Chapter XIV - Twentieth

12 1 0
                                    

Twentieth

“OH MY GOD, ALIYAH! Happy, happy birthday! I miss you so much na!” tumitiling bati ni Britanny. Kasalukuyan ko siyang kausap sa phone. At oo, June 20 na ngayon at birthday ko na nga.

    “Thank you, Britanny!” natatawang sagot ko. Eh kasi naman, napaka-lakas at napaka-OA ng boses niya. Siguro kung magkasama kami, hindi lang ganon ang gagawin niya. Siguradong may kasama rin ‘yong OA na yakap at talon.

    “Naku, twenty ka na! Anong handa mo? At teka, nasaan ka ba?” tanong niya.

    Isinilid ko iyong mga makakapal kong libro sa Management Accounting at Income Taxation sa bag ko at naglakad palabas ng cafeteria. “Nandito ko sa school, eh. Katatapos ko lang kumain ng lunch. Handa? Ang sabi ng Tiya Geleen, ipagluluto niya raw ako ng spaghetti at bibilhan niya raw ako ng cake. Hindi rin naman kailangan ng maraming pagkain kasi dalawa lang naman kami.”

    Narinig ko iyong buntong hininga niya. “Hay, sayang naman at wala man lang ako d’yan ngayong birthday mo.”

    Tumawa ako. “Ano ka ba? Okay lang, no! Hindi mo naman kailangan pang lumuwas dito sa Maynila para lang sa birthday ko. Normal na araw lang din naman ito para sa akin.”

    Mula sa napaka-lakas na energy kanina, naging malungkot iyong boses niya. “Pero nakakalungkot din kasi na hindi tayo magkasama ngayon.”

    Pinasigla ko ang boses ko. “Oo, nalulungkot din ako. Pero, Britanny! Birthday na birthday ko nagda-drama ka.” Pinilit kong tumawa. “‘Wag ka nang mag-drama. Papangit tayo niyan.”

    Tumawa na rin siya. “Naku, may point ka! O, wait. Dumating na ‘yong prof namin. Tatawag ulit ako mamaya, okay?”

    “Okay. Sure, sure.”

    Nang matapos ang tawag, pumunta na ko sa susunod kong klase. Wala akong pagbati na natanggap sa mga kaklase ko dahil hindi naman nila alam na birthday ko ngayon. Wala pa rin akong natatanggap na pagbati kay Xian. Ni hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw na ‘to.

    Hay, nakakatawa lang na naghihintay akong batiin niya ako. Eh hindi ko nga alam kung alam niyang birthday ko ngayon. O sabihin na nating hindi niya talaga alam na birthday ko ngayon at wala siyang kaide-ideya na special ang araw na ‘to para sa kin. Sabi ko nga sa kanya noon, pag nagpa-libre ako sa kanya, ibig sabihin ay birthday ko na. Pero mukhang hindi na mangyayari ‘yon.

    Napatingin ako sa labas kasabay ng buntong hininga. Siguro busy siya ngayon kasama ang girlfriend niya. Baka nga magkasama sila kaninang lunch. Nitong mga nakaraang araw, mag-isa na ako palaging kumakain ng tanghalian. Ang huli na yatang nagsabay kami ay noong araw na hinintay niya ko rito sa labas ng classroom.

    “Miss Enriquez?”

    Nagulat ako sa may kalakasang boses ni Prof. Katigbak. Pagtingin ko sa paligid, nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. “Y-yes, sir?”

    “It seemed like I interrupted your daydreaming, Miss Enriquez,” sarcastic niyang pahayag.

    Nakita ko namang nagpipigil ng tawa iyong iba kong classmate. May note naman na patagong inilagay ni Chelsea sa ibabaw ng desk ko.

    Aliyah, kanina ka pa tinatawag ni sir. Hindi ka nakikinig at tumitingin. Bakit ba ang unattentive mo?

    Nag-iinit na ang mga pisngi ko sa hiya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kilala ko siya. ‘Wag niya naman sanang gawin ang—

    “Get out of my class, Miss Enriquez!” sigaw niya.

    Iniisip ko pa lang pero nagka-totoo na.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon