Chapter 2

88 4 3
                                    

Chapter 2
Parting Friends

HINDI NAGING masaya ang pagdating ng bagong taon sa akin. Ang araw-araw ko, gano’n pa rin. Walang pagbabago. I was still the Anastasia who can’t move on from being left behind—from the pain of loving a guy. Minsan, nagagalit na sa akin ang Inay dahil lagi na lang daw akong nakakulong sa kwarto. Ni hindi man lang daw ako lumalabas ng bahay.

Nalalapit na ang Patimyas Festival. Ito ang pistang ginaganap dito sa bayan namin pagtuntong ng buwan ng January. Ibig sabihin, nalalapit na rin ang pagbabalik-eskwela. Sa lunes, pasukan na. Bakit gano’n? Parang hindi naman ako excited?

Pagkatapos kumain ng almusal ay napagpasyahan kong ayusin na ang mga gamit ko sa school. Nililipat ko sa panibago kong bag ang mga notebooks ko nang biglang dumating si Inay at naabutan ako sa ginagawa ko.

“Anastasia, anak. May hindi pa ko nasasabi sa ‘yo.”

Mula sa ginagawa ko ay napa-angat ang tingin ko sa kanya. “Ano po ‘yon, Inay?”

“Lilipat ka na sa Maynila. Doon ka na mag-aaral. Mag-ayos ka na ng gamit mo dahil bukas ay aalis na ang Tiya Geleen mo para bumalik ng Maynila. Sasabay ka na sa kanya,” paliwanag ni Inay.

Naiwan akong tulala. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at napuno ng tanong ang utak ko. Bakit gano’n? Bakit kailangan kong lumipat sa Maynila gayong maayos naman ang pag-aaral ko rito? Hindi yata ako papayag. Hindi ko kayang iwan ang buhay ko rito. Hindi ko rin kayang iwan itong lugar namin. Marami akong alaala dito, malungkot man o masaya…

Pilit akong nakipag-paliwanagan kay Inay tungkol sa sinabi niyang iyon. Ang sabi ko, mas gusto kong dito na lang sa amin magtapos ng kolehiyo at ayoko ring umalis dito sa amin. Sinabi kong ayokong sumama sa Tiya Geleen. Ayaw niyang pumayag. Iyon daw ang mas makakabuti sa akin kaya sumunod na lang daw ako.

“Ano? My gosh, Anastasia! Bakit gano’n? Bakit iiwan mo ko?” Iyan ang reaksyon ni Britanny matapos ko siyang puntahan sa bahay nila para sabihin sa kanya ang mangyayaring pagsama ko sa Tiya Geleen sa Maynila… at para na rin mag-paalam.

“Ano ka ba, Britanny! Hindi ko naman ito gusto, eh. Hindi ko gustong umalis dito. At syempre, hindi ko gustong iwanan ka… ito kasing si Inay… a-ang sabi niya, ito raw ang makakabuti sa akin,” nagsimula ng manggilid ang luha ko.

Iisipin ko pa lang na hindi ko na makakasama sa school at sa klase itong kaibigan ko, nalulungkot na ko. Ito na yatang si Britanny ang pinaka-da best na naging kaibigan ko. Para ko na rin siyang kapatid dahil sobrang malapit talaga kami sa isa’t isa.

Kapag nasa Maynila na ako at malayo na ko kay Britanny, sino na ang makakasama ko? Wala na kong Britanny na makakasabay kapag lunch at kapag maglalakad pauwi. Wala na rin akong magiging kakampi. Hay, iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya. Paano pa kaya kapag umalis na ko? Bukas na iyon…

“Mami-miss kita, Anastasia…” sabi niya habang umiiyak na.

Napaluha na rin ako. Niyakap ko siya. Ilang taon din kaming nagkasama. Hindi ko makakalimutan iyong mga panahon na iyon. High school pa lang kami, siya na ang nakasama ko sa lahat-lahat.

“K-Kailan ang alis mo?” tanong niya nang matapos kumalas sa yakap.

“B-Bukas na, Britanny,” sagot ko.

Alam kong mas lalo siyang nalungkot sa narinig pero pinilit niyang ngumiti. “Ang bilis naman…”

Napa-buntong hininga ako. “O-Oo nga, eh. Kung pwede lang talaga na huwag na lang akong umalis. Ayoko talagang umalis dito at lumipat sa Maynila.”

“Hay, nasisiguro kong tama ang Inay mo. Baka iyan ang mas makabubuti sa ‘yo. Baka kapag nasa Maynila ka na, baka makalimutan mo na rin si Luigi. Tiyak maraming mga gwapo ro’n! Natitiyak ko ring marami kang makikilalang mga bagong kaibigan do’n.”

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. “Ano ka ba! Loka ka talaga! Parang sinabi mo na ring pumunta lang ako doon para humanap ng ibang lalaki at kalimutan iyang si…” napahinto ako. Oo nga pala, ang sabi ko, susubukan kong ‘wag nang banggitin ang pangalan niya.

“Basta, ha. Pagdating mo sa Maynila, mag-text ka kaagad sa ‘kin. At saka kapag may mga nakilala kang gwapo, ipakilala mo sa ‘kin! Ibigay mo na rin ang number sa ‘kin! Hihi!” bumingisngis siya.

Tinapik ko naman siya sa braso. “Loka!”

Tumawa ulit siya. “Anastasia, kapag nagkaroon ka na ro’n ng mga bagong kakilala, balitaan mo ko ha? Lagi mo kong ite-text, ha?”

Tumango lang ako nang tumango sa kanya pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpupunas ng luha sa bandang huli. Dahil kasi sa sinasabi niya, mas lalong nagsi-sink in sa isip ko iyong katotohanang magkakalayo na talaga kaming dalawa. Hindi na kami magkikita araw-araw katulad ng dati.

“O-Oo naman. Ite-text kita lagi. ‘Wag kang mag-alala…”

“Talaga?”

Binigyan ko siya ng isang assuring smile sa gitna ng pag-luha ko. “Oo naman!”

“Anastasia?”

“Hmm?”

“‘Wag kang makakalimot, ha? ‘Wag mo kong kakalimutan…”

Hindi na tumigil ang luha ko sa pagpatak. Niyakap ko na lang ang kaibigan ko. Natapos ang araw na iyon sa mga bilin at paalala ni Britanny. And it all ended with a hug — a hug between two parting friends.

***

Copyright © Ralph Borromeo

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon