CHAPTER FOURTEEN

25.2K 631 39
                                    

HINDI maawat ang ngiti sa mga labi ni Mandy. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya nang aminin sa sariling mahal niya si Blake. She felt her heart had been finally set free. Kahit nasa rules nila na bawal ma-in love sa ka-partner, hindi iyon magiging hadlang para mahalin niya ang binata.

Nagpanggap siyang lasing pagkatapos ng romantic date nila. Sinadya niya iyon para masabi ang nararamdaman. Hindi man niya nakita pero alam niyang labis nagulat si Blake. Ni hindi ito nagsalita at parang natulala saglit sa kanya. Normal na reaksiyon lang iyon sa isang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig. Ang akala nga niya ay iiwasan siya ng binata pero hindi. Parang walang nagbago sa samahan nila pagkatapos niyang umamin "subconsciously." And she would take that as a good sign. She would start from there.

Nakapagpasya na siya. She would make sure that he would fall in love with her, too. Ipapadama ni Mandy kay Blake kung gaano niya ito kamahal at hindi hanggang fuck buddies lang ang gusto niyang mamagitan sa kanila.

Nang marating ni Mandy ang sariling locker ay binuksan niya iyon. Natigilan siya nang may makitang white medium-sized box sa loob. Smile, Mandy ang basa niya sa nakalagay na note. Napangiti siya. Si Blake ang unang pumasok sa isip niyang nagpadala niyon. Kahit nalaman na niyang ito ang nagbibigay ng roses sa kanya, hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagpapadala ng mga iyon.

Ano kayang pakulo ng bruho at may pa-box-box nang nalalaman, nangingiting sabi niya sa isip.

Excited na binuksan niya ang kahon, subalit dagli ring napatili pagkakita sa laman niyon. "Oh, God!" Naitapon niya ang kahon sa sahig. Isang patay na daga ang laman ng kahon!

Parang biglang sumakit ang ulo niya, ang bilis-bilis ng pagtahip ng dibdib niya. Tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Naghalo-halo ang takot at kaba habang sapo ang bibig na pinagmamasdan niya ang kahon. Oh, my God!

Imposibleng si Blake ang nagpadala niyon. Hindi iyon magagawa ng binata sa kanya. Nakasisiguro din siyang hindi si Tim ang may pakana niyon. Nag-sorry ito sa kanya pagkatapos ng naging engkuwentro nila at napatawad naman niya ito. Maayos na sila ngayon ng ex-boyfriend niya. Hindi sila in good terms ni Lucy pero hindi niya ito kino-consider totally na kaaway. At parang malayo sa personality ng babae na gumawa nang ganoon. Masyado itong busy sa pagpapaganda para pag-aksayahan siya ng oras na takutin. Wala siyang nakaaway recently at hindi rin siya basta-basta nakikipag-away.

Sino ang nagpadala niyon sa kanya? Ano ang motibo nito para takutin siya? Naisip niyang baka may walang magawang nangti-trip sa kanya. Marami ring loko-lokong estudyante sa SAU, at kung ang mga ito nga ang nagpadala ng patay na daga, hindi iyon magandang biro. Halos ma-heart attack siya sa sobrang takot!

Inisip ni Mandy kung sasabihin niya kay Blake ang tungkol doon. Pero sa huli, napagpasyahan niyang huwag na lang. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya lalo pa't marami itong inaasikaso dahil graduating ito. Ayaw niyang makadagdag pa sa abalahin nito.

Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit sa locker at isinara pagkatapos ay nagmamadaling umalis.

NAPUTOL ang pagbabasa ng fashion magazine ni Mandy nang tumunog ang cell phone niya. Bahagya siyang napakunot-noo dahil hindi naka-register ang number na tumatawag sa Phonebook niya.

"Hello?" bungad niya pero walang sumagot. "Hello, who's this?" ulit niya. Alam niyang naririnig siya ng caller dahil naririnig niya ang paghinga nito sa kabilang linya. "Hello? I know you can hear me because I can hear you breathing." But still, no answer. She was starting to get pissed.

Kapagkuwan ay bahagya siyang natigilan nang maalala ang nagpadala ng patay na daga sa kanya dalawang araw na ang nakalipas. Kasunod niyon ay dalawang araw na rin siyang may kakaibang nararamdaman, na para bang may nakamasid sa kanya.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon