Chapter 3

110 3 4
                                    

Chapter 3
Magandang Simulain

MALAKI ANG pagkakaiba ng buhay sa Maynila at buhay sa probinsya ng San Felipe. Ibang-iba ang buhay ko noon sa buhay ko ngayon dito sa maingay na lungsod. Noong araw na lumuwas kami rito ni Tiya Geleen, sadyang nakakatuwa ang mga nakita ko. Mga matataas na buildings… mga naglalakihang malls… mga fly overs at mga skyways… Hindi lang iyon, nakita at naranasan ko rin na sumakay sa MRT na dati ay sa mga balita sa TV ko lang nakikita.

Unang linggo ko pa lamang dito, ipinasyal na ako ng Tiya Geleen. Nagpunta kami sa isang mall na tinatawag nilang Trinoma. Kumain kami doon at namili. Nagtungo rin kami sa bagong unibersidad na papasukan ko — ang University of Southern Metropolitan. Sadyang malaki ang unibersidad na iyon! Hindi katulad sa dating college na pinasukan ko. Ang saya-saya ko rin nang malaman kong doon na ako papasok. Base kasi sa mga naririnig ko sa TV, marami raw artistang nag-aaral doon.

Nang sumunod na linggo ay pumasok na ako. Mahirap rin ang buhay transferee. Iyong pakiramdam na para akong kindergarten student na first time papasok sa school at wala kakilala at kaibigan. Gano’n — gano’n ang eksaktong nararamdaman ko.

Alone. Walang kaibigan. Walang kasa-kasama. Hay. Katulad na lang ngayon, heto at mag-isa kong naglalakad papunta sa comfort room. Naalala ko tuloy si Britanny. Noong nasa San Felipe pa ako, hindi kami naghihiwalay. Para talaga kaming magkapatid at madalas pa kaming pagkamalan na kambal kahit ‘di naman kami magka-mukha. Iyon din ang dahilan kaya parehas kami ng kinuhang kurso — ayaw talaga naming maghiwalay.

Papasok na ako sa pinto ng CR nang bigla kong narinig ang sigaw ng isang lalaki. “Miss! Hindi r’yan!”

Napalingon naman ako. Ako ba ang sinisigawan ng lalaking iyon? Nakita ko siyang mabilis na lumapit sa akin hanggang sa huminto siya sa harapan ko mismo. Okay. Ako nga. Ako nga yata ang sadya niya. Pero bakit? Ni hindi ko nga siya kilala, eh.

Tsk. Wrong timing itong si Kuya! Naiihi na ko, saka pa ako lalapitan! At talagang pinigilan pa yata ako, ha? Kung kailan nandito na ko sa pinto ng CR. Hay naku, naiihi na talaga ko!

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Okay, sige na! Siya na! Grabe, ang tangkad niya. “Ah, bakit? M-May. . . may kailangan ka ba?” nangingiwing tanong ko. Naiihi na talaga ako!

Napabuga muna siya ng hangin bago sumagot. “Ah, oo. Mali kasi ang CR na papasukan mo,” sabay turo niya sa itaas ng pinto sa likod ko.

Pagtingin ko sa itaas ng pintong papasukan ko… may nakasulat doon na “Men.” Nilingon ko ang kabilang pinto, doon naman nakasulat ang “Women.” Iyon na. Iyon na ang moment na tila gusto kong maglaho na lamang na parang bula o lumubog sa mismong kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kulay strawberry na ang mukha ko sa pula. Hindi ko alam ang sasabihin o ire-react ko. Pakiramdam ko rin, umurong na ‘yong ihi ko dala ng kahihiyan.

Nakagat ko ng bahagya ang ibabang labi ko. Hay, nakakainis! Ano’ng katangahan ba ang sumapi sa akin at hindi ko na tinitignan ang pintuang papasukin ko? Naman, o! Dala siguro ito ng matinding pag-iisip ko kay Britanny at ng paghihiwalay namin. Mabuti na lang nakita nitong si Kuya ang gagawin kong katangahan at kahihiyan. At mabuti na lang, hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa loob kundi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nandoon na ko sa loob mismo! Baka maglupasay na lang ako. Maswerte pa rin ako at dumating siya. He saved me.

“‘Buti na lang dumating ako, kung hindi baka tuluyan ka nang nakapasok do’n, Miss. Sa susunod, tingin-tingin na lang sa pinto ‘pag may time,” sabi niya habang naka-ngisi.

Napayuko ako. “Ah, eh, t-thank you. H-Hindi ko pa rin kasi kabisado rito dahil bagong lipat lang ako,” nagkanda-utal na ako sa pagsasalita dala ng hiya.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon