Chapter XII - Jamaica

13 1 0
                                    

Jamaica


“THAT ends our discussion for today,” deklara ni Prof. Bartolome. “And by the way, lahat ng hindi nagdala ng books ay absent sa klase ko.” Pagkatapos no’n, tumalikod na siya at lumabas.

    Paglabas niya, nagbigay na ng kanya-kanyang violent reaction ang mga classmate ko.

    “Grabe lang talaga. Hindi lang nakapagdala ng libro, absent agad?” usal ni Renz.

    “My gosh! Sayang lang pala ang one and a half hour na pag-upo ko sa klase niya!” naka-taas ang kilay ni Rochelle.

    “First day na first day, ganito agad? Kung pwede lang, ida-drop ko talaga ‘yung subject niya, eh!” nayayamot na sabi ni Nicole.

    “Girl, major ‘to. Ano ka ba!” natatawang sagot ni Paloma, rinig ko ang sarcasm sa boses niya.

    “Mauna na ko, ah,” paalam ko naman kay Chelsea, ang seatmate ko.

    Tumango naman siya at ngumiti. “Sure. Hihintayin ko pa si Willton, eh. Ingat.” Ang Willton na binanggit niya ay iyong boyfriend niyang Architecture student na kasabay niya lagi umuwi.

    Dinampot ko na ang bag ko at lumabas ng classroom. Nakakainis lang talaga. Isa rin kasi ako sa mga hindi nakapagdala ng libro namin. Parang ang OA naman kasi ni Prof. Bartolome. Bukod sa siya lang ang nag-klase ngayong first day of school, in-absent pa kami dahil lang sa hindi pagdadala ng libro.

    Tiningnan ko ang oras, Dahil iyon na ang huli kong klase for today, uuwi na ko. Naglalakad na ko sa hallway ng building namin nang bigla kong maalala si Xian. Teka, nasaan na kaya ‘yong lalaking ‘yon? Sabi niya kaninang umaga sabay daw kaming mag-lunch. Pero sa buong maghapon ay hindi ko pa nakikita ni ang anino niya.

    As if on cue, biglang nag-ring iyong phone ko. Pagtingin ko sa screen, hay, speak of the devil, ika nga nila.

    “Xian?”

    “Uy, Aliyah! Nasaan ka?”

    “Ano’ng nasaan ako? Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan, eh. Sabi mo kanina sabay tayong mag-lunch. Abay hindi ka naman nagpakita sa akin, eh,” sagot ko.

    “Look around,” sabi niya at napalingon naman ako sa paligid ko. Ang tanging nakita ko lang ay mga estudyante ring tulad ko na naglalakad.

    “Ha? B-bakit?”

    “Sa dulo ng nilalakaran mo.”

    Sinunod ko naman siya. And there, nakita ko siya. Nasa dulo siya ng hallway. Habang nakatutok pa rin ang cellphone sa kanyang tainga, nakangiti siya sa akin at kumakaway. Parang biglang nag-freeze iyong moment na ‘yon. Ewan, ang feelingera ko lang siguro pero pakiramdam ko para siyang groom na naghihintay sa akin sa dulo.

    Iba na talaga ‘yan! sigaw ng utak ko.

    Hindi ko namalayang nakatulala lang pala ko doon na parang tanga. Bigla kasing sumigaw si Xian. “Aliyah! Ano pang ginagawa mo d’yan? Come on!”

    Hay naku. Nasobrahan na yata ako sa pagde-daydream. O sa pagiging ambisyosa at feelingera.

    Dali-dali akong naglakad palapit sa kanya. “S-sorry, ha. Wala ka ng klase?”

    “Yup!”

    Naglakad na kami palabas ng campus. Pagdating naman namin sa labas, may biglang lumapit sa amin—o kay Xian—na isang babae. Maputi, may mahabang buhok, pulang-pula ang labi at siguro ay magka-height lang kami. Magsisinugaling ako kapag sinabing kong hindi siya maganda. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang high-waist pants at off-shoulder na floral blouse.

    “Xiander! I have been waiting for you for like thirty minutes na. You’re so matagal. What now? Let’s go?” tanong niya sa maarteng tono.

    Nakita ko namang awtomatikong ngumiti si Xian. “Really? Kanina ka pa? I’m sorry. Hanggang 3 o’clock kasi ang klase ko.” Tinuro niya ko. “Si Aliyah. Aliyah, si Jamaica.”

    Tumingin siya sa akin. “Oh, hi!” Bago pa man ako makapag-“hi” ay bumaling muli siya kay Xian, clearly ignoring me. “Shall we go now?”

    “Mm-hmm,” sagot naman ni Xian at agad na bumaling sa akin. “Ah, Aliyah, may lakad kami ni Jamaica. Ayos lang bang mauna ka na umuwi?”

    Naka-ready naman ang ngiti ko. “O-oo naman.”

    “Okay. Ingat ka ha—”

    Hinila na siya ni Jamaica kaya halos hindi na niya natapos iyong sasabihin niya. Tumalikod na ko agad at hindi ko na pinagmasdan pang lumayo sila.

    Naglakad ako papunta sa loading area ng mga jeep para mag-abang. Habang nakatayo, kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Sino kaya siya? Kaibigan kaya siya ni Xian? O girlfriend? Saan kaya sila pupunta? At bakit ganon kung makipag-usap ang babaeng iyon kay Xian?

    Siguro nga, girlfriend siya ni Xian. Tapos aalis sila at magde-date. Maganda nga siya pero nakikita kong maarte siya at may ibang ugali. Ni hindi niya ako kinamayan kanina noong pinakilala ako ni Xian sa kanya. Nginitian nga ako pero halata namang fake.

    Oo, maganda siya. Aaminin ko ring bagay sila ni Xian. Hay, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko? Dahil ba iniwan ako ni Xian nang gano’n-gano’n na lang? Na hindi niya man lang ako inisip at basta na lang umalis? Dahil ba ro’n? O may iba pang dahilan?

    Nagse-selos ka! sigaw ng utak ko.

    Nagse-selos nga ba ko? Kung oo, may karapatan ba kong mag-selos kahit magkaibigan lang kami?

    Ang gulo-gulo naman. Hindi ko maipaliwanag. Ang bigat-bigat sa dibdib. Naramdaman ko na lang na may mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko.

    “Miss, sasakay ka ba?”

    Pinunasan ko iyong luha ko. “Opo.”

    Sumakay ako sa jeep at nang akmang mag-iiwan ako ng space sa tabi ko, doon ko naalala na hindi ko nga pala kasama si Xian.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon