Epilogue: I Think I Met A New Friend

23 1 0
                                    

I Think I Met A New Friend

“OH CRAP! You must see this, Aliyah!” pipikit na sana ko nang bigla akong hampasin ni Chelsea.

Napakamot ako sa ulo ko. “Ano ba ‘yan?” Balita tungkol sa The Big One? Bagong kanta—or should I say—bagong boyfriend ni Taylor Swift? O magandang lugar na gusto na naman niyang idagdag sa bucket list niya with hashtag “travel goals?” Ganyan lang naman ang kadalasan niyang pinapakita sa ‘kin.

Hinarap niya sa akin ‘yong cellphone niya. Bumungad sa akin ang kanyang Instagram account. Tapos dinala niya ito sa news feed. Mukhang tungkol nga kay Taylor Swift. But I was wrong. Isang picture ang nakita ko—nakangiti ang isang pamilyar na babae kasama ang isang batang lalaki. The caption said, “Meet Alexander, the prince of my life.”

“Si Iva ‘yan! Tapos anak niya ‘yong batang kasama niya. Anak nila no’ng ex mong si Xiander.”

A-anak nila… ni… Xian?

Napatitig na lang ulit ako sa picture. Ibig sabihin, nabuntis si Iva? Nagbunga ‘yong nangyari sa kanila ni Xian noon? Napa-nganga ako.

Ibinalik ko kay Chelsea ‘yong cellphone niya. Tinignan niya naman ako. “Are you okay?”

“Oo naman. May dahilan ba para hindi ako maging okay?”

“I mean, baka lang naalala mo na naman si… si Xian pati ‘yong mga nangyari noon? Sorry ha, pinakita ko pa kasi ‘yong picture.”

“Ano ka ba, matagal na ‘yon. College pa tayo no’n. Ano’ng taon na ngayon? I was completely over with Xian—with them. Wala na sa ‘kin ‘yong mga nangyari,” sagot ko at ngumiti. “Matulog ka muna. Matagal pa ang biyahe.”

She nodded and smiled. Nasa byahe na kami papuntang Batangas. Rented van ang sinasakyan namin kaya sobrang komportable. Pero dahil ilang oras pa ang lilipas bago makarating sa venue nitong team building namin, napagpasyahan kong matulog na muna.

Nagising na lang ako dahil sa malalakas na boses ng mga workmate namin na sina Harry, Calvin, Tom, Joe at Selena. Nasa Batangas na pala kami at binababa na nila ang mga gamit. Agad kong ginising si Chelsea. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob ng Camp Netanya. Nauna na raw palang pumasok sina Sir Wendell and the rest of the team.

“Wow!” Selena exclaimed.

“Ang bongga!” komento ni Chelsea.

“I’ve been here na before,” sabi ni Calvin.

“Ako rin, eh.”

Naabutan namin sina Sir Wendell na nagiikot-ikot na. Habang ang iba naman ay nagpi-picture taking sa magagandang spot. Sobra naman kasing instagrammable ang bawat sulok. May karamihan din ang mga taong nandito ngayon.

Lumayo ako sa kanila nang maging abala na rin sila sa pagkuha ng pictures. Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala naman masyadong nagbago. Apat na taon na rin pala ang lumipas mula nang mapunta ako rito. Kasama ko si Xian noon. Ngayon… nakabalik ako pero hindi siya ang kasama ko. Siguro, wherever he is right now, masaya na siya. Lalo na’t may anak na siya. Minsan, naiisip ko… bakit ba naiisip ko pa siya—katulad ng nangyayari ngayon—gayong limot ko naman na talaga siya?

Naramdaman ko ‘yong malamig na hangin na humahalik sa balat ko. Looking back, I was just nineteen years old when I first set my feet in this magnificent place. Beside me was Xian who was the reason why everything about that day from four years ago and this place seemed so magical. Sa mg panahon na nakasama ko siya, iyon ‘yong araw na pinaka-special.

Wala lang. Hindi ko lang maiwasan na mag-reminisce. Sobrang special ang lugar na ‘to para sa akin as it held a lot of magical memories. I could only smile right now.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon