MANDY swam to the pool in different strokes. She needed the water to clear her confused head. Nang mapagod ay tumayo siya sa gilid ng pool. Bumuntong-hininga siya at pinaglaruan sa mga palad ang tubig. Base sa langit ay mukhang alas-sais na ng gabi.
Mahigit one week na siyang nakatira sa bahay ni Blake at hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanya. She thought that she could handle him now. She thought that she could ignore her feelings and reactions completely. Pero habang tumatagal ay lalo siyang nahihirapang gawin iyon. Nahihirapan na siyang labanan ang nararamdaman.
Parang nauulit ang nakaraan. Unti-unti na namang nakukuha ni Blake ang loob niya. She was slowly drawing herself to him. Natatagpuan niya ang sariling nakikipagtawanan at nakikipagbiruan dito gayong civil lang dapat ang pagtrato niya rito, kinikilig sa mga sweet gesture nito, bumibilis ang tibok ng puso tuwing titingnan at ngingitian siya nito. At higit sa lahat, lalong umiigting ang sexual tension sa pagitan nila. Hinahayaan niya ang sariling magpaakit dito.
Sa simula't sapul pa lang-sa muli nilang pagkikita-hinayaan ni Mandy ang sariling matangay ng itim na mga mata at mapupusok na halik at yakap nito. Panay ang sabi niya na hinding-hindi siya magpapaapekto sa karisma nito, pero heto siya't ilang beses nang ipinagkanulo ang sarili dito. Wala sana siya sa posisyon ngayon at namomroblema nang husto.
Ang buong akala niya, wala nang epekto si Blake sa kanya pagkaraan ng anim na taon. Pero hindi. Naroon pa rin ang apoy-apoy na pinagmulan ng lahat sa pagitan nila. Their attraction just intensified. The swinging flames grew bigger. Now she was starting to doubt herself if she really had gotten over him. Did she really forget him after six years? O pinaglololoko lang niya ang sarili.
Natatakot siya. Natatakot siyang muling mahulog ang loob sa lalaki. Natatakot siyang masaktan uli. Napakabilis matibag ng depensa niya. She was putting herself in danger again. Hindi na siya nadala. Napu-frustrate siya sa kanyang sarili!
Nalingon ni Mandy ang taong sanhi ng pagkabagabag niya. When Blake passed through the lamp on the wall, his handsome face shone. Titig na titig ito habang papalapit sa kanya. His piercing stare caused an erratic effect on her heart beat. Kung puwede lang na hindi niya ito makita kahit isang araw lang. Pero imposibleng mangyari ang hiling niya dahil nasa iisang bubong sila.
Nang makalapit ang binata sa kinatatayuan niya, lumangoy siya sa kabilang panig ng pool. Sinadya niya iyon para lumayo dito. Kapagkuwan ay nakarinig siya ng pagbagsak ng tubig. Kahit hindi tingnan alam niyang si Blake iyon. Nataranta siya. Akmang aakyat siya sa hagdan paalis ng pool nang yakapin siya ng matitigas na braso sa baywang. Napasinghap siya.
"Mandy." he uttered in deep sultry voice.
"L-let me go, Blake," pakiusap niya hangga't kaya pa niyang pigilan ang magpasakop sa init na dulot ng pagkakadikit ng kanilang katawan. God, his body heat was melting her.
"Why would I do that? When I love being close to you like this. I love how close our bodies are to each other." sensual na pahayag nito. His hot breath and low manly voice tingled down the moisture of her thighs. Gumapang ang init sa sistema ni Mandy. The water was cold, but her body was definitely on fire. Tila lalong naging sensitibo ang katawan niya sa paghawak nito.
"I-I have to go to the bathroom." nanghihinang excuse niya.
"You asked me to let you go several times already. Pero hinding-hindi ako lalayo sa 'yo. Wala sa bokabularyo ko ang pakawalan ka, Mandy. Wala. Kahit saan ka magpunta, sa bathroom kahit alam kong excuse mo lang para makalayo sa akin, susundan at susundan pa rin kita. You can't escape from me."
"Blake..."
"I can't take it anymore, princess. I want you. I want you so damn much. I'm hungry for you. I desire you. I want you." pagkasabi niyon ay pinihit siya ni Blake paharap dito, idiniin sa pool wall at marubdob na sinakop ang kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)