MANDY threw the masquerade-themed party a bored look. Ilan ba ang inimbita ng mommy niya? Napakarami nang tao sa Santillan Hall pero patuloy pa rin sa pagdating ang mga bisita. Kaunti na lang ay mapupuno na ang bulwagan.
Her mother—Audrianna Iris Santillan, who was a very famous model in her younger years and won the title of Miss International Model of the Year—loved parties so much. Mahilig magpa-party kahit wala namang dapat ipag-celebrate. Kapag ginusto nito ay gagawin nito. Katulad na lang ng gabing iyon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses magpa-party ang mommy niya sa isang taon at wala siyang balak bilangin dahil baka masiraan lang siya ng ulo.
"Honey!"
She rolled her eyes when she heard Audrianna Iris' high-pitched voice. She was always like that when excited. No. She was always excited.
Inalis ni Mandy ang pagkakatingin sa ibaba ng terasa at tumingin sa ina na naglalakad palapit sa kanya. Despite of her age of forty-nine, Audrianna Iris still managed to look strikingly beautiful and young. Hindi halata na may edad na ang kanyang ina. Madalas pa nga silang napagkakamalang magkapatid. Napakaganda nito sa suot na Spanish vintage dress. Malinis ang pagkakapusod ng buhok. Her mother was a certified fashionista, like her. Ang pagkahilig sa fashion ang namana niya rito.
Nang makalapit ay banayad na sinapo ng ina ang baba niya. Bahagyang kumunot ang noo nito. "Why is that face? Don't frown, darling. Ang ganda-ganda mo pa naman. C'mon, smile," nakangiting udyok nito.
Bumuntong-hininga siya. "Yes, Mom."
"At bakit hindi ka pa naka-mask? Where is your mask?"
"I don't have a mask, Mom." she answered honestly. Wala naman kasi talaga siyang planong makihalubilo sa party. Ang balak niya ay tumakas kasama ang boyfriend na si Tim na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact. Saan kaya nagsususuot ang lalaking iyon? Si Tim ang sagot para makaalis siya roon. Mas gugustuhin pa niyang mamasyal sa gabi kasama ang boyfriend kaysa sa nakakangilong party na iyon.
"You should wear a mask because this is a masquerade party. Wait here." Nagmamadaling pumasok ang mommy niya sa bandang dulong silid. Pagbalik ay may dala-dala na itong pulang maskara na may kalakihang white feathers sa gilid. Isinuot nito ang maskara sa mukha niya. Pumalakpak ito ng isang beses. "Oh, lovely!" she giggled. "It suits your red dress." Binistahan siya nito mula ulo hanggang paa.
Mandy was wearing a red tube puffy Quinceanera dress embellished with shimmering bejeweled details. On her feet was a pair of silver-white high-heeled beaded shoes. She was also wearing pearl danglers, silver bracelet, and Chanel number five.
"By the way, where are your friends? Hindi mo ba sila in-invite?"
"No, Mom. They're busy."
Hindi niya inimbitahan ang mga kaibigan dahil kadadalo lang ng mga ito sa Black&White party ng ina na ginanap lang last week. Palagi naman niyang iniimbitahan ang mga kaibigan pero nahihiya na siya at baka maumay na. Natatawa na lang sa kanya ang mga ito kapag nagsasabi ng mga hinaing niya. Wala siguro sa bokabularyo ng mommy niya ang salitang umay.
Pero in fairness, hindi nagsasawa ang mga iniimbitahan ng ina sa party. Nakita niya ang ilan sa pamilyar na mukha ang dumalo pa rin. Ang iba ay business partners nito. Mula nang tumigil sa pagmomodelo ang mommy niya ay naging businesswoman ito. Kilalang-kilala na si Audrianna Iris sa business world. Business course naman kasi ang tinapos ng mommy niya kaya hindi na siya nagtaka na mas napalago pa nito ang Santillan Winery o SanWine.
Bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. "Sayang naman. Next time i-invite mo uli sila."
Ugh! "Mom, hindi ka ba nagsasawa sa kaka-party mo? Every week na lang nagpapa-party ka." kastigo niya.
BINABASA MO ANG
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)