PUMASOK na si Mandy kinabukasan. Pagtapak na pagtapak pa lang niya sa SAU ay sinalubong agad siya ng mga kaibigan. Parang dinaig pa ng mga ito sa panenermon ang mommy niya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil nag-aalala lang sa kanya. Ikinuwento niya ang nangyari, pero hindi niya sinabi na sa bahay ni Blake siya tumutuloy. Sa halip ay sa hotel ang sinabi niya.
Inaasahan din niyang sa bungad pa lang ng university ay nakaabang na ang ina para kastiguhin siya't piliting bumalik sa bahay nila, o 'di kaya'y paaminin kung saan siya pansamantala nakatira. Pero sa pagkagulat ay walang Audrianna Iris ang nagpakita. Wala ring tauhan nito ang nakaabang para sapilitang ihatid siya pauwi. Siguro ay napagod na ang mommy niya sa kakasaway sa unica hija nito. Oo nga naman. Imbes na hanapin siya, mas ilalaan pa nito ang oras sa piling ng bagong boyfriend. Suddenly, it felt like she didn't know her mother anymore. Pero mabuti na rin iyon. Wala pa siyang balak umuwi sa kanila.
Kasabay ng pagbuntong-hininga ay umiling siya. Hindi muna niya iisipin ang mommy niya. Kaya nga siya naglayas para pansamantala itong kalimutan at hindi siya maging "balakid" sa love life nito. Isa pa, wala namang makakasira ng mood niya. After her first experience in sex, blooming na blooming ang pakiramdam niya. Matindi talaga ang kamandag ni Mr. Sharpshooter. Sa tindi ng kamandag ay nadala pa niya hanggang sa classroom nila!
Habang nagtuturo ang professor nila, na-imagine ni Mandy na nagtatalik sila ni Blake sa ibabaw ng professor's desk! Sa tanawing iyon ay nag-init siya sa kalagitnaan ng klase. Hindi tuloy niya narinig ang pagtawag ng prof sa pangalan niya, nakaramdam siguro na naglalakbay ang diwa niya at hindi sa itinuturo nito ang pansin. Natatarantang tumayo siya ng upuan kaya pinagtawanan siya ng mga kaklase. Nawiwirdohang tiningnan naman siya ni Phoebe pero natatawa rin. Noon namalayan ni Mandy na namumutiktik siya ng pawis, samantalang air-conditioned ang classroom. Awkward na humingi siya ng paumanhin sa mga ito.
God, she was inside the classroom and her libido was screaming like hell! Naadik na yata siya sa sex. Mula nang makatikim ay iyon na lang palagi ang naiisip niya. Pro na pro kasi ang lover niya. Malupit!
"YOU KNOW, sa lahat ng naglayas, ikaw lang yata ang blooming na blooming ang hitsura," puna ni Phoebe kay Mandy na ikinatawa niya. Ang mga kaibigan niya talaga, mabilis makapansin. Uwian na nila. Hindi nila kasama si Heroine dahil si Hero ang maghahatid dito pauwi.
"Girls, hindi ko lang hinahayaan ang sarili kong lamunin masyado ng problema," sabi lang niya.
Pinakatitigan siya ni Maggie. "Hindi, eh. Iba, eh. Parang may something."
Nakaka-blooming kasi ang sex. Inungusan niya ito. "Por que blooming, may something agad? Puwede bang blooming lang talaga?"
"Umamin ka nga sa amin, Mandy. May unawaan na ba kayo ni Blake Peralta? Nagde-date ba kayo? Nanliligaw ba siya sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Phoebe.
"B-bakit n'yo naman naitanong 'yan?" pagmamang-maangan niya.
Maggie rolled her eyes. "Duh? Napapansin kasi naming lagi kayong magkasama. Parang may something talaga sa inyo."
"Wala, 'no! Kayo naman. Binibigyan n'yo ng ibang kahulugan ang nakikita n'yo. Magkaibigan lang kami ni Blake. Hindi ba, mula nang ipakilala tayo ni Heroine sa kanila, naging kaibigan na natin sila?" pagdiriinan niya. Medyo nakokonsensiya siya sa pagsisinungaling sa mga kaibigan pero hindi niya puwedeng sabihin ang totoo sa mga ito.
"C'mon, girl, umamin ka na sa 'min. Hindi naman namin ipagkakalat kung nanliligaw si Blake sa 'yo, eh. My gosh, he's one hot shot. At saka bagay na bagay kayo, 'no? I'm sure you'll be a perfect couple." kinikilig na wika ni Maggie.
BINABASA MO ANG
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)