CHAPTER TWELVE - part 1

30.9K 700 35
                                    

"CONGRATULATIONS, Mad Cats of St. Angelus University! The champions!

Halos panawan ng boses si Mandy sa kakatili. Nagyakapan silang magkakaibigan. Panalo ang Mad Cats!

Naging mainit at mahigpit ang laban. May round na nalamangan ng Hawk—ang kalabang koponan sa kalapit na university—ang Mad Cats pero eventually ay nalampasan naman ng team nila. Parang nagkarerahan ang scores ng mga ito. Labis silang nag-enjoy sa laro dahil parehong magaling ang dalawang grupo. Mami-miss niya ang Mad Cats dahil iyon na ang huling laban ng mga ito sa university. Ga-graduate na kasi ang mga ito ngayong taon.

Ang bruhong Blake, nang tawagin ang pangalan ng Mad Cats ay tumayo ito sa mismong spot kung saan sila nagtalik. Nakangising tumingin pa ang loko sa kanya at tinapik-tapik ng isang paa ang kinapuwestuhan. Nag-init ang mga pisngi ni Mandy nang maalalang pareho silang nilabasan na tumitirik ang mga mata sa puwestong iyon kaya inirapan niya ito. Kung malapit lang ito sa kanya ay sinabunutan niya ang asul na buhok nito. Pang-asar talaga ang lalaking ito kahit kailan.

Pero kahit anong pasaway nito ay hindi pa rin magbabago ang paghanga niya rito. Ipinakita na naman nito sa laban ang galing nito. Walang pagkakataon na hindi nito nai-shoot ang bola. Masayang-masaya siya dito at sa buong team. Excited na siyang batiin si Blake. Excited na siyang "mag-celebrate" kasama ito. Humagikgik siya.

Nagkatinginan sila ni Zyra at excited ding nginitian siya nito. Tuwang-tuwa ito para sa kaibigan. Katabi nito si Calum. Nakumpirma ang hinala ni Mandy na si Calum na CPD niya ang boyfriend ni Zyra. And they looked really sweet together as a couple. Patitigilin na niya ang lalaki sa pagiging CPD niya dahil hindi naman tamang sinusunod nito ang ipinag-uutos niya samantalang may girlfriend ito. Pinagselosan pa ni Blake si Calum nang ihatid sila ng huli sa seat na ni-reserve ni Calum para sa kanya at sa mga kaibigan niya. Pinalabas niya kasing si Calum ang nagbigay ng tickets at hindi si Blake para hindi siya tuksuhin ng mga kaibigan. May ni-reserve din kasing tickets si Calum pero ang kay Blake ang ginamit niya. Nagpasalamat na lang siya sa lalaki. Tuwing may laro kasi ang Mad Cats, automatic na nire-reserve na sila ni Calum ng tickets, alam nito kung gaano sila nahuhumaling sa varsity team. Kumalma naman si Blake pagkatapos, lalo na nang malaman nitong may girlfriend na si Calum at ang childhood best friend pa nito. Naipakilala na rin ni Mandy si Zyra sa mga kaibigan. Katulad niya ay nagulat din ang mga ito na may babae palang best friend si Blake.

Nilapitan na nila ang team na pinagkakaguluhan pa rin ng mga estudyante. Napataas ang isang kilay ni Mandy nang umeksena si Lucy—ang cheerleader ng cheering squad, isa sa mga campus princess, at ex-girlfriend ni Hero—at nakipaglandian sa huli. Hanggang ngayon, naghahabol pa rin ang babae kay Hero. Inis siya kay Lucy dahil tuwing nagkakasalubong sila, lagi siyang tinataasan ng kilay. Hindi niya alam kung ano ang problema ng bruha pero hindi siya magpapatalo at tinatasaan din ito ng kilay. Napangisi siya nang hindi tinanggap ni Hero ang bottled water na inaalok ni Lucy. Take that, bitch.

Pero ang mas ikinagulat niya ay ang sinabi ni Blake. Hindi niya alam kung bakit pero pagdating sa mga sinasabi ng binata, tumatalas ang pandinig niya.

"Ako na lang ang painumin at punasan mo, Lucy honey. Wala pang gumagawa niyon sa akin." nakangising pakiusap nito kay Lucy.

Lucy honey? Tinawag nitong "honey" si Lucy? At gusto nitong ang babae ang magpainom at magpunas dito? Kitang-kita pa niya kung paano ito makipaglandian doon!

Nagdilim ang paningin ni Mandy. Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi na rumehistro sa utak niya ang isinagot ni Lucy. Ang tanging paulit-ulit na nagpe-play sa isip niya ay ang sinabi ng malanding lalaki!

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon