CHAPTER ELEVEN

32.2K 732 12
                                    

"YES, NABASA ko na. I'm already outside of our mansion. Thanks, Calum," ani Mandy at tinapos ang tawag. 

Si Calum o Cal ay schoolmate niya sa SAU at katulad niya, third year sa kursong Information Technology. He was her "campus princess' disciple." Kumbaga sa artista, personal assistant. Sa totoo lang, hindi naman niya hiniling sa lalaki na maging CPD niya, wala siyang balak makigaya. Ang weird kasi ng ideyang may assistant, pero si Calum ang nag-insist na dapat magkaroon din siya ng CPD katulad ng ibang campus princesses sa school nila. Masyado itong mapilit kaya hinayaan na lang ni Mandy. Fan na fan daw kasi niya ito at willing na willing na sundin lahat ang ipag-uutos niya. Mabait naman si Calum at aktibo sa school. Sa katunayan, naging kaibigan na niya ito at isa sa mga pinagkakatiwalaan niya. Maaasahan niyang tikom ang bibig nito sa lahat ng malalamang personal na impormasyon niya. Very reliable ang lalaki. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang matuklasan ang mga bagay-bagay. Baka hacker ito o may lahing detective, o hindi kaya napag-aralan sa lessons dahil nga IT student ito.

Bumuntong-hininga si Mandy at pinagmasdan ang mansiyon nila. Nang pindutin niya ang doorbell, pinagbuksan siya ni Ate Lisa, isa sa mga kasambahay nila. Napasinghap pa ito pagkakita sa kanya.

"Miss Mandy!"

Napangiti na lang siya sa pantukoy nito. Sinabihan na niya itong huwag na siyang tawaging "Miss" dahil mas matanda ito sa kanya ng limang taon pero nakakalimutan nito. Hindi daw ito sanay dahil amo siya nito. Hinayaan na lang niya. "Hi, Ate Lisa. Ahm, nandiyan ba si Mommy?" tanong niya.

Naging alangan ang tingin nito. "O-opo, Miss Mandy. Nandito siya, nasa sala."

Hindi na niya kailangang magtanong kung ano'ng nangyari dahil alam na niya. Sa mga oras na iyon, dapat nasa trabaho ang ina pero hayun, nasa mansiyon ito. Nasa sala.

Pagkabalik nila ni Blake sa Manila limang araw na ang nakalipas, inutusan ni Mandy si Calum na i-report sa kanya ang nangyayari sa mommy niya. Kahit ano palang galit at sama ng loob niya rito, hindi pa rin niya ito kayang tiisin. Pinag-isipan din kasi niya ang mga sinabi ng daddy niya at na-realize na tama ito. At nang mabasa niya ang E-mail at Facebook message ni Calum, lalong nadagdagan ang pag-aalala niya sa ina.

Iginiya siya ni Ate Lisa sa sala. There she saw Audrianna Iris, in her worst self, continuously crying while digging the Nutella jar by spoon. Inisang subo lang nito ang tsokolate. May dalawa ring bukas na bote ng wine sa mesa. She had seen that scenario a thousand times, and there it is again. Napabuntong-hininga na naman siya.

"Sige, Ate Lisa. Iwan mo na ako dito, salamat," aniya sa kasambahay. Tumango ito at iniwan na siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng ina. "Mom," tawag-pansin niya rito.

Natigilan ang mommy niya sa akmang pagsubo ng kutsara at nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mga mata nito. "M-Mandy?" usal nito, sabay patak ng luha.

Damn it! Right at that moment, she wanted to crush the fucking face of the man who broke her mother's heart to pieces! Damn it!

Nanggigigil pero tahimik siyang lumapit at umupo sa tabi ng ina.

Ibinaba ni Audrianna Iris ang Nutella jar at kutsara sa center table, humugot ng isang pirasong tissue saka pinunasan ang mukha at bibig. Suminghot ito. "I broke up with David. Old news, right?" she laughed bitterly. "Narinig ko siyang kausap ang kapatid niya sa cell phone. Balak nila akong nakawan. Oras na makuha nang buong-buo ni David ang tiwala ko at magpakasal kami, saka niya lilimasin ang pera ko." Umiling-iling ito. "God... naloko na naman ako ng isang walang kuwentang lalaki. I really fell for him, Mandy. And he was really into me, too, or so I thought. I met David in a charity event. Siya ang unang nakipagkilala. Marami siyang ikinuwento na plano niya. Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob at naging kami. Ang akala ko totoo siya sa akin at talagang mahal niya ako, pero katulad din siya ng iba. Mapagpanggap, manloloko, manggagamit. The bastard's just after my money!" Humikbi ito. "I'm so stupid. I'm so stupid!"

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon