Chapter XXIV - Apologies and Goodbyes

7 0 0
                                    

Apologies and Goodbyes

GRADUATION DAY na namin. Kasama ko si Tiya Geleen na umakyat ng stage para abutin ‘yong diploma ko — ‘yong bunga ng limang taon kong pag-aaral ng kolehiyo. Hindi nakaluwas ng Maynila sina Inay at Itay para samahan ako sa espesyal na araw na ‘to pero nangako naman ang Tiya Geleen na uuwi kami sa probinsya sa susunod na linggo.

Limang oras din ang inabot ng program. Napaka-inspiring ng speech na nagmula sa magna cum laude ng department namin. Noon, inasam ko rin na magkaroon ng latin honor. Kahit cum laude sana. Kaya lang… mababa ‘yong grades ko sa dalawang major subjects na naging dahilan para ma-disqualify ako sa list noong second semester ng fourth year.

“Congratulations, Aliyah!” nakangiting bati ni Jamaica noong palabas na kami ni Tiya Geleen ng auditorium.

I smiled back. “Salamat. Sa ‘yo rin.”

Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. “I felt so worried about you for what had happened. I know na eventually… makaka-recover ka sa nangyari sa inyo ni Xiander. Sana matupad mo ang lahat ng goals mo. If you need someone to talk to, don’t forget that I’m just two steps behind, okay?”

“S-salamat,” halos bulong na lang ‘yong sagot ko.

“I’ll go ahead. Lagi kang mag-iingat, ha?”

Tumango ako at kumaway. Aalis na sana kami ni Tiya Geleen nang muli ay may humarang sa harapan ko. Pagtingin ko kung sino, siya pala. Ano pa ba’ng kailangan niya sa akin?

“A-Aliyah… p-pwede ba tayong mag-usap? P-please?” he asked with lifeless, begging eyes.

Pakiramdam ko, bumibigat na naman ‘yung dibdib ko. Hinawakan ni Tiya Geleen ang kamay ko. Paglingon ko sa kanya, tinanguan niya ko. Parang sinasabi niyang ‘sige na, kausapin mo na siya.’

Pinilit kong ibuka ‘yong bibig ko. “A-ano pa ba’ng sasabihin mo?”

“Aliyah, mauna na ko. Hihintayin na lang kita sa gate,” singit ni Tiya Geleen.

Tumango lang ako at hinarap na si Xian. “Sabihin mo na ‘yong sasabihin mo. Uuwi na kasi kami.”

“T-tungkol sa video…” he started.

“Xian, kung ano man ‘yong sasabihin mo, it wouldn’t change a thing. Niloko mo ko at malinaw na sa akin ‘yong lahat,” dire-diretsong sabi ko.

“Aliyah… h-hindi ko ginusto ‘yong nangyari sa amin ni Iva. Maniwala ka man o hindi. Oo, inaamin ko na noon pang sinabi kong nakuha sa trabaho ‘yong cellphone ko, niloko na kita. Hindi nakuha ‘yong cellphone ko. Hindi lang kita tinatawagan dahil si Iva ‘yong madalas kong kausap. At noong Valentine’s… hindi kita pinuntahan kasi siya ‘yong pinili kong puntahan sa condo niya. M-may… may nangyari sa amin no’n. At hindi na kita tinawagan at ayoko nang magpakita sa ‘yo dahil nakokonsensya ako. Nagi-guilty ako sa ginawa ko. Nagsisisi ako no’n at pakiramdam ko… you don’t deserve me…”

Huminto siya para magpunas lang ng luha, at nagpatuloy muli. “Nagsisisi ako. Mahal kita. Alam mo ‘yon. At hindi magbabago ‘yon. Alam kong kasalanan ko, eh. Tanga ako. Nagpatukso ako. Bumigay ako. Gago ako. Nasaktan kita. At hindi ko na kayang bawiin pa ‘yong sakit. Pero paulit-ulit kong sasabihin sa ‘yo, mahal kita. M-mahal kita, Aliyah. And sorry for everything that I did… for the pain that I caused you.”

Malabo na ‘yong paningin ko dahil sa luhang nasa mata ko. Punong-puno ng hinanakit ‘yong dibdib ko. Parang may batong nakadagan dito. Nahihirapan akong huminga pero pinilit kong magsalita. “M-mahal? Kung mahal mo ko, bakit mo ko sinaktan? ‘Di ba kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya sasaktan? Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka gagawa ng dahilan para humantong kayo sa katapusan?”

Hindi siya sumagot. Umiiyak lang siya sa harap ko. Hanggang sa… “K-kahit gano’n ‘yong nangyari, nandito pa rin ako. Maghihintay… Mag-aabang… Hihintayin ko pa rin ‘yong araw na mapapatawad mo na ko. ‘Yong araw na pwede mo na kong ngitian. ‘Yong araw na pwede na tayo kahit magkaibigan lang. At Aliyah… p-pwede bang… pwede bang payakap naman? K-kahit ngayon na lang?”

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko na lang siya noong lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako nang mahigpit… katulad ng dati. Naramdaman kong lumuluha siya habang nakayakap sa ‘kin ng mahigpit. Ramdam ko rin ‘yong bilis ng tibok ng puso niya.

“Pagbutihan mo ‘yong review, ha? Ipasa mo ‘yong CPA board exam. Alam kong pangarap mo ‘yon,” ngumiti siya for one last time, pinunasan ‘yong luha ko at tumalikod na. “I—I love you…”

Xian, minahal kita. O mas tamang sabihing mahal pa rin kita. Pero niloko mo ko. Paulit-ulit ‘yon babalik sa isip ko. Naniniwala akong maghihilom din ‘tong sugat na dinulot mo. Pero hindi-hindi ko makakalimutan ‘yong ginawa mo. Mahal kita… pero mas mahal ko ang sarili ko — ang sarili ko na muntik ko nang makalimutan ng dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon