Chapter XXVI - Beautiful, Bittersweet Ghosts

13 1 0
                                    

Beautiful, Bittersweet Ghosts

“Harvy?” I was stunned nang makita ko kung sino ang mga naghihintay sa akin sa cliff—sina Britanny at Harvy.

I was dumbstruck. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay parang naging bato na ang mga paa ko at hindi ako makahakbang.

Siguro kung ako pa rin ‘yong dating Aliyah, baka umiyak na lang ako. Baka tumakbo na ako papalapit kay Harvy at sinampal siya at hinampas nang hinampas sa dibdib para malaman niya kung gaano kasakit iyong ginawa niya sa akin. Pero hindi na ako ‘yong dating Aliyah. I am a different person now. Matured na ako mag-isip. Kaya ko nang kontrolin ang emosyon ko. At higit sa lahat, matagal ko na siyang nakalimutan. Naka-move on na ako sa kanya matagal na panahon na.

Pinilit kong igalaw ang mga paa ko. Naglakad ako palapit sa kanila. “Hindi mo naman sinabing may kasama ka pala, Britanny.”

Itong si Britanny talaga. Kaya naman pala ayaw niyang magsabay kaming pumunta rito. May twist pala siyang hinanda para sa araw na ‘to.

“Hi!” bati ko kay Harvy.

“H-hi!” bati rin niya. “Ku…kumusta ka?

“Heto, maayos naman,” sagot ko.

“Ah, excuse me lang, guys. Mahina ang signal dito. Magpe-Facebook Live pa naman ako. Ang ganda kasi ng view. Iwan ko muna kayo,” singit ni Britanny at naglakad palayo, probably giving us “space.”

Nang makalayo na si Britanny, tinuro ni Harvy iyong bato na pwedeng upuan. “Upo tayo.”

“Ah, sure.” Umupo naman ako. Isang bato ang pagitan namin. “So, kumusta ka? Parang ang tagal kong walang narinig mula sa ‘yo—I mean, tungkol sa’yo—for years.”

“Okay naman ako. Ang totoo niyan, kauuwi ko lang mula sa Canada,” kwento niya.

“Ah.”

“Kinuha ako ng Itay para mag-aral doon. Kasama ko sila ng pangalawa niyang asawa — ‘yong stepmother ko — sa bahay nila roon. Nahihiya ako sa stepmother ko kaya pinilit ko ang Itay na hanapan ako ng trabahong kahit part-time lang. Ayon, pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Naka-graduate naman ako. Nakapagtrabaho naman ako ng maayos pagkatapos,” muli siyang huminga nang malalim. “Sa katunayan pinilit ko talagang makatapos para mapatunayan ang sarili ko.”

Natigilan ako sa mga dapat kong sabihin. Napaisip ako dahil sa huli niyang mga sinabi. Iniwan niya ang probinsya at pumunta ng Canada para mag-aral… Ginawa niya ‘yon para patunayan ang sarili? Ginawa niya rin ba ‘yon para magkaroon ng maayos na trabaho at para hindi siya maliitin ng mga tao rito?

Naaalala kong hindi maganda iyong mga salitang nabitiwan sa kanya ng Itay nang pinakilala ko siya sa kanila ng Inay noon. Tinawag pa siyang ‘tindero lang ng lechon’ ng Itay.

Hindi ako makaimik. Tila may nakabara sa lalamunan ko. Tila nasagot na sa wakas iyong mga tanong ko noon. At parang sinampal din ako.

“Siguro masyado ng huli ‘to. Pero Aliyah, gusto kong mag-sorry sa ‘yo. Sorry sa mga nangyari noon. Sorry kung bigla na lang akong umalis na hindi man lang nagpakita sa ‘yo at nag-paalam.”

Pinilit kong magsalita. “W-wala ‘yon, Harvy. ‘Wag mo nang isipin ‘yon. Matagal na kitang napatawad. Masyado lang sigurong naging mapaglaro lang ang tadhana sa atin.” Huminto ako sandali, huminga nang malalim at muling nagpatuloy. “Alam mo, inaamin ko naman na nasaktan ako sa ginawa mo noon. Umiyak ako, nagmukmok at medyo na-depress. Pero nakabangon naman ako. At alam mo, naniniwala akong ang lahat ng nangyayari sa buhay natin, may dahilan.”

May pinitas siyang ligaw na bulaklak sa tabi niya at inabot niya ito sa akin. Kulay puti ito. “Friends?”

Napalunok ako at napangiti. “Friends,” at kinuha ko iyong bulaklak.

Sabay kaming tumawa pagkatapos no’n. I heaved a sigh of relief. Masaya palang marinig ulit na tumatawa kami. Kasabay pa nito ang tunog na dulot ng umaagos na tubig ng Nakitnum Falls.

“Guys! Smile and say ‘hi’ to the camera!” biglang sigaw ni Britanny na papalapit na pala sa amin.

Wala na kaming nagawa kundi ang ngumiti na lang.

Thank you, Britanny, bulong ng isip ko.

***

“MONDAY na monday, nakaka-stress! Naku naman talaga!” Litanya ni Chelsea habang nagla-lunch kami. “Tapos ang init-init pa ng ulo ni Madam Emma! Ako pa ang pinagbuhusan ng galit kanina.”

“Hay naku, parang hindi mo naman siya kabisado,” sagot ko.

“Gosh! I hate this, friend!” sabay sapo sa noo na parang stress na stress na talaga.

I sipped my cold pineapple juice. “Alam mo, unwind lang katapat niyan.”

“Tara sa Emperor mamaya.” Ang Emperor na tinutukoy niya ay iyong mabentang bar dito lang din sa Makati na lagi raw niyang pinupuntahan. “Sama ka?”

“Negative. Magpapa-massage daw ang Tiya Geleen. Nagpapasama sa ‘kin.”

“Kailangan talaga may kasama? Iyang Tiya mo talaga, minsan nakakalurkey din.”

“Gano’n talaga siya, no. O, by the way. Kumusta kayo ni Willton?” Si Willton ay ang long-time boyfriend niya na schoolmate namin noong college.

She rolled her eyes, indicating na nag-break na naman sila. Take note, “na naman.” Mula noong college kami, ganyan na sila. On and off na para bang bumbilya. Minsan gusto ko na rin siyang payuhan na iwan na niya ito. Pero mukhang mahal niya talaga. Kasi kung hindi, siguro sa una o pangalawa pa lang nilang break-up, baka nakipag-hiwalay na siya rito nang tuluyan.

“Naku, Chelsea. Pang-ilan na ‘yan?” pabiro kong tanong.

“Alam mo, I’ve lost count na. We broke up for like n times na, where n is a negative integer!” sabi niya at sabay kaming tumawa.

Nang matapos ang break time ay sabay rin kaming bumalik sa trabaho. Bigla-bigla ay um-entra si Sir Wendell sa office. “Good afternoon. Attention, everybody!”

Base sa mood at mukha niya, tingin ko naman ay good news ang sasabihin niya.

“Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. We will be having a team building this coming Sunday. Ito ay gaganapin sa Camp Netanya sa Batangas, from 10 AM to 4 PM. All right?” he announced.

Pagkasabing-sabi niya no’n ay hindi na mapakali ang mga tao sa office. Napatili pa ang ilan dahil marahil ng excitement.

Camp Netanya… I thought.

Kinalabit ako ni Chelsea. “‘Yon ‘yong sinasabi ko sa ‘yong magandang puntahan sa Batangas! Ang bongga, ‘di ba?”

Ngumiti at tumango lang ako.

“O, bakit parang iba ‘yong ngiti mo?” Usisera talaga ang babaeng ‘to forever!

“Wala lang. Just like you, excited din ako, ‘no.”

It’s a good thing na nakakangiti ako ngayong naaalala ko ang Camp Netanya. Marami kaming memories ni Xian sa lugar na ‘yon. At hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan. But I was so done with that—and I was completely over with him. It has been years anyway.

“Okay, let’s all go back to the ball game,” biro ni Sir Wendell na ang ibig sabihin ay bumalik na raw kami sa trabaho. And we did.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon