Chapter XXV - Moving Forward

9 1 0
                                    

Moving Forward

After four years…

“ANO ba naman ‘yan? Nakakalungkot naman, friend. Kailan ba ang balik mo?” tanong ni Chelsea habang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.

“Ano ka ba? One week lang naman ang leave ko, ‘no. Next week, nandito na ulit ako.”

“Totoo? Wala akong kasabay mag-lunch kapag wala ka. Alam mo namang ayaw na ayaw kong sumabay sa mga tsismosa nating ka-department.”

Tumawa ako. “Oo nga. As if naman pwede akong mag-extend. Baka ihagis ako ni Madam Emma sa Manila Bay kapag nagkataon.” Ang Madam Emma na tinutukoy ko ay ‘yong department head namin.

“O, basta promise mo ‘yan, ha?”

“Oo nga. O, sige na. I’ll hung up na. Balitaan mo na lang ako sa mga magaganap d’yan. Ingat ka at sumabay ka na lang sa mga trainee kung wala kang kasabay ‘pag lunch, okay?”

“Okay. Ingat ka rin! Enjoy your trip! Pasalubong ko, ha? Bye!” Pagkatapos niyang mag-paalam ay tinapos ko na ‘yong tawag.

Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang auditing firm sa Makati. So far, okay naman. Medyo nakakastress ang trabaho ko pero okay lang dahil gusto ko naman ito. Masaya naman ako. It has been four long years since I graduated from college.

Matagal-tagal na rin pala. Natatandaan ko, pagkatapos ng graduation ko noon, nag-enroll agad ako sa review center. Medyo mahirap ang pinagdaanan ko habang nagre-review para sa board exam. Or let me say na, mahirap talaga at hindi ‘medyo mahirap.’ Noong mga panahong pumapasok kasi ako sa review center, iyon ‘yon mga panahong unti-unti palang akong nagre-recover mula kay… Xian. Ang hirap. May mga pagkakataon na nakatulala lang ako. Maraming beses na hindi ako makapag-concentrate.

Pero siguro, mas nanaig ‘yong mga pangarap ko — ‘yong pagmamahal ko sa sarili ko. Every day before my review hours, dumadaan ako sa simabahan, asking God for guidance. Pinilit kong i-compose ang sarili ko tuwing nagre-review. Kapag tutulo na ‘yung luha ko, tahimik akong bubulong ng ‘kaya ko ‘to.’

Isang buwan pa lang akong pumapasok sa review center nang magdesisyon si Tiya Geleen na iwan na ang tinitirhan naming apartment at lumipat na lang sa Makati. Hindi ako alam kung bakit niya naisip ‘yon. Pero later on, napagtanto kong ginawa niya ‘yon para sa akin. Naisip niya siguro na kailangan ko na ng bagong environment. Kailangan ko ng bagong simula. Inaamin ko namang may mga memories din kami ni Xian sa dati naming apartment na iyon.

Luckily, I passed the board exam makalipas ang ilang buwan. I finally achieved my dream of becoming a Certified Public Accountant. Mula no’n, nagtrabaho na ko. Ginugol ko na lang ang oras ko sa trabaho. Noon ko napatunayan iyong sinasabi nilang “Time heals all wounds.”

Pakiramdam ko, nagising na lang ako na wala na. Na tapos na. Tapos na ‘yong kagagahan ko kay Xian. Kaya ko nang banggitin ‘yong pangalan niya. Kaya ko nang mag-look back sa mga alaala namin nang hindi umiiyak. Minsan nga, natatawa na lang ako sa tuwing may naaalala ako. Natapos na rin ‘yong mga gabing wala akong ginawa kundi ang humagulgol dahil sa kanya—sa lalaking minsan kong minahal.

“O, aalis ka na?”

Napalingon ako kay Tiya Geleen. Ibinaba ko saglit iyong bag ko. “Opo.”

Nag-file ako ng one week na vacation leave sa trabaho para umuwi muna sa probinsya. Birthday kasi ng Inay bukas. Balak ko silang sorpresahin kaya hindi ako nagsabi sa kahit sino ro’n—kahit kay Britanny—na uuwi ako

“Mag-ingat ka sa byahe. Ibati mo na lang ako sa Inay mo ng happy birthday, ha?”

Tumango ako. “Sige po.”

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon