Chapter 4

23 2 0
                                    

Chapter 4
Moving Closer

MAY gagawin ka ba sa saturday?

Ilang minuto rin akong nakatitig sa text message sa akin ni Xian bago ako nag-reply. Inisip ko kasi kung may gagawin ba ako o wala sa darating na sabado. Hanggang sa naalala ko na paubos na pala iyong mga groceries namin dito sa bahay. Binilin sa akin ng Tiya Geleen na pumunta sa supermarket at mamili.

Maggo-grocery ako sa sabado. Bakit? Ang reply ko sa kanya.

Talaga? Good! Sabay na tayo ha? Maggo-grocery din kasi ako. He replied.

Ok. Basta magte-text na lang ako sa ‘yo.

Pagka-send ng message ay inilapag ko na sa mesa ang cellphone ko. Nagluto na ako ng pagkain dahil baka dumating na ang Tiya Geleen. Lagi kong hinihintay ang pagdating niya dahil sabay kaming kumakain ng hapunan. Maaga akong nakauwi ngayon, alas kuwatro pa lang ay dismissal na namin. Ang Tiya Geleen naman, alas siete ang uwi niya galing sa trabaho niya sa Makati bilang call center agent.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, naka-register ang pangalan ni Britanny as the caller. Mabilis ko itong sinagot. “Britanny!”

“Hello, Anastasia? Anastasia! Kumusta na?” rinig na rinig ko ang pagkasabik sa boses niya.

“Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka na?”

“Syempre, heto, malungkot. Wala na akong kasa-kasamang best friend,” bigla ay lumungkot ang tono ng tinig niya.

“Hay naku, ‘wag ka ngang ganyan! Pati ako nalulungkot, eh.” Pinilit kong pinasigla iyong boses ko kahit ang totoo ay nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. “Naku, may ibabalita pala ko sa ‘yo!”

“O, ano iyon? May bago ka na bang mga kakilala sa school?” tanong niya.

“Oo. Ang totoo niyan, may ilan agad akong nakilala noong unang linggo ko sa school. Pero isa lang ‘yong matiyagang sinasabayan ako tuwing lunch. Xian ang pangalan niya,” kuwento ko.

“Xian? Lalaki? Naku, baka naman manliligaw mo na iyan, ha?”

Tumawa ako. “Ano ka ba! Hindi, ‘no. Friends lang kami ni Xian. In fact, siya ang tumulong sa akin para mapabilis ang pag-a-adjust ko sa bago kong environment.” The day after na magkasabay kaming mag-lunch ni Xian, nag-offer siyang i-tour ako around the campus para ma-familiarize ako sa mga buildings and facilities ng university. Pumayag naman ako. Nakakatuwa kasi dahil sa boluntaryong tulong niya na hindi niya hiningan ng kapalit, napabilis ang pag-a-adjust ko. Sadyang mabait si Xian.

“Mukhang mabait nga iyong Xian na ‘yon. Masaya akong masaya ka r’yan sa Maynila,” sagot ni Britanny.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito. “Salamat. Naku, ite-text na lang kita, ha? Nandito na kasi ang Tiya Geleen. Kakain na kami.”

“Sige. Mag-ingat ka lagi riyan, Anastasia! Bye!”

“Ikaw din, Britanny,” sagot ko bago tuluyang tinapos ang tawag.

Kumain na kami ni Tiya Geleen at pagkatapos ay naghugas na ko ng mga pinggan. Matapos naman iyon ay natulog na rin ako.

***

DUMATING ang araw ng sabado. Maaga akong ginising ni Tiya Geleen. Pinaalala niya sa akin na kailangan kong mag-grocery ngayong araw at ibinigay niya sa akin ang pera.

“Alam mo naman na kung paano ang pagpunta ro’n, hindi ba?” tanong niya.

“Opo, Tiya,” sagot ko.

Can't Help Drowning (COMPLETED - 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon