili na lang kita ng pasalubong."
"Yes! Mama bear po ah?" saad niya at tumango naman ako.
*END OF FLASHBACK*
Buti na lang hindi ako nahirapan ipaintindi kay Angel ang pag alis ko. Nang matapos akong magluto ay ginising ko na si Angel at sabay na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay naligo at nagready na kami paalis. Nagtaxi n lang kami papunta kina Gail. Nasabi ko na din kay Gail ung isang araw na sa kanya ko muna iiwan si Angel. Pag dating namin sa bahay ni Gail ay agad niya kaming sinalubong.
"Hi Angel, Hi Bes."bari niya
"Hi Bes."saad ko sabay beso
"hello po ninang Gail."saad ni Angel sabay mano.
Nagstay lang ako sandali kina Gail para pagbilinan si Angel, maya maya nagpaalam na din ako.
"Baby alis na si Mama ah? Behave ka lang dito kay ninang Gail ah? Tatawag na lang ako lagi baby."saad ko habang nakaluhod sa harap niya para mapantayan siya.
"Opo mama. Just don't forget my pasalubong."masaya niyang saad pero alam kong malungkot siya.
"Okay! saglit lang 3 days baby hindi mo mamalayan un."nakangiti kong saad at tumango naman siya.
"Sya bes ikaw na muna bahala kay Angel ah. Tawagan mo ako agad pag may nangyari ah?"bilin ko kay Gail.
"Oo ako na bahala dito kay Angel. Oh ayan na ang taxi mo baka malate ka pa sa flight niyo."sagot ni Gail saka naglakad na kami papunta sa taxi.
"Baby alis na si mama ah, be a good girl okay?"saad ko kay Angel.
"Yes po mama. Ingat ka po doon."saad niya.
"Yes baby, I will. I love you."sagot ko sabay halik sa noon niya.
"I love you too mama."sagot niya at saka niyakap ako ng mahigpit.
Pag sakay ko ng taxi nakatanggap ako ng text galing kay Aaron, tinatanong kung nasaan na ako, nasa airport na daw siya. sabi ko naman on the way na ako. Itong ang unang beses namin magkahiwalay ni Angel alam kong malungkot siya kasi hindi niya ako makakatabi sa pagtulog. Pagdating ko ng airport ay agad ba ding tinawag ang flight namin kaya naman agad na kaming nagcheck-in ni Aaron. Bago ko iabot sa isang crew sa airport ang passport ko ay tumingin muna ako sa labas at sinabi sa aking isip: "sana walang mangyaring masama sa anak ko habang wala ako sa piling niya."
--------------
After a long wait nakapagUD na din ako dito. Sorry po sa mga naghintay ng matagal, pero sanay naman yta kayo eh? hahaha. char lang.
Pilitin kong tapusin nato this year. hahaha. Promise.
Ano kaya ang mangyayari habang wala sa Pilipinas si Chesca?
Masabi na kaya niya kay Aaron ang tungkol kay Angel?
ABANGAN!
-MyLovasIsU :*
BINABASA MO ANG
Would you Still Love me if I already have a Child?
FanfictionThere's a lady na handang ibigay ang lahat para lang sa kanya ANAK. Lahat ibibigay niya para lang maging masaya ang anak niya, maging sariling buhay at sarili niyang kaligayahan handa niya ibigay para lang hndi masaktan ang anak. Pero paano kung dum...