Chapter XIII - Falling Apart

12 1 0
                                    

Falling Apart

MABILIS ang naging paglipas ng mga araw. Sobrang naging busy na ako sa pag-aaral. Parang ngayon ko lang naramdaman na sobrang demanding ng college life ng isang Accountancy student. Siguro ganito talaga kapag 5th year na. Ang tanging motivation ko na nga lang ay iyong katotohanang on-the-job training ko na sa next semester. Kaunting-kaunti na lang, aakyat na ko sa stage suot ang itim na toga para abutin ang pinaghirapan kong diploma.

    Sa kalagitnaan ng paghihintay namin ng susunod na professor, bigla akong kinalabit ng seatmate kong si Chelsea. “Friend, look. May humahanap yata sa ‘yo sa labas.”

    Agad naman akong napalingon sa labas. Nakita ko si Xian doon. Nang makita niya ko ay awtomatikong ngumiti siya at kumaway. Ngumiti naman ako pabalik.

    Halos magda-dalawang linggo na rin mula noong araw na magkasama kami ni Xian at iniwan niya ko nang dumating iyong Jamaica na iyon. Tanda ko pa ang araw na ‘yon. Umiiyak akong umuwi kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kapag nakikita ko si Xian, parang muli kong nararamdaman iyon. Pero kahit na ganon, hindi ko pa rin magawang mainis sa kanya. Hindi ko magawang iwasan siya.

    Mula naman ng araw na ‘yon, hindi na naging kadalas ang pag-hang out naming dalawa ni Xian. Madalang na kaming mag-lunch na magkasabay. Hindi ko alam kung bakit. Kung may iba ba siyang pinagkakaabalahan o sadyang ako ang busy. Ang totoo nga niyan, noong isang araw pa kami huling nagkasama. At ngayon ko na lang ulit siya nakita.

    Nag-vibrate iyong phone ko.

    From: Xian
    Sabay na tayong mag-lunch. May klase ka pa ba?

    Lumingon ako sa kanya sa labas at tumango.

    From: Xian
    Ok. I’ll wait til your dismissal. ☺

    This time, nag-reply na ako.

    To: Xian
    Sure ka? One and a half hour pa susunod kong klase. Pero lunch na after nun.

    From: Xian
    Yup. Ok lang.

Paglingon ko sa kanya, nag-thumbs up siya sa akin. Ngumiti naman ako. Dumating na ang prof. naming na si Miss Tamayao at nag-klase na. Kahit medyo gutom na ko, pinilit kong makinig sa discussion.

    Focus, Aliyah. Focus!

    Hindi ko namalayang lumipas na ang isa’t kalahating oras. Kanina ko pa kasi hinihintay matapos ang klase pero ang tagal-tagal. Kanina ko pa hinihintay na magligpit ng gamit ang prof. namin na siyang sign na magdi-dismiss na siya. Siguro matagal lang ang daloy ng oras kapag naghihintay ka. Pero bakit nga ba ako excited sa dismissal?

    Ah, dahil gutom na ko.

    Hindi! Dahil ‘yan kay Xian! panunukso ng utak ko.

    Paglabas ko, wala na doon si Xian. Saan na nagpunta ‘yon? Nainip na siguro. Akmang ilalabas ko na ang phone ko para tawagan siya nang biglang may sumulpot sa harapan ko. “Let’s go?”

    Tumango ako. “Tara.”

    Just like the usual, naglakad kami patungo sa cafeteria. Pagdating doon, pumwesto kami sa paborito naming table — ito iyong table na katabi ng bintana. Paglapag ko ng bag ko sa upuan, napa-lingon lingon ako sa paligid. Baka mamaya, nandiyan iyong si Jamaica sa tabi-tabi. Baka pag nakita niya kami ni Xian na magkasama eh bigla niya na lang akong sugurin at saktan.

    Bakit ba kasi sumasama pa rin sa akin si Xian kung may girlfriend naman na siya? Kung nand’yan naman na si Jamaica? Bakit sinasabayan niya pa rin akong mag-lunch? Dahil ba alang-alang na lang sa pagka-kaibigan naming dalawa? Dahil ba naaawa siya sa akin? O nagi-guilty siya na iwan na lang ako bigla mag-isa?

    “May hinahanap ka ba?” untag niya.

    Umiling ako. “Ah, wala. Tara nang um-order.”

    Special lechong paksiw ang in-order ni Xian, habang ako ay adobong pusit. Habang kumakain kami, nararamdaman kong tumitingin-tingin siya sa akin. Kahit na naka-focus ako sa pagkain, ramdam ko iyong mga titig niya, na para sa akin ay sobrang weird. Naiilang na ko. Hanggang sa nagsalita na siya.

    “Ah, e-ehem,” ibinaba niya iyong kutsara’t tinidor. “May napansin lang ako.”

    Napatigil ako sa pagsubo. “Ano ‘yon?”

    “Bakit hindi ka na nagba-baon ng lunch?”

    Napa-ngiti ako sa tanong niya. “Ah, iyon ba. Napansin ko dati, noong unang beses tayong nag-lunch together, tinawanan mo ko nang makita mo iyong lunch box ko. Base sa observation ko, hindi uso rito sa unibersidad ‘yon. Saka, it is much of a high schooler’s habit. Kaya nang magsimula ang school year na ‘to, hindi na ko nag-baon ng lunch,” paliwanag ko.

    “Kaya pala. . .”

    “May mga bagay din kasing nagbabago. O mas tamang, may mga bagay na dapat baguhin. Hindi dahil gusto mo lang, kundi may dahilan talaga. Minsan tinatawag nilang growing up iyong mga gano’ng bagay,” dagdag ko pa.

    Ngumiti siya ng makahulugan. “Naks naman, oh. Guma-ganyan na tayo ngayon ah.”

    Sabay kaming tumawa.

    “Teka, may ita-tanong pala ko.”

    “What is it?”

    Lumunok ako bago nagsalita. “B-Bakit hindi mo kasama iyong gi—”

    Naputol iyong ita-tanong ko dahil biglang nag-ring iyong cell phone niya. Atubili niya itong dinukot at tumingin sa akin. “Excuse me lang, ah.”

    Tumayo siya at bahagyang lumayo.

    “Bakit hindi mo kasama iyong girlfriend mo? At saka, hindi ba siya nagagalit na sa akin ka sumabay ngayon na kumain?” Iyan sana ang ita-tanong ko sa kanya.

    Napa-buntong hininga ako. Siguro, si Jamaica na iyon — ‘yong girlfriend niya. Kasi kailangan niya pang lumayo habang kausap iyon, eh. Dati naman, hindi siya ganon. Kahit sino pa ang tumatawag sa kanya, kinakausap niya ‘yon sa harap ko.

    Unti-unti na namang bumibigat ang dibdib ko. Pinilit ko na lang ubusin iyong pagkain ko at sakto namang bumalik si Xian noong tapos na ko.

    “Ang bilis mo namang kumain.”

    Tanging ngiti at tango na lang ang naisagot ko.

    “Teka, ano na nga uli ‘yong tinatanong mo kanina?” tanong niya.

    Umiling ako. “W-wala. Wala ‘yon.”

“Okay. Hanggang ano’ng oras ang klase mo? Sabay tayong umuwi mamaya, ah.”

“Baka hindi ako maka-sabay sa ‘yo, Xian. Hanggang alas singko pa kasi ang klase ko. Tapos ‘yong prof ko sa subject na ‘yon, nag-eextend pa minsan,” sagot ko.

    Biglang naging seryoso ang mukha niya. “Ah, o-okay.”

    Pagkatapos ng lunch, naghiwalay na kami ni Xian. Bumalik na ko sa building namin. Sa paglalakad ko papunta sa classroom namin, siya pa rin ang iniisip ko. Hindi naman totoo yong sinabi ko. Ang katunayan niyan, hanggang alas tres lang ang klase ko. Sinabi ko lang iyon kasi parang gusto ko ng iwasan si Xian. Parang gusto ko na lang na wag na siyang makita palagi dahil sa tuwing kasama ko siya, sumisiksik sa isip ko iyong katotohanang kahit gusto ko siya, hindi na pwede. Iyong katotohanang may girlfriend na siya. Iyong katotohanang hanggang sa pagkakaibigan na lang kaming dalawa.

    Hanggang matapos ang araw, si Xian pa rin ang laman ng isip ko. Ang bang dapat kong gawin? Kahit alam kong wala ng chance, sasabihin ko pa rin kay Xian na gusto ko siya? Aaminin ko iyong feelings ko sa kanya? O sasarilinin ko na lang at hahayaang lumipas at mawala? Pero paanong magiging posible iyon kung lagi ko siyang kasama at makikita?

    Hay. Bakit lagi na lang akong malas sa pag-ibig?

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon