Chapter 6

24 2 0
                                    


Chapter 6
Can't Help Drowning

“Britanny!” nasasabik kong sagot sa kabilang linya. Kararating ko lang sa bahay at sakto namang tumawag si Britanny.

“Anastasia! OMG, miss na miss na kita, best friend! Kumusta na? Bakasyon n’yo na ba?” tanong niya.

Sa tono ng boses niya ay alam kong sabik na sabik din siya. Matagal din kasi kaming hindi nakapag-usap. Naging busy ako nitong nakaraang buwan. Sunod-sunod ang mga requirements namin. Halos madaling-araw na ako natutulog no’ng mga araw na ‘yon kasi nagre-review pa ako ng maayos para sa final exam pagkatapos ko gumawa ng requirements.

“I missed you, too, Britanny!” tili ko. “Oo, summer vacation na namin starting tomorrow! Pero I need to go back to school pa bukas. Magpapa-clearance pa kasi ako. How about you? How have you been doing na?”

“Gano’n ba. Wow, ha. Parang ang conyo mo na!” sagot niya at tumawa.

Napahinto naman ako. Pinilit kong inulit sa isip ko iyong sinabi ko kanina. Tapos napa-pikit ako. At napa-isip. Oo nga! Grabe, ang lakas at ang bilis talaga maka-impluwensya ni Xian. In a relatively short period of time, ang dami kong na-adapt na habit at manners sa kanya. “Naku, si Xian kasi! Nahawa na yata talaga ako!”

Tumawa siya. “Xian na naman. Oops, parang may something na. . .”

Pinakinggan kong mabuti iyong sinabi niya. Nakarinig ako ng panunukso sa tinig niyang iyon. “Ikaw talaga! Bini-big deal mo.” Tumawa ako. “O, ano na? Bakasyon n’yo na rin ba?”

“Yup! Pero may tinatapos pa kasi kaming research paper. Kapag okay na ‘yon, wala na kaming iintindihin. Pa-major kasi iyong prof namin do’n, eh!”

Bigla akong napahinto. Naalala ko iyong dati kong school doon sa probinsya. Iyong mga dati kong classmates at professors. Iyong mga araw na nandoon pa ko at ine-enjoy ang buhay sa probinsya bilang isang kolehiyala sa isang hindi kalakihang state college.

Ang sarap balikan ng kahapon. Ang sarap sariwain ng mga alaala na minsang nagdulot sa akin ng saya.

“Hello, Alliyah? Nand’yan ka pa ba? Hello? Naku, nag-expire na yata iyong load ko.”

“Britanny. . . Nandito pa ko,” halos bulong na lang iyong sagot ko.

“Hay naku. Akala ko naman naputol na iyong tawag. Teka, bakit parang bigla kang nalungkot? Anyare?” usisa niya.

“May mga naalala lang ako,” napatingin ako sa orasan. Eight-thirty five na ng umaga. “Pano ba ‘yan, Britanny? Kailangan ko na palang gumayak. Pupunta pa kong school. Basta tatawag ako sa ‘yo ulit, ha?”

“Okay, sige. Ingat ka!”

“Ikaw rin! Pagbutihin mo iyong research paper n’yo!” sabi ko bago tuluyang pinutol ang linya.

Mabilis akong kumilos. Naghanda muna ako ng makakain ko. Nagluto ako ng sunny-side up egg at fried rice. Nagtimpla rin ako ng kape. Pagkatapos non ay nagsimula na kong kumain. Hindi naman kailangang maaga ako ngayon sa school. Magpapa-clearance lang naman ako.

Matapos kumain ay naligo na ako. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gumagamit ng shower sa tuwing naliligo. Mas sanay kasi akong gumamit ng tabo. Iyon kasi ang kinalakhan kong gawi sa probinsya. Tabo at timba lang sa paliligo. At hanggang ngayon, hindi ko maalis sa mga manners ko iyon.

By nine o’clock ay nakabihis na ko. Nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, biglang kumabog ng hindi pangkaraniwan ang dibdib ko.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon