Chapter XXIII - Out In The Open

9 0 0
                                    

Out In The Open

ISANG buwan na rin ang nakalipas mula nang ‘di magparamdam si Xiander—ang boyfriend ko. Isang buwan… Isang buwan na umikot lang sa pag-iyak at pag-iisip kung ano’ng nangyari sa kanya—kung ano na ba’ng nangyayari sa amin. ‘Yon ay kung meron pang salitang “amin.” Sa paglipas ng mga araw, iniisip ko lagi kung ano ba ang nagawa ko? May nasabi ba akong mali?

Aliyah, may meeting daw bukas ang lahat ng graduating students. 10 a.m. Sa auditorium gaganapin. Bawal daw ma-late.

Napatitig ako sa text message ni Chelsea. Akala ko siya na ‘yong nag-text. Akala si Xian na. Ang pathetic ko ba na hanggang ngayon umaasa pa rin akong magte-text siya? Ang pathetic ko ba na pumunta pa ako sa bahay nila noong isang araw para makita siya… pero wala naman daw siya ro’n? Ang tanga ko ba na umaasa pa akong may “kami” pa?

Kung ayaw niya na sa akin, pwede naman sanang sabihin niya sa akin, ‘di ba? Kung nagsawa na siya at may iba na siyang gusto, pwede namang sabihin niya na lang, ‘di ba? Kahit masakit, siguro mauunawaan ko… at matatanggap ko. Hindi ‘yong ganito na hindi na lang siya magpaparamdam na parang hindi niya ko nakilala. Hindi ‘yong ganito na bigla na lang siyang mawawala tulad ni… tulad ni Harvy.

Pinunasan ko ang mga mata ko. Lagi na lang ganito. Kailan ba mauubos ang luha ko?

Maaga akong gumising kinabukasan. Tapos na ang on-the-job training ko. Magpapasa na lang ako ng accomplishment report, hihintayin ang schedule ng pictorial at hihintayin ang araw ng graduation na siguro ay ia-announce mamaya sa meeting.

Maaga rin akong umalis ng bahay. Eight-thirty pa lang, bumibyahe na ko papunta sa school. Sadyang nag-allot ako ng oras para sa traffic jam. Bawal daw kasi ma-late sa meeting sabi ni Chelsea.

Kapansin-pansin ‘yong bulungan at chismisan ng mga estudyante sa jeep. Sigurado akong schoolmate ko sila. Parang may tinitignan sila sa mga cellphone nila.

“Grabe, no? Hindi na sila nahiya. I can’t take it!”

“Well… wasn’t it cool that they finally got everyone’s attention? ‘Yon lang naman yata ang gusto nila in the first place, right?”

“What? Bakit? Sila ba ang nag-upload? Hindi naman, ‘di ba?”

“Whatever. They just really killed it!”

Hindi ko na lang sila pinansin. Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa auditorium. Marami ng tao. Sabay-sabay kasi ang lahat ng department. Makikita ko kaya siya rito? Paano kung makita ko siya? Ano’ng sasabihin ko? Kakausapin ko ba siya? Susumbatan? Sasampalin? Iiyakan?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga classmate ko. Nakarating ako sa bandang harapan at doon ko sila nakita.

“Chelsea!” Umupo ako sa tabi niya.

Ngumiti siya ng alanganin sa ‘kin. “Aliyah… uh… t-tara sa CR?”

Tumango naman ako at pagkatapos ay hinila niya na ako. On our way to powder room, nakasalubong namin si Jamaica. Hindi ko alam pero napahinto kaming pareho noong magtama ang mga mata namin.

“A-Aliyah…” Parang may gusto siyang sabihin pero hinila na ako ni Chelsea papasok sa loob.

“C-Chelsea… bakit?” tanong ko pagpasok namin.

Hinintay niyang makalabas ang mga tao sa loob bago nagsalita. Hinawakan niya ‘yong mga kamay ko. “Hindi mo pa ba alam?”

I arched my eyebrows. “A-ang alin?”

She sighed. “So, hindi mo pa nga alam.” Pumikit muna siya na para bang malalim ang nasa kanyang isip bago muling nagsalita. “Kamusta ka at ang boyfriend mo?”

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon