Chapter XVIII - Baby Love

11 1 0
                                    

Baby Love

ALIYAH!” Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa tumawag sa akin. Si Iva? Ano na naman ba ang kailangan niya sa kin?

    “Have you received it?” tanong niya.

    Napa-kunot noo ako. “Natanggap? A-ang alin?”

    Ngumiti siya ng nakakaloko. “So, you haven’t receive it yet, I see.”

    “Ano ba’ng tinutukoy mo?” naguguluhang tanong ko.

    Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “‘Yong regalo ko sa ‘yo.” Nilayo niya ang kanyang mukha, humalukipkip at muling ngumiti ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, natakot ako dahil do’n. “‘Wag kang mag-alala. Makakarating din ‘yon sa ‘yo, and I believe that it would be sooner or later.”

    “T-tigilan mo na nga ako!” sigaw ko.

    Tuluyan na siyang tumawa na parang baliw. “I won’t, not ever. Not until you wake up from your foolish fantasies, darling. Gumising ka na kasi sa katotohanan—sa katotohanan na hindi sa ‘yo si Xian. He’s mine—from the very start.”

    Nararamdaman kong nag-i-init na ang sulok ng mga mata ko. Pero hinarap ko pa rin siya. Kailangan ko ring lumaban. Kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili. Kung noon hinayaan ko lang siya, ngayon hindi na. “Ikaw ang dapat gumising!” humihingal na sagot ko. “Gumising ka sa katotohanan na hindi na ikaw ang gusto ni Xian. Gumising ka sa katotohanan na hindi puwedeng lahat ng gusto mo ay masusunod at mapapasa ‘yo!”

    “Gumising ka na!”

    Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa mga pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. “X-Xian?”

    Ngumiti siya. “We’re here na.”

    Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. “T-talaga?”

    Tumango siya. “Ano? Tara na!”

    Bumaba na kami ng bus. Grabe namang panaginip iyon. At talagang hanggang panaginip eh sinusundan ako ni Iva. Napabuntong hininga na lang ako habang nililibot ng mga mata ko ang malawak na terminal ng Batangas. Niyaya ako ni Xian sa pila ng mga jeep. Sumakay kami sa isang jeep na may sign board na “Mabini.” Iyon na siguro ang bayan dito na pupuntahan namin.

    “Nagugutom ka na ba?” tanong niya habang nasa biyahe na kami.

    “Oo, eh,” sagot ko.

    “Gutom na gutom na? As in masakit na masakit na ‘yong tiyan mo?” May pag-aalala sa maamo niyang mukha.

    Umiling ako. “Hindi naman.”

    “Okay. Basta, pagdating natin, kakain na tayo.”

    Twenty minutes ang lumipas bago pinara ni Xian ang jeep na sinasakyan namin. Mula sa pinagbabaan namin, muli kaming sumakay ng tricycle. Ilang minuto lang ang nakalipas nang pahintuin ni Xian ang driver sa tapat ng isang bahay. Simple lang ito pero maganda.

    “Tara. Pasok na tayo,” sabi niya at binitbit na ang mga dala namin.

    Kanino kayang bahay ito? Sumunod lang ako sa kanya. Sinalubong naman kami ng isang nag-aatubiling matandang babae. “Xian, anak, mabuti naman at hindi kayo masyadong hinapon,” sabi nito at inabot ang mga bitbit ni Xian. “Ibigay mo na sa akin ‘yan at ako na.”

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon