Chapter 1

178 4 6
                                    

Chapter 1
From This Day Forward


DALAWANG BUWAN na rin ang nakalipas mula nang iwan ako ni Luigi—ang ex-boyfriend ko. Dalawang buwan… Dalawang buwan na puro pagmumukmok at pagkukulong sa kuwarto. Diyan lang umikot ang dalawang buwan ko.

Umalis si Luigi nang walang paalam—no call, no text, and even a personal good-bye or a relationship closure. Ni hindi niya ko pinuntahan man lang sa bahay namin para lang sabihin na mawawala na siya, aalis at iiwan na ako.

Nagulat na lang talaga ako nang mabalitaan ko sa tropa niyang si Justin na umalis at lumipad na siya patungong Canada. Iniwan niya ko rito sa San Felipe nang gano’n na lang. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakainis. Ni hindi man lang siya nag-aksaya ng kahit isa o dalawang minuto lang para sabihin sa aking, “Hoy, Anastasia! Aalis na ko patungong Canada! Iiwan na kita! Diyan ka na. Bye!”

Kahit isang text o kahit isang tawag, wala. Ang sakit ng gano’n, ‘di ba? ‘Yong tipong aalis na lang siya bigla at iiwan kang basang-basa sa ulan at walang masisilungan! Ang sakit! Pero biro lang iyong bandang huli. Nililibang ko lang ang sarili ko.

In fact, dinadalaw-dalaw ako minsan ng kaibigan kong si Britanny dito sa bahay, making sure if I am still breathing or not. Ang alam niya kasi, suicidal ang lagay ko mula nang iwan ako ni Luigi. Katulad na lang ngayon, nandito na naman siya sa bahay para bisitahin ako.

“Anastasia! Kumusta?” masiglang bati niya pagpasok niya ng bahay.

Ngumiti ako bilang sagot. Bumusangot naman siya. “Hay naku, friend! Alam mo bang kaya ako pumunta rito ay para yayain kang lumabas? Taralets na magliwaliw!” sabi niya.

“Saan naman tayo pupunta?”

“Punta tayo ro’n sa bagong bukas na mini-mall sa bayan! Balita ko marami raw sale dahil kabubukas lang. Ano ka ba, Anastasia?! Hindi pwedeng lagi ka na lang ditong nakakulong at nagmumukmok! You should go out and see the world!” At ibinuka niya pa ang kanyang mga braso.

Bandang huli ay wala na akong nagawa. Naligo na ako at nag-bihis dahil ayoko nang marinig ang pagputak ng bibig ng kaibigan ko. Knowing Britanny, puputakan lang ako niyan nang puputakan at sasabihing masyado kong kinukulong ang sarili ko sa sakit na dulot ni—okay, from this day forward, susubukan kong hindi na banggitin ang pangalan niya. Sa tingin ko ay makakatulong iyon.

Pagkalipas ng isang oras, nandito na kami ni Britanny sa bagong bukas na mini-mall dito sa bayan. Nagpasama siya sa akin sa bilihan ng sapatos. Sukat dito, sukat doon, hanggang sa tanungin niya na ko kung ano raw ba ang bagay sa kanya.

“Sa tingin ko, itong kulay red ang bagay sa iyo,” suggest ko sa kanya sabay turo ng kulay red na sandals.

“Eh ayaw ko kasi ‘yan! Wala man lang kadating-dating! Mas gusto ko itong kulay peach,” sabi niya habang pinipilit isuot iyong kulay peach sa paa niya. Mukhang maliit ito at hindi kasya sa kanya.

“Aray! Ang sakit-sakit naman!” reklamo niya ng maisuot na niya ito. “Medyo maliit ito, nakakainis! Hindi kasya sa akin! Ito pa naman ang gusto ko.”

Biglang sumulpot ‘yong babaeng tila saleslady. “Alam mo, Miss. Kung hindi talaga fit sa iyo, ‘wag mo nang pilitin. Masasaktan ka lang. Humanap ka na lang ng iba. Tingnan mo nga ‘yang isang ‘yan, sinaktan lang ang paa mo. Ang hanapin mo ay ‘yong hindi ka sasaktan,” makahulugan niyang wika sabay ngiti.

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit gano’n? Bakit tila may hugot ‘yong sinabi niya? Kasi tinamaan ako, eh.

Humanap ka na lang ng iba.

Hay. Napa-buntong hininga na lang ako. Few minutes later ay nasa Glamour na kami—isa itong salon for women. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit kami nandito. Ewan ko ba kay Britanny, bigla niya na lang ako kinaladkad dito. Naku naman!

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon