HINDI mapakali si Mandy. Pabiling-biling siya sa kama. Tanging laman ng isip ay si Blake. Tatlong oras na ang nakalipas mula nang patayan niya ito ng tawag nang lalabasan na ito. Sinadya niya iyon para makaganti. Pero nagi-guilty siya sa ginawa.
Para siyang baliw. Sa mga nakalipas na oras ay inis na inis siya sa kakulitan ng lalaki. Pero heto siya ngayon, nag-aabang ng tawag nito. Hindi na kasi ito nag-text o tumawag sa kanya.
Totoong nag-init si Mandy sa pakikipag-phone sex. Imposible namang hindi siya magnasa pagdating kay Blake. It was her first time but she enjoyed it. Lalo niya sigurong na-enjoy iyon kung hindi niya pinatay ang tawag. Muntik na nga niyang hindi magawa ang paghihiganti at bumigay na lang, pero nag-ipon siya ng lakas at nagawa niyang tapusin iyon. F-in-inger niya ang sarili hanggang sa mag-cum. She felt blank after her release. She wasn't that satisfied. May kulang, 'tapos, inuusig pa siya ng konsensiya.
Na-realize niyang naging immature siya. Binale-wala niya ang sincere apology ni Blake. Naging selfish siya at nilamon ng selos. Ni hindi pa niya ito nababati sa pagkapanalo ng team nito!
Natapik niya ang noo at tumitig sa kisame. Shit, what have I done? Ang sama ko!
Napasinghap siya nang may tumimo sa kanya. Kaya ba hindi na uli tumawag at nag-text si Blake ay dahil nagsawa na ito sa kanya? Nagdesisyon na ba itong tapusin ang setup nila dahil sa pagiging unfair niya? That she was a lame partner?
May usapan kayong sasabihin ng isa sa isa kapag gusto na nitong tapusin ang setup, remember? Hindi pa naman siya nagsasabi sa 'yo, katwiran ng isip niya.
Medyo nabuhayan siya sa paalalang iyon. Pero hindi pa rin niya maiwasang mabahala. Paano kung bukas, o sa makalawa ay tapusin na ni Blake ang setup nila? No! Hindi siya papayag na matapos nang gano'n-gano'n lang ang kasunduan nila. Parang hindi niya kaya...
Nagmamadaling tumayo si Mandy at nagbihis. Nakapag-shower naman na siya. Lumabas siya ng kuwarto at nagpaalam kay Nanay Cora na aalis at "makiki-sleepover" sa bahay ng kaibigan. Pinasabi niya na sabihin iyon sa mommy niya kapag dumating ito. Dali-dali niyang minaneho ang Porsche.
Sunod-sunod ang pagpindot niya ng doorbell pagkarating na pagkarating sa bahay ni Blake, pero hindi siya pinagbuksan nito. Nakagat niya ang ibabang labi. Wala ba ang binata sa bahay nito? Nagpunta na ba ito sa celebration ng Mad Cats?
Umiling-iling siya para itaboy ang mga negatibong pumapasok sa isip. Pinindot uli niya ang doorbell. Laking-ginhawa niya nang bumukas ang gate. Her heart skipped at the sight of him. Halatang kagagaling lang ni Blake sa shower dahil basa pa ang asul na buhok nito. He looked so fresh and clean. Kahit medyo magulo ang pagkakasuot nito ng damit.
Nanlaki ang mga mata nito. "Mandy—"
"I'm sorry." agad na hinging-patawad ni Mandy at sinunggaban ito ng halik. Sinalo siya ng binata kaya paharap siyang buhat-buhat nito habang hinahalikan niya. Natuwa siya nang tugunin nito ang halik niya. Ipinaikot niya ang mga braso sa leeg nito at mas pinalalim ang paghalik dito. God! Oras lang naman silang hindi nagkasama pero na-miss agad niya ito! Pakiramdam niya ay isang dekada silang hindi nagkita. Nagsalo sila sa isang mainit, masuyo, at punong-puno ng pananabik na halik. Ramdam nila ang matinding paghangad sa isa't isa.
"I'm sorry, Blake," hinihingal na sabi niya uli. Hindi na siya magpapaligoy-ligoy. "Sorry dahil naging selfish at unfair ako sa 'yo. I've been immature. N-nagselos ako kay Lucy. Lalo na nang tawagin mo siyang 'honey.' H-hindi ko lang napigilan ang sarili ko." nahihiyang pag-amin niya.
Mataman siyang tinitigan nito. "Princess, huwag ka nang mag-sorry. It's okay."
Princess? "G-galit ka ba sa akin? A-ayaw mo na ba sa akin bilang partner mo?" tahasang tanong niya.
BINABASA MO ANG
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)