CHAPTER NINETEEN

25K 688 25
                                    

"THAT vase," turo ni Mandy sa asul na tall floor vase. "Hindi dapat siya nakalagay diyan kasi bina-block niya ang view ng magandang painting na nakasabit sa dingding sa likuran niya. Just like what I told you earlier. If your windows are low, choose furniture that has low profile also so it doesn't block the view. Same goes to this one. Masasayang lang ang painting kung may nakaharang."

Tumango-tango si Blake. "You're right. Maliit na vase pala dapat ang nakalagay diyan."

"Exactly. At para mas magandang tingnan, ililipat ko 'yong medium-sized glass table dito at ilalagay ko do'n itong maliit na vase." tukoy naman niya sa puting vase na katabi.

Binuhat ng binata ang malaking vase para alisin at iginilid, saka binuhat ang glass table para ipuwesto sa nabakanteng espasyo. Pagkatapos ay ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang puting vase. In fairness kay Blake, cooperative ito sa sinasabi niya. Parang enjoy na enjoy pa ito sa pagbubuhat ng mga kagamitan.

Aba, dapat lang 'no? Siya ang may pakana nito kaya dapat lang na maging cooperative siya.

At in fairness din, nakatulog si Mandy nang mahimbing sa unang gabi niya sa pamamahay nito. Kahit asar na asar siya at labag sa kalooban ang pananatili roon-at kinuntiyaba pa ng lalaki ang mommy niya-komportable pa rin siyang nakapagpahinga sa guest room. Siguro ay dahil na-recognize ng katawan niya na dati siyang tumira sa bahay na iyon kaya hindi nanibago.

Pinaghandaan talaga ni Blake ang paninirahan niya sa bahay nito. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa guest room, kumpleto iyon ng damit at iba pang personal na gamit. Nakapatong sa kama ang paborito niyang brand ng undergarments at slippers.

Hindi na siya pumalag nang mabasa sa contract na kailangan niyang manatili roon ng isang buwan. Hindi siya tatakas. Wala naman siyang magagawa. Gaya nga ng sabi niya sa sarili, maging professional siya. Work is work. She just had to be civil to her client and everything will be fine.

Kahit i-seduce ka uli niya? Look, o. Naka-boxers lang siya uli. Nakabalandra ang hot pan de sal niya. singit ng makulit na tinig sa isip niya. Humagikgik pa iyon.

Napaismid siya. Kahit i-seduce pa niya ako. Hindi na lang niya papansinin ang suot nito. Kung gusto nitong magkapulmonya, go!

"Binabawi ko nang slight ang sinabi ko tungkol sa pagbabago sa bahay ko."

Napatingin si Mandy kay Blake.

"I want to change this painting. Would it be nice kung picture nating dalawa ang nakapaskil sa dingding?" nakangiting tanong nito.

In your dreams, ngalingaling sabihin niya. "Let's put the tall vase in that corner. Medyo dull kasi ang area na iyon. Gusto ko ring palagyan ng fake flowers ang loob ng vase to make it even livelier." suhestiyon niya.

"That's a great idea. Basta tayong dalawa ang bibili ng fake flowers, ha?" nasisiyahang tugon nito.

"Sasamahan naman talaga kita para maganda ang mapili natin."

"Oh, wait." anito na parang may naalala. "Speaking of being lively. Para mas lalo tayong ganahan sa pag-a-arrange ng gamit, i-on natin ang music. Bakit ngayon ko lang naisip 'to?" Naglakad si Blake sa kinaroroonan ng stereo. Napasimangot siya nang pumailanlang ang kantang Like A Virgin.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon