Chapter XV - Maybe We're Meant To Be

11 1 0
                                    

Maybe We’re Meant To Be

    Si Jamaica?

    “A-ano’ng…” Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

    Marahil ay siya nga iyong nakilala kong boses kanina habang nasa loob kami ng sasakyan. Pero ang daming tanong sa isip ko. Bakit? Bakit nandito siya at kasama ng mga taong ito? At bakit nila ko dinala rito?

    Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?

    Naguguluhan na ako!

    Ngumiti sa akin si Jamaica—ngiti na hindi katulad ng unang nakita ko sa kanya noong unang pagkikita namin sa labas ng school. Ito ang ngiti na tila walang bahid ng kaartehan at ka-plastikan. Ngiti na totoo. Ngiti na nagpa-gulo lalo sa akin.

    “Follow the petals, Aliyah,” sabi niya habang nakangiti pa rin.

    Hindi ako nakasagot agad.

    “Sorry kung natakot ka namin ha,” sabi naman no’ng isa pang babae. Siya ‘yong tumawa kanina.

    “We hope na mapatawad mo kami,” singit no’ng isang lalaki sa tabi ko. ‘Yong isa sa humawak sa akin at nagtanggal ng blindfold.

    “Come on, follow the petals na. I’m—I mean, we—are getting bored already,” usal ni Jamaica.

    Follow the petals? Getting bored?

    “You still didn’t get it. How slow. Sige na, pumasok ka na,” dagdag pa niya.

    Tumango na lang ako at tinitigan iyong mga nakasabog na petals sa lapag. Papunta ito sa loob ng simple pero magara at mataas na bahay na kaharap namin ngayon. Humakbang na ko at sinundan ito. May hagdan sa maliit na garden at doon ito papunta kaya inakyat ko ito. Naka-abot na ako sa third floor pero hindi pa rin napuputol ang mga petals. Umakyat muli ako sa hagdan sa third floor. Mukhang papunta na ito sa rooftop.

    Sa dulo ng hagdan ay may pinto. Pagbukas ko ng pinto, doon na naputol iyong mga nakasabog na petals. Hindi ako nagkamali, nasa rooftop na nga ako. O dapat kong sabihin na kami? Dahil sa gitna ng rooftop ay nakita si Xian. May hawak na gitara, nakangiti habang kaharap ang maliit na table na may nakapatong na cake at isang boquet ng red rose. May mga nakakalat ring petals ng rose sa parteng iyon. Humahalimuyak naman ang mga scented candles na hindi ko alaman kung saan nakalagay.

    Tinakpan ko ang bibig ko. Si Xian. . .

    Tila ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat lahat. Kaya naman pala buong maghapon siyang hindi nagparamdam sa akin. Kaya naman pala hindi niya binabati kahit sa text lang. May surprise pala siya.

    Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi ko na napigilang hindi ngumiti nang malapad, lalo na noong nagsimula na siyang tumugtog at kumanta.

    Our little conversations
    Are turning into little sweet sensations
    And they’re only getting sweeter every time

    Nakatitig siya sa mga mata ko. Tila may gustong iparating ang mga titig niyang iyon. Hindi ko alam pero nagsimula na akong maluha.

    I can’t pretend that I’m just a friend
    ‘Cause I’m thinkin’ maybe we were meant to be

    Umiiyak na ko. Tumutulo ang mga luha ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa aking bibig. Nang mga oras na ‘yon, parang na-flashback sa akin lahat ng memories namin ni Xian. Mula noong una kaming nagkita sa school at muntik na akong magkamali ng papasukang comfort room. Noong unang beses kaming sabay na nag-lunch. Noong unang beses na pumunta kami ng mall at unang beses din na ni-libre niya ko. Lahat lahat. Lahat lahat ay unti-unting bumabalik sa isip ko na parang movie na nagpe-play.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon