CHAPTER EIGHT

41.2K 969 42
                                    

"I KNOW this is a bit late pero... puwede ba akong mag-stay sa bahay mo kahit ilang araw lang?" pakiusap ni Mandy kay Blake. Nagising siya ng madaling araw at para muling dalawin ng antok ay pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito. Pero sa kalagitnaan ay bigla ring nagising si Blake kaya pareho na silang nakasandal sa headboard ng kama, magkayakap, at hubad sa ilalim ng kumot. Their legs were tangled tight to each other. She was still sore all over, but her first time in sex was the best feeling in the world. He made her come not only once, but oh-so deliriously twice. Pakiramdam niya ay nasa ulap pa rin siya. Hindi siya nangangambang mabuntis dahil nagpa-birth control shot siya.

Wala siyang makapang pagsisisi na ibinigay niya ang sarili sa lalaki. Truth was she felt complete. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Ganoon pala ang epekto ng pakikipag-sex. Blake Peralta made her a woman. And she wanted to have sex with him again and again and again.

Tumingin si Blake sa kanya. Nabanaag na naman niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Ipinagsalikop nito ang kanilang kamay. "Well, only if you tell me first what happened."

Bahagya siyang ngumiti at bumuntong-hininga, saka nagkuwento rito. Hindi na siya masyadong nagulat na alam nito ang tungkol sa pakikipag-date ng mommy niya—hindi lang naman ito kundi pati na rin ang ibang tao. May pangalan ang mommy niya sa lipunan lalo na't dati pa itong sikat na modelo noon kaya hindi maiiwasang mapagtsismisan ito. Madaling mapansin na mabilis itong magpalit ng boyfriend. Hindi niya naiwasang mapangiwi. Siya ang nahihiya para sa mommy niya. Ayaw man niyang aminin pero lumalabas talaga na desperadang-desperada si Audrianna Iris sa pakikipagrelasyon. Lahat ng galit, inis, tampo, at frustrations ay inilabas niya kay Blake. Para tuloy itong naging stress absorber niya.

"Wala namang kaso sa akin kung magkaka-love life si Mommy, eh. Gusto ko rin naman siyang maging masaya. Naiintindihan kong gusto niyang may makasama at may magmamahal sa kanya higit sa isang anak, pero kung ganito ang nangyayari, tututol na ako. I want her to stop already. Hindi na siya nakikinig sa akin at lalo akong napu-frustrate. Paulit-ulit na siyang nasasaktan, pero parang wala lang sa kanya. Iiyak siya sa isang tabi at kapag naka-recover ay maghahanap na naman ng bago. And the cycle goes on and on. She's really gone nuts, Blake. Kaya lumayas muna ako sa amin. I can't take it anymore." Umiling siya. Kung hindi sana naghiwalay ang parents niya, hindi magkakaganoon ang mommy niya. Maraming beses na siyang gumawa ng paraan para pagbalikin ang mga ito, pero wala talaga. Naka-move on na siya, pero may maliit pa ring parte sa kanyang puso ang umaasang magkakabalikan pa ang mommy at daddy niya.

"Sana maintindihan ka rin ng mommy mo. Sana makita niyang nahihirapan ka na. Honestly, ito ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip ako sa gusto mong mag-sex tayo noong dumating ka sa bahay. I knew there was something wrong. I may be hungry for you, desire you, pero ayoko namang i-take advantage 'yon kung ganyang may kinasusuungan kang problema," nakakaunawa at masuyong tugon nito.

Na-touch si Mandy sa pagiging considerate nito. Medyo nasorpresa din. Kaya pala nag-alinlangan ito noong nag-initiate siya. Lihim siyang napangiti. Mukhang marami pa siyang matutuklasang magagandang katangian ni Blake. Masaya siya dahil mas makikilala pa niyang mabuti ang hinahangaang sharpshooter. Sharpshooter hindi lang sa basketball, kundi sa kama rin. Lihim siyang humagikgik. Hayun at seryoso ang pinag-uusapan nila, pero ang berde ng utak niya! Grabe, Mandy, ha!

"Hindi ka naman magte-take advantage sa 'kin kasi ako nga ang nag-i-initiate, eh. Inaamin ko, nawala sa isip ko ang problema ko kay Mommy noong nagse-sex tayo. You made me experience intense pleasure in just one night. Ibang klase ang first time ko. Ang galing-galing mo, Blake." nag-iinit ang mga pisnging puri niya. Isa pa, nang magsimula nang maglandas ang mainit nitong mga labi sa buong katawan niya ay tuluyan na siyang nilamon ng kagustuhan na maangkin nito, hindi na lang basta makalimutan ang ina. Kundi iyon talaga ang gusto nilang mangyari noon pa. Whether he or she have problems, mas nangibabaw pa rin ang paghangad nila sa isa't isa.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon