Chapter XVI - Let Me Tell You

11 1 0
                                    

Let Me Tell You

“HINDI PA BA tapos ang final exams n’yo?” tanong ni Xian. Kasalukuyan kaming nasa school library. Nagre-review kasi ako para sa isang exam ko ngayon at para rin sa isa pa bukas. Tumawag siya kanina lang at tinanong kung nasa’n ako. Hindi ko naman alam na pupunta niya agad ako rito.

    Umiling ako bilang sagot. “Hindi pa nga, eh. May isa pa mamaya at may isa pa bukas.”

    Nag-chuckle siya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “O, bakit? Ano ‘yong nakakatawa?”

    “Kami kasi, isang major subject na lang ‘yong ie-exam namin,” pagmamayabang niya.

    Gusto kong iikot ‘yong mga mata ko pero ayokong makita niyang naaasar ako. “Okay,” maikling sagot ko.

    Tumawa na siya pero mahina lang. Bawal kasi ang mag-ingay dito sa library. “Ano? Inggit ka, no?” May pang-aasar pa rin sa tinig niya.

    “Ano’ng inggit? Bakit naman ako mai-inggit, ha? Kahit pa nga wala ka ng exam, hinding-hindi ako mai-inggit sa ‘yo. Ako kasi, ini-enjoy ko at pagre-review at pag-aaral.”

    “Pagre-review sa five hundred pages na libro?”

    Hindi ko na napigilan. Inikot ko na ang mga mata ko at nanahimik. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa binabasa ko. Kailangan ko kasi ipasa ang exam sa subject na to para maging mataas ang semestral grade ko. Kahit naman papaano, nag-aasam pa rin ako ng 1 o 1.25. Di bale, pagkatapos ng exam ko bukas, sembreak na. Makapagpapahinga na dahil tapos na ang nakakapagod at nakakamatay na sem!

    “Fourth monthsary na natin bukas,” sabi niya out of the blue at kinuha ‘yong kamay ko.

    Pasimple akong tumingin sa date sa phone ko. Oo nga, October 20 na bukas. Fourth monthsary na namin. Hindi ko mapigilang hindi mapa-ngiti. Ang bilis naman ng takbo ng panahon. Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat noong birthday ko.

    Sa mga nakalipas na buwan kasama si Xian, hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Iyon ‘yong saya na habang nadarama ko, natatakot ako kasi baka kinabukasan ay may masama o malungkot nangyayari. Na baka may consequence ‘yong pagiging sobrang masaya. Iyon ‘yong saya na hindi ako makapaniwalang madarama ko habang kasama siya, kasi dati pangarap ko lang ‘yon.

    Bawat araw na kasama ko si Xian, mas lalo kong nararamdamang masarap palang magmahal kahit nasaktan o nasasaktan tayo. Na masarap palang gumising sa umaga kalakip ang pakiramdam na sabik na sabik kang harapin ang buong maghapon. Na masarap palang mabuhay. Xian have been showing me what my eyes couldn’t see, whispering to me what my ears can’t hear, and telling me what my lips couldn’t verbalize and letting me feel what my heart couldn’t.

    Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako na parang tanga.

    “Okay, Xian. Oo, fourth monthsary n’yo na bukas. Ang saya-saya lang, ‘di ba? How exciting!” sabi niya sa sarili niya noong hindi ako sumagot.

    Napangiti ako at hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. “Para kang tanga!”

    “Ikaw kasi, eh. Kinakausap kita pero ayaw mo sumagot.”

    “Pinakikinggan naman kita, eh,” pagdadahilan ko. “May iniisip lang ako.”

    “Sino? Sino ‘yong iniisip mo?”

    Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng isasagot ko.

    Ngumiti ako. “I-Ikaw. . .”

    Nakita kong ngumiti siya na parang kinikilig pero pinigil niya ito.

    Tuluyan ko nang sinara yong makapal kong libro. “Paano tayo magse-celebrate? May exam pa ko bukas.”

    “Umaga naman ‘yong exam mo, right?”

    Tumango ako.

    “Eh di pagkatapos ng exam mo, aalis na tayo,” sagot niya.

    “Aalis?”

    “We’re off to Batangas tomorrow! Hindi ko ba nasabi sa ‘yo?” he exclaimed.

    Napaawang ang mga labi ko. “B-Batangas?”

    Tumango siya. “Mm-hmmm.”

    “Hindi ko pa sigurado kung papayagan ako ng Tiya,” sabi ko.

    “Kaya nga bukas, dadaan tayo sa inyo para makapag-paalam tayo sa kanya.”

    Napatango na lang ako. “Okay.”

    “O, hindi ka pa babalik sa room n’yo? Ten o’clock na, o! ‘Di ba exam mo pa sa isang major subject mo?” tanong niya.

    Napatingin ako sa wristwatch ko. Oh my, oo nga! Hay, ‘buti talaga nand’yan siya para i-remind ako. Dali-dali akong tumayo. Akamang kukuhanin ko ‘yong bag at libro ko nang dinampot niya ang mga ito. “Naku, hindi mo na ko kailangan pang ihatid. Kaya ko na ‘to.”

    Umiling siya. Parang bata lang.

    “Sige na. Kaya ko na. Late na ko, o!” pagpupumilit ko. Sa huli ay binigay niya na rin ang mga ito. Para naman kasing napakabigat ng bag at libro ko. Sanay naman na akong dalhin ang mga ito.

    “Una na ko.”

    “Good luck sa exam!” habol niya.

    Habang nagmamadali sa paglalakad pabalik sa building ng Accountancy and Business Administration, biglang may babaeng humarang sa daraanan ko. Napailing na lang ako. Sino ba ito at akala mo may-ari ng school kung makaasta?

    “Oh my gosh, I didn’t expect to see you again, you pathetic little thing,” maarteng sabi niya.

    Mukhang kilala ko na kung sino siya. Pagtingala ko, hindi ako nagkamali. Siya nga—si Iva delos Reyes. Ano ba ang problema niya at humaharang siya sa daraanan ko?

    “Ah, excuse me. Nagmamadali ako.”

    Tumawa siya. “Wow. So you’re asking me to get out of your way kasi you’re in a hurry?” Humawak siya sa dulo ng buhok niya at ipinalupot sa daliri ang ilang hibla nito. “Naging boyfriend mo lang si Xian, gumaganyan ka na. Let me tell you this, Aliyah Enriquez. Hindi mo kina-ganda ang pagiging girlfriend ni Xian. And I would like to emphasize this to you—hindi kayo bagay!”

    Hindi ako nakasagot.

    “Hindi ka pa pala talaga nadala sa ginawa ko sa ‘yo dati, no? Don’t you worry, bitch. I will serve what you really deserve. And I will get back who is rightfully mine!” may diin ang pagsasalita niya.

    Pagkasabi niya no’n, naglakad na siya at binangga pa ako. Napapikit na lang ako at napa-buntong hininga. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pilit na iniisip kung bakit ba gano’n na lang ang galit sa akin ng babaeng iyon? Dahil lang ba sa napaka-babaw na rason na boyfriend ko na si Xian? Dahil mahal ako ni Xian? Hindi pa ba siya nakaka-move on? Napaka-immature niya. Maganda nga pero hindi naman maganda ang ugali. Kahit kailan talaga, nasisira ng magaspang na pag-uugali ang magandang mukha ng isang tao.

    Pagdating sa classroom, pinilit kong mag-concentrate at inalala ang mga ni-review ko. Hindi ko hahayaang masira ni Iva ang maganda kong mood. Maipapasa ko ang exam na ‘to!

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon