CHAPTER TEN

35.5K 824 33
                                    

I WANNA rub you down. I wanna sex you up. Let me take off all your clothes. Disconnect the phone so nobody knows. Let me light the candle, so that we can make it better. Makin' love until we drown...

Natawa si Mandy at sinabayan ang indayog ng I Wanna Sex You Up ng Color Me Badd. "Mahilig ka talaga sa old songs, 'no? Kahit sa kanta, mahalay ka." Nanggagaling ang sounds sa malaking speaker ng private beach house ni Blake sa Pampanga. Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang cute na nipa hut. They were going to spend their two-day vacation there. Pareho silang walang pasok nang araw na iyon at kinabukasan naman ay special holiday kaya niyaya siya ng binata na pumunta sa beach house para ipasyal siya. Ang beach house ay birthday gift ng parents ni Blake dito. Every two weeks, may caretaker na pumupunta roon para ma-maintain ang kalinisan.

She instantly loved the place. Nature lover kasi siya. The breath of fresh air, the relaxing sound of sea waves, the pure white sand... Ah, paradise. Isinuot ni Mandy ang red two-piece niya. Para namang naglaway si Blake nang makita ang ka-sexy-han niya. Lalo pa niyang fl-in-aunt ang katawan dito. Muntik pa nitong makalimutan ang unang gagawin nila dahil nakatitig na lang sa kanya. Pilyang inilublob niya ang mukha nito sa dagat. Gumanti naman ito at para silang batang nagtampisaw at nagtapunan ng tubig sa isa't isa. Katatapos lang din nilang mag-jet ski. She really had fun. Kasalukuyan silang nakaupo sa malaking tipak ng bato habang namimingwit ang binata. Ipag-iihaw siya nito ng sariwang isda. Maganda raw manghuli ng isda sa bahaging iyon ng dagat.

Natawa rin si Blake at hinila-hila ang fishing rod. Wala pa itong nahuhuli. "Yeah, old songs are cool. They are meaningful and catchy."

Girl, you know it feels good. We can do it 'til we both wake up. Girl, you know I'm hooked on you. And this is what I'll do...

Tumango-tango siya. "Sobrang meaningful nga, eh. Sobrang meaningful sa kahalayan. Lalo na 'yong pinagtugtog mo kanina habang papunta tayo rito."

Natawa uli ito. "Ang sexy kaya. Parang ikaw."

"Now you're comparing me to a song?" kunwari ay hindi makapaniwalang usig niya.

"Hindi pa kasi ako tapos. What I'm about to say is, parang ikaw, pero mas sexy ka. Alive and oozing with sex appeal."

"Ewan ko sa 'yo," nangingiting inirapan niya ito, pagkatapos ay sinamyo ang preskong hangin.

"Oh, c'mon," pagigil na sabi ni Blake at hinila-hila uli ang pamingwit. "Dapat kanina pa ako may nahuli. Paano kita maipag-iihaw ng isda?"

"Halatang sanay na sanay kang mangisda, ah. Madalas ka ba rito?" tanong ni Mandy.

"Oo. This is my haven. Dito ako tumatambay kapag bored o walang pasok. Dito rin ako gumagawa ng thesis."

Napakunot-noo siya. "Thesis? Gumagawa ka rito ng thesis?"

Tumango ito. "Sa akin nagpapagawa ng thesis ang mga schoolmate natin. Mostly nasa lower levels sila, 'tapos, babayaran ako.

"Hindi ba dapat mas magandang turuan mo na lang para matuto sila?" mungkahi niya.

He shrugged. "Well, that's true. Pero hinahayaan ko na lang. Nag-e-enjoy naman ako sa pagtulong, eh. At saka kumikita ako."

"Magkano naman ang singil mo?"

"One hundred pesos."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. "One hundred pesos lang? Ang liit naman n'on. Hindi mo ginawang isang libo man lang."

He chuckled. "Siyempre, lulubos-lubusin ko na ang pagtulong. After all, mga estudyante pa naman sila. Mas malayo pa ang lalakbayin nila kaysa sa akin na graduating na. Ang bait ko, 'di ba?"

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon