Chapter XXII - Haunted

7 0 0
                                    

Haunted


ISANG LINGGO pa ulit ang lumipas pero hindi pa rin nagte-text o tumatawag si Xian. Dalawang linggo ng ganito. Papasok ako sa trabaho, uuwi at titignan ang cellphone sa pag-asang may text siya… pero wala.

Kung anu-ano na ang naglalaro sa isip ko. Minsan naiisip kong baka may nakilala na siyang ibang babae sa trabaho. Baka niloloko na niya ko. Minsan naiisip ko ring baka nagsawa na siya sa ‘kin dahil boring ako. Pero madalas, naiisip ko pa rin na baka nagpe-prepare lang siya ng bonggang surprise niya sa akin para sa papalapit na Valentine’s day. Kasi gano’n ang mga boyfriend, ‘di ba?

Hay. Mababaliw na yata ako.

Hanggang sa hindi na ko nakatiis. Ako na ang tumawag sa kanya. My hands were trembling while waiting for his answer. At nang narinig ko ‘yong boses niya mula sa kabilang linya, naka-hinga ko nang maluwag.

“Hello?”

“Baby love! Nakakainis ka!” Maluha-luha na ko. “Bakit ba hindi ka nagte-text o tumatawag? Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo, ha?”

“Relax, relax. Sorry, baby love. Nahuli kasi akong gumagamit ng cellphone sa trabaho. Kaya nakuha ‘to at nasa office lang for two weeks. I’m sorry. I’m sorry…” paliwanag niya.

I heaved a sigh of relief. “Totoo?”
   

“Oo.”

Umiiyak na ko. “Akala ko… a-ayaw mo na sa ‘kin.”

Narinig kong tumawa siya. “What? No! Hindi ko lang talaga nakuha agad ‘yong phone ko. Two weeks daw kasi talaga ang disciplinary action kapag gano’n, eh. I’m really sorry, baby love.”

“O-okay lang,” sagot ko at nagpunas ng luha. “Sorry, kung anu-ano agad ang naisip ko.”

“It’s fine. Oo nga pala, magkita tayo sa Valentine’s, ah?”

“Saan?”

“Natatandaan mo pa ‘yong restaurant na kinainan natin noong pinuntahan kita r’yan? May park sa tapat no’n, ‘di ba?”

Ah, tanda ko na. “Doon? Ano’ng oras?”

“Pagka-out natin. Usually kasi, 5:30 p.m. na ko nakakalabas. Ikaw?”

“Four o’clock ang labas ko. Hihintayin na lang kita ro’n,” sagot ko.

“Okay, sige. Basta, take good care of yourself, ha?”

Tumango ako na para bang magkaharap kaming nag-uusap. “Oo. Ikaw din. Mukhang nakakapagod ang ginagawa mo. Mag-ingat ka lagi.” I closed my eyes. “I… I miss you.”

I wish I can see him right now. I wish I can hold his hands… look at his eyes… and feel his warm breath on my neck as his lips touch my cheek.

“Naku, ang baby love ko, miss na miss na ko. Halata sa boses,” sabi niya tapos tumawa siya. “Don’t worry. Inaalagaan ko naman ang sarili ko rito. Poging-pogi pa rin ‘tong Xian mo. At saka… ilang araw na lang oh, Valentine’s na. Magkikita na tayo.”

Nakangiti na ko na parang tanga. “I love you!”

“Love you more, baby love. Ibababa ko na, kakain na kami. Ikaw, kumain ka na rin.”

“Sige.”

Iyon lang at natapos na ‘yong tawag. Pakiramdam ko, dahil lang sa ilang minuto ng pag-uusap namin ay na-balewala na ‘yong dalawang linggong hindi ko siya nakita at hindi narinig ang boses.

Habang kumakain naman, hindi ko mapigilang isipin na… kung na-capture ang phone ni Xian sa work… bakit hindi niya na lang ako tinawagan gamit ang phone ng Mommy o Daddy niya? O ng kahit na sinong kasama niya ro’n?

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon