Chapter 5

21 2 0
                                    


Chapter 5
Little Black Dress


MABILIS na lumipas ang ilang linggo. Namalayan ko na lang na halos mahigit isang buwan na pala ako rito sa Maynila. Ibig sabihin din no’n, isang buwan na rin kaming magkakilala ni Xian. Ang bilis ng takbo ng panahon. Isang buwan na kaming sabay na kumakain ng lunch sa school. Isang buwan na kaming naghihintayan kapag hapon tapos sabay naming lalakarin ang mahabang pathway ng school papunta sa back gate kung saan kami nag-aabang ng jeep pauwi. Isang buwan na kaming nagtatawanan. Higit sa lahat, isang buwan na kaming magkaibigan.

“Anastasia!”

Mula sa ‘di kalayuan ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Lumingon-lingon ako para i-check kung ako nga ba iyong Anastasia na tinatawag. Baka mamaya kasi, hindi ako. Marami pa namang estudyante rito kaya hindi ako siguradong ako lang ang may pangalan ng Anastasia.

Paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si Xian na tumatakbo papalapit sa akin. “Anastasia! Kumain ka na?” tanong niya habang humihingal na huminto sa harap ko.

“Hindi pa. Ikaw ba?” Napatingin ako sa butil ng mga pawis na nasa noo niya at leeg na dala marahil ng pagtakbo niya.

Naglabas ako ng panyo at inabot sa kanya. Tinanggap niya naman iyon at ipinamunas sa mukha niya. “Kung gano’n ay sabay na tayong kumain,” sabi niya at inabot sa ‘kin pabalik ang panyo. “Salamat.”

Grabe talaga ‘to. May pawis na nga pero ibabalik pa rin sa akin. Sabagay, hindi siya si Xian kung hindi siya nagbabalik ng panyo sa akin na pinahiram ko sa kanya at ginamit niya namang pamunas ng pawis o sipon. ‘Di ba? Ang baboy lang? Grabe.

“Tara. Nagugutom na rin talaga ko. Nakaka-drain iyong tatlong oras naming klase sa major!”

Sabay kaming naglakad papunta sa Gregorio Building kung saan naroroon ang cafeteria na kinakainan namin.

“By the way, narinig mo na ba ‘yong balita?” tanong niya.

“Anong balita ba?”

“Student’s Night na next week!” sabi niya habang naka-ngiti.

“Ano? Uso pa ba ‘yan?! Ang dami-dami na ngang requirements, eh!”

“Kaya nga may gano’n, ‘di ba? Student’s Night. It’s our night. We’re supposed to enjoy and to relax, or in other words, time out muna sa nakaka-stress na buhay estudyante,” sagot niya.

Nakarating na kami sa cafeteria. Katulad ng dati, doon kami pumwesto sa table malapit sa bintana. Nilapag ko lang iyong bag ko sa ibabaw ng table at tutungo na sana sa counter pero pinigilan ako ni Xian.

“Ako na ang o-order,” sabi niya. “Ano ba’ng gusto mong pagkain?”

“Naku, hindi na. Ako na,” pagtutol ko. Nahihiya na ko sa kanya. Lagi na lang niya kong nililibre.

“Ako na nga,” pagmamatigas niya.

Okay. Dumukot ako sa bulsa ko at inilagay sa palad niya ang isang two-hundred peso bill. “O, ayan. Ang gusto kong ulam ay iyong special sisig nila. One cup of rice. Tapos gusto ko rin ng shrimp soup. Thank you!” sabi ko at ngumiti.

Umiling siya at ngumiti. “Ikaw talaga.”

Bakit kaya gano’n? Bakit parang laging matamis ang ngiti niya? Iyon bang ngiting nakaka-wala ng bad vibes? May naalala tuloy ako.

“O, bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?” tanong ni Luigi.

Katatapos lang ng klase ko at pinuntahan ko siya sa pwesto nila sa palengke. Ganito na kasi ang naging habit ko. Pagkatapos ng huli kong klase sa hapon, dumidiretso ako sa palengke para puntahan siya.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon