CHAPTER FIFTEEN

26.2K 708 52
                                    

NANG mamataan nila Mandy ang mommy ni Phoebe ay nagbeso silang magkaibigan. Sinundo si Phoebe ng mommy nito dahil may dadaluhang birthday party ang mga ito.

"Bye, girl. See you tomorrow." ani Phoebe.

"Bye," tugon niya. Nang akmang tatalikuran na siya nito ay bigla niyang hinawakan ang kamay nito. "Ahm, wait!"

Lumingon ito. "Hmm?"

"A-ahm..." Napatitig siya rito, hindi rin naglipat-saglit ay umiling siya. Bigla siyang nahiyang makisabay sa mag-ina gayong may sarili siyang kotse. "W-wala, wala. Sorry. Bye, Phoebs. Ingat kayo ni Tita Mariana."

Kumunot ang noo ni Phoebe. "You know what, parang ang weird mo lately. 'Tapos, napapansin kong palagi kang tumitingin sa paligid mo na parang may sumusunod sa 'yo. Para ka ring laging nagmamadali. Are you okay, Mandy?" nag-aalalang tanong nito.

"H-ha? Of course I'm okay!" Nginitian niya ito. "Baka natitiyempuhan mo lang na may malalim akong iniisip. That's all." pag-a-assure niya.

"Are you sure? May inililihim ka na naman ba sa amin? Mandy, ha. Ang dami mo nang utang na kuwento." hindi kumbinsidong pahayag nito.

She chuckled. "Ano ka ba? Wala, 'no? Sige na. Lumakad ka na. Naghihintay ang mommy mo."

Wala nang nagawa si Phoebe kundi ang magpaalam uli sa kanya. Pinanood ni Mandy ang pag-alis ng mga ito, pagkatapos ay lumakad sa kinapaparadahan ng Porsche niya. Tinawagan niya ang driver nilang si Mang Julio para sana sunduin siya sa school pero sa malas ay may sakit ito. Wala siyang choice kundi ang magmaneho at bumiyahe mag-isa. Bumuntong-hininga siya at sumakay ng kotse. In-on niya ang stereo at nagpatugtog ng upbeat song bago mag-drive.

Wala pa siya sa kalagitnaan ng biyahe ay absorbed na absorbed na siya sa pinapakinggang music at pati katawan ay sumasabay sa rhythm ng kanta. Nang mag-stop sign ang traffic lights, nalingon niya sa bintana ang nakatapat na puting SUV. Nang mag-go sign ay kampanteng-kampanteng nagmaneho uli siya. It's a smooth drive, after all. Ako naman kasi, masyadong nag-iisip nang kung ano-ano, natatawang sabi niya sa isip at masayang h-in-um ang lyrics.

Mandy turned the car left. Napansin niya ang puting SUV na nakatapat kanina. Hindi niya iyon gaanong pinagtuunan ng pansin at baka kapareho lang ng sasakyang nakita niya. Pero nang iliko uli niya ang sasakyan, lumiko rin ang SUV. Nag-umpisa na siyang magtaka. Sinusundan ba siya ng sasakyang iyon?

Sinikap niya ang sariling maging kalmado at i-confirm nang mabuti kung sinusundan nga siya ng SUV. Baka pareho lang sila ng daang tinatahak. Huwag ka munang mag-assume, Mandy. Huwag kang kabahan.

Iniliko ni Mandy ang kotse pakanan. Sinadya niya iyon para malaman kung liliko rin ang SUV. Nanlaki ang mga mata niya nang lumiko iyon! Sinusundan nga siya ng sasakyan!

Hindi na niya napigilan ang sariling matakot. Ang driver ba ng SUV na iyon ang nagpadala ng patay na daga at tumawag sa kanya? Ano ba'ng kailangan nito sa kanya? Bakit kailangan siyang takutin nang ganoon?

Maiiyak na si Mandy sa matinding takot at nerbiyos. Nanginginig ang buong katawan niya pero binilisan niya ang pagmamaneho. Halos pasibadin niya ang Porsche. Wala siyang pakialam kung over-speeding siya, basta makalayo lang sa SUV na iyon.

"Blake..." naiiyak na usal niya. She needed to see him so bad. Ayaw niya sana itong abalahin pero higit niya itong kailangan sa mga oras na iyon.

Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa bahay ni Blake. Laking pasasalamat niya at nawala na sa paningin niya ang SUV na sumusunod sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid habang sunod-sunod na pinindot ang doorbell.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon