Chapter XXI - Missing Out

9 0 0
                                    

Missing Out

“MISS ENRIQUEZ? Pwede bang pahatid ito sa office ni Mr. Tuason?”

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang maamong mukha ni Ma’am Zyra, ang head ng department na kinabibilangan ko sa banko na pinapasukan ko bilang isang OJT. Tumayo agad ako at inabot ‘yong folder na hawak niya. “Sige po, Ma’am.”

“Thank you.”

Dumiretso agad ako sa office ni Mr. Tuason. Alam ko naman na kung saan ‘yon dahil hindi lang limang beses na akong inutusan doon mula noong unang buwan ko. Sa pinto ng office niya ay may nakadikit na papel na nagsasabing h’wag na raw kumatok at pumasok na lang agad. Pero hindi ko sinusunod ‘yon. Sa tuwing pumupunta ako rito ay kumakatok talaga ako. Parang ang bastos kasi kapag hindi. Kaya naman madali akong nakilala ng 29-year old na general manager.

Pagkatok ko pa lang ay siguradong alam niya ng ako ang dadating kaya pagpasok ko ay nakangiti na siya. “Good afternoon, Sir. Pinabibigay po ito ni Ma’am Zyra,” sabay abot ko ng folder.

Kinuha niya lang ito at tumango. Tumalikod na ako at nag-paalam. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang tinawag niya ko.

“Miss Enriquez…”

“Yes, Sir,” humarap agad ako sa kanya. “bakit po?”

Pumikit pa siya bago nagsalita. “Do… d-do you… I mean, d-do you have… a boyfriend?”

Medyo nagulat ako sa tanong niya. First time kasing may nagtanong sa ‘kin dito kung may boyfriend na ba ako. Tapos si Mr. Tuason pa.

“Uh… Y-yes, Sir.”

Tumango lang siya at umalis na ako. Bakit kaya? Ayoko sanang isipin ‘to pero… hay, ‘wag na nga. Pagbalik ko, nakabulungan ko si Mia, katulad ko ring OJT.

“Alam mo, tinanong ni Mr. Tuason kanina kung… kung may boyfriend na raw ba ako. Na-wirduhan ako.”

“Hay naku, friend. Tinanong din niya ko dati noong nagpunta ko sa office niya,” sagot niya.

“Talaga?” Napaisip ako. “Baka naman hindi lang tayo ‘yong natanong niya, no? At saka… baka naghahanap siya ng—”

“Ng makaka-date sa Valentine’s day!” dugtong ni Mia. “Balita ko single daw ‘yang si Sir. Type mo?”

“Ha? Hindi, no. May boyfriend na ko,” agad kong sagot.

Tumawa lang si Mia. Pagka-out ko sa trabaho, tinignan ko agad ‘yong cellphone ko at nalaglag ang balikat ko. Wala na namang text si Xian.

Napa-buntong hininga ako. Bakit kaya? Halos isang linggo na siyang hindi nagte-text at tumatawag ah? Baka busy lang masyado sa OJT? Baka pagod at maraming ginagawa? Pero bakit dati pinupuntahan niya pa ako rito?

Nag-text ako sa kanya.

To: Baby Love

I miss you.

Pumara ako ng jeep at sumakay na tulala.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon