CHAPTER FIVE

35.6K 1K 31
                                    

HINDI na kaharap ni Mandy si Blake pero nayayanig pa rin ang buo niyang katawan. Hindi siya makapaniwalang ito ang estrangherong lalaki sa party. Ang akala niya ay hinding-hindi na magtatagpo ang mga landas nila. That he was just once-in-a-lifetime hot encounter she would forget in the matter of time. Pero mapagbiro ang tadhana at sa SAU din pala nag-aaral ang lalaki! At si Blake Peralta pa na hinahangaan niya! Damn, ang liit talaga ng mundo!

Noon niya naalala ang reaksiyon nito nang makita ang mukha niya. There was a clear recognition from him. Walang dudang kilala siya nito. Ibig sabihin, matagal na siyang kilala nito pagkatapos na pagkatapos ng gabing iyon.

Hindi niya napigilang mainis dito. That brute! Ginipit siya nito sa harap ng mga kaibigan niya. Kung hindi lang magtataka ang mga ito ay binusalan na niya ang matamis na bibig ni Blake ng mga labi niya—este kamao niya. Nagisa tuloy siya ng mga kaibigan. Bakit daw hindi niya ikinuwento sa mga ito na nagkakilala na pala sila ng binata? Wala siyang choice kundi magsinungaling. Hindi pa rin niya sinabi ang totoong namagitan sa kanila ni Blake sa party.

Natapik ni Mandy ang noo. Hindi na tuloy niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki. Hindi na siya simpleng tagahanga lang nito. Si Blake ang unang nagpadama sa kanya ng ganoong klase ng init. Ito ang gumising sa natutulog niyang wild side. Ito ang unang nakahawak ng kanyang— Shit, Mandy! Erase the dirty thoughts.

Bumuntong-hininga siya habang tinatahak ang daan patungo sa botanical garden. Doon muna siya tatambay habang walang klase. Nagpaalam siya sa mga kaibigan na may pupuntahan saglit. Gusto niyang mapag-isa. Kailangan niyang ikondisyon ang sarili at sa botanical garden ng university ang naiisip niyang perpektong lugar.

Napaisip siya. Hindi naman siguro siya guguluhin ni Blake tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Attracted siya rito, oo, pero sa tingin niya ay hanggang doon na lang iyon. Hindi na mauulit ang namagitan sa kanila. At siguro naiparating naman niya rito na panatilihing lihim ang nangyari. Magiging sekreto na lamang iyon. They won't talk about it now. They would act as if nothing happened. Kaya hindi dapat siya mailang. Siguro ay naninibago lang siya sa sarili. Masyadong ginulo ni Blake ang buong katauhan niya.

Napatili si Mandy nang biglang bumukas ang pinto ng janitor's office at may kamay na humablot sa kanya. The next thing she knew, nakasandal na siya sa pader sa naka-lock nang maliit na silid. Napasinghap siya nang matuklasan kung sino ang humila sa kanya. Goodness, kanina pa ba ito nakaabang sa kanya?!

"Blake—"

Hinapit siya ng lalaki at walang seremonyas na siniil siya ng halik sa mga labi.

THE MOMENT their lips touched again, she melted. That was when she realized she was longing for his lips. Mandy wrapped her arms on Blake's neck and return his kisses with equal fervor. Their bodies were in blazing heat again. Nagliliyab, nag-uumapaw. Parang nangungusap ang kanilang katawan. Mabilis na natibag ng halik na iyon ang kanyang depensa.

Ah, damn her defenses and reasons! Sino ba ang niloloko niya? Hindi niya ito kayang kalimutan. Hindi niya kayang umakto na parang walang nangyari. Tuwing malalasahan niya ang ganoon kasarap na halik ay naaalala niya kung ano ang kaya nitong gawin sa kanya. She was aching for more of his touch. Parang narkotiko nang kumalat ang binata sa sistema niya. And she doubt if there was quarantine for that.

They exchanged hot kisses and both moaned in delight. God, she had never kissed a guy like this. She had never felt so sexually turn on before. Uhaw na uhaw sa isa't isa.

"It's you," anas niya nang kailangan na nilang sumagap ng hangin. They were both catching their breaths. Blake's eyes were clouded of lust and adoration as he looked at her. May pananabik na sinapo niya ang mga pisngi nito. "It's you."

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon