CHAPTER SIXTEEN

24.5K 791 44
                                    

A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko 'yong kalimba cover ko sa taas. Click n'yo na lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥


NAPANGITI si Mandy habang pinagmamasdan sina Hero at Heroine na sumasayaw sa saliw ng isang mabagal at romantikong musika. Kitang-kita ang pag-ibig sa lagkit ng tinginan ng bagong kasal.

"Aww, look at them. They are so in love with each other." nakangiting bumuntong-hininga si Maggie.

"Yeah, finally nagkaroon din sila ng happy ending," pagsegunda ni Phoebe.

"Deserved lang naman nila ang magkaroon ng happy ending," ani Mandy. "After six years at sa dami ng pinagdaanan nila, sila pa rin ang nagkatuluyan."

"Nakakainggit." pakli ni Maggie.

Oo, nakakainggit, lihim na pagsang-ayon ni Mandy. Hindi naman siguro masamang kainggitan nila si Heroine. Kahit sinong babae, pinapangarap ang magkaroon ng isang wagas na pag-ibig kasama ang lalaking minamahal at nagmamahal sa kanila nang totoo.

"OMG! Phoebe Castillo?"

Napalingon sila sa babaeng nakangiti sa harapan ni Phoebe. Siguro ay isa sa mga bisita. Starstruck na starstruck ang hitsura na parang nakakita ng artista. Well, totoo namang nakakita ng artista ang babae. Sikat sa mundo ng pagmomodelo si Phoebe. Mas p-in-ursue nito ang pagmomodelo kaysa ang pagiging interior designer. Hindi na bago sa kanila ang pagkaguluhan si Phoebe. Sa simbahan pa lang ay marami nang nagpa-picture at nagpa-autograph dito. Nakangiting pinaunlakan ni Phoebe ang request ng babae. Tuwang-tuwang nagpaalam ito pagkatapos.

"Iba na talaga ang sikat, o," tudyo ni Mandy.

"Oo nga, eh. Kahit saan tayo magpunta, dinudumog ka ng fans mo, girl," ani Maggie.

Tumawa si Phoebe. "I'm happy na naa-appreciate nila ako." Bumaling ito sa kanya. "Pero sigurado akong mas mahihigitan mo pa ako, Mandy."

Umiling siya. "Here you go again."

"What? Tama naman ako. Oras na mag-model ka, siguradong mabilis kang sisikat. Lalo pa't dating sikat na model si Tita Audrianna. Sa ating magkakaibigan, ikaw ang inaasahan naming may future sa modeling. Ikaw ang pinaka-fashionista at kilalang-kilala ka pa noon sa campus. Why don't you try?" pang-uusig pa nito.

"I'm really not into modeling. Kuntento na ako sa pagdidisenyo." tanggi niya.

"Wala na talagang makakapagpabago ng isip mo, ha." nakasimangot na sabi ni Phoebe.

"Oo, wala talaga." nakangising tugon niya.

"Phoebs, kilala mo naman itong kaibigan natin. Kung ayaw, ayaw talaga. Kung gusto, gusto." pagsu-supply ni Maggie, saka uminom ng isang baso ng tubig.

Bumuntong-hininga si Phoebe. "Sayang naman kasi. You have all the characteristics of a model. The face, the body, the bomb!" Natawa siya. Grabe kung i-build up siya ng kaibigan. "Kung sakaling magbago ang isip mo, sa Glamour ka pumasok, ha? Para magkasama tayo. We can even do a photo shoot together. Isn't that exciting?" Ang Glamour ang isa sa pinakasikat na modeling agency sa Pilipinas.

Hindi iyon ang unang beses na inalok ni Phoebe si Mandy na mag-model sa Glamour. In fact, maraming modeling agency na ang nag-alok sa kanya—pinupuri at manang-mana raw siya sa mommy niya—pero tinanggihan niya. Wala siyang interes na maglakad at mag-project sa catwalk. Mas gusto niya ang mag-design na talagang hilig na niya noong bata pa.

She was an Interior Design graduate. Pero katulad ni Phoebe, pinasok din niya ang pagdidisenyo ng damit. Lately ay nagtayo siya ng isang branch ng clothing store sa Makati na pinangalanan niyang MANDY. Maganda ang kinalabasan ng unang tatlong buwan ng clothing business kaya ipinagpatuloy niya. Kahit ang mga naging kliyente niya sa Fab Elements—isa sa pinakamalaki at tanyag na interior design company sa bansa na pinagtatrabahuhan niya—ay naging customer niya sa MANDY. Napaka-talented daw niya at siguradong tatangkilikin ang sinimulang negosyo. She was satisfied and happy with her career. Suportado naman siya ng mommy niya kahit ang gusto sana nito ay pamahalaan ang family business nila. Solong anak lang siya kaya siya ang inaasahan ng ina na magpapatakbo sa kompanya.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon