Prologue

405 7 9
                                    

Can't Help Drowning
by ralflearnstowrite (Ralph Borromeo)

Prologue

Lumuluha siya sa harap ko. "A-alam kong kasalanan ko. Tanga ako. Bumigay ako. Nagpatukso ako. Gago ako. Nasaktan kita, at hindi ko na 'yon kayang bawiin pa. Pero paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo, Aliyah. Mahal kita... m-mahal na mahal kita."

"M-mahal mo ko? Kung mahal mo ko bakit mo ko sinaktan? 'Di ba kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya sasaktan? 'Di ba kung mahal mo ang isang tao, hindi ka gagawa ng dahilan para humantong kayo sa katapusan?"

Tumalikod na ko at naglakad palayo. Mahal ko siya, pero mas mahal ko ang sarili ko-ang sarili kong muntik ko nang makalimutan ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon