CHAPTER FOUR

34.4K 1K 26
                                    

"THEY'RE coming," kinikilig at excited na imporma ni Mandy nang matanaw niya sina Heroine. Nasa soccer field sila at nakaupo sa bench. Impit na nagtilian sina Maggie at Phoebe. Pagkatapos ay dali-daling inayos ang mga sarili.

Inayos ni Mandy ang buhok, damit, at ang pagkakalagay ng floral scarf sa leeg. Nag-spray din siya ng paborito niyang Victoria's Secret perfume. Kung Friday lang sana at alam na mangyayari ang moment na iyon ay isusuot niya ang pinakamagandang dress sa closet. Tuwing Friday sa SAU ay puwede silang mag-civilian.

Sa wakas, makikilala na nila personally ang tatlo pang miyembro ng Mad Cats—ang kinahuhumalingan nilang basketball team sa campus. Maliban kay Heroine dahil hindi ito mahilig manood ng basketball. Wala silang pinalampas na laro ng Mad Cats. Hindi lang talented ang mga ito, kundi mga guwapo rin.

Noong nakaraang araw ay nagkakilala sina Heroine at Hero Conde, ang team captain ng Mad Cats at fourth year Business Administration student, at ngayo'y magkaibigan na. Naipakilala na rin sila ng kaibigan kay Hero kahapon. Tuwang-tuwa siya dahil si Hero ang pinaka-crush niya sa team. Pero mas kinikilig siya ngayon para kay Heroine. Bagay na bagay kasi ang dalawa. They would be a perfect couple. Iba kasi ang tingin ni Hero kay Heroine. He was into her. Hindi pa lamang iyon napapansin ng kaibigan niya.

"Hi, girls," bati ni Hero nang makalapit. Nakasunod dito ang tatlong lalaki na siyempre ay kilalang-kilala ni Mandy kung sino.

Gosh, ang guguwapo talaga nila!

"Hello, Hero," nakangiting ganting-bati niya. Hello, crush, lihim na humagikgik siya.

"Guys, mga kaibigan ko at fan na fan sila ng Mad Cats..." panimula ni Heroine.

OMG! This is it! tahimik na pagpi-freak out niya.

"This is Margarita. Maggie for short. Classmate ko rin siya sa Accountancy," pagpapakilala ni Heroine kay Maggie.

"Hi," ngiting-ngiting sabi ni Maggie at kiyemeng inipit ang buhok sa likod ng tainga. Obvious na nagpapa-cute ang bruha.

"Hey, Mags. Can I call you 'Mags'?" ani Hunter Laxamana, ang point guard ng team at may maamong mukha. Maypagka-misteryoso ang aura nito. Sa sobrang amo ng mukha ay hindi malalaman kung ano talaga ang tumatakbo sa isip nito. Mahirap itong basahin. Fourth year Engineering student ito.

"S-sure, Hunter. You can call me that." kinikilig na pagpayag ni Maggie. Palihim na sinundot siya nito sa tagiliran.

"This is Phoebe," pagpapatuloy ni Heroine.

"Hey, Phoebe," tugon ni Jace Sarmiento, ang power forward. Natural na singkit ang mga mata nito. Napaka-cute din nitong ngumiti at lalong lumiliit ang mga mata. He had powers of both: killer eyes and smile. Si Jace ang pinakamasayahin at pinakapalakaibigan sa team. Palaging may nakalaang ngiti para sa lahat. Fourth year Architecture student ito.

Kininditan ni Jace si Phoebe. Ginawaran ng pamatay at makalaglag panty na ngiti.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Phoebe. Humawak ito sa isang braso niya. Bahagyang mariin ang pagkakahawak nito sa kanya pero hinayaan na lang niya dahil baka mahimatay ito. Crush pa naman nito si Jace.

"And this is..."

"Hello, Mandy."

Pare-pareho silang napatingin kay Blake Peralta. Halos mamatay si Mandy sa kilig dahil inunahan pa nito si Heroine sa pagpapakilala sa kanya. Gosh, I'm so blessed today!

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon