CHAPTER THIRTEEN - part 2

26.5K 701 22
                                    

NANG ipaalam kay Mandy ng mommy niya na dumating na si Blake sa bahay nila para sunduin siya ay napailing siya. Ang mommy niya, mas excited pa sa kanya. Pero siyempre gusto niyang higitan ang excitement nito. First date nila iyon ni Blake! Kaya naman nagpaganda siya nang sobra para sa gabing iyon. She wanted this night to be very special. She wanted to seize the moment. Kahit gusto lang ng binata na maranasan ang romantic dinner date at nagpapanggap sila sa mga taong nasa paligid. Pakiramdam niya, totoong magkasintahan talaga sila.

Nag-spray uli siya ng pabango sa leeg at lumabas ng kuwarto. Sa taas pa lang ng hagdan, nakita na niya si Blake. Nahigit niya ang hininga, napakaguwapo nito sa suot na white wing shirt na pinatungan ng black suit, no tie. Balik sa itim ang buhok nito and it was perfectly combed. Noon lang uli niya nakitang itim ang kulay ng buhok nito. Nasapo niya ang dibdib ng clutch bag. Makita lang niya ito ay sapat na para bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Bigla itong tumayo sa sofa pagkakita sa kanya, umawang ang bibig nito at nakatitig lang sa kanya habang bumababa ng hagdan. Kinilig siya sa paraan ng pagtitig nito. Ang mga mata nito ay nakatuon lang sa kanya. At nang alalayan siya nito at tuluyang makalapit, nakatitig pa rin ito sa kanya. He looked so mesmerized.

She chuckled and snapped on his face. "Hoy, natulala ka na riyan!"

Kumurap-kurap ito at ngumiti nang matamis. "You are so beautiful, Mandy. You are stunning," puri nito.

"And you look very handsome tonight, Blake," ganting-puri niya dahil totoo namang makalaglag-panty ang kaguwapuhan nito. Plus, ang bango-bango pa nito.

Narinig niya ang paghahagikgikan ng mga kasambahay nila. Napatingin si Mandy sa mga ito. Nasa gilid ang mga ito at nagtatago habang nakamasid sa kanila. Ang mommy naman niya ay panay ang kuha ng litrato nilang dalawa. Natatawang umiling siya at bumaling sa lalaking kaharap.

"Thanks for this dress. I loved it. Alam na alam mo talaga ang sukat ko," aniya.

He brought her black satin Jimmy Choo dress. Umagang-umaga pa lang, ipinadala na nito ang malaking box na naglalaman ng mamahaling damit. Iyon daw ang gamitin niya, sabi sa note nito. Kasyang-kasya sa kanya ang damit na parang isinukat talaga sa kanya. Napangiti siya nang matanggap iyon. She thought it was very sweet of him.

"Of course. Ako pa ba?" he said with a mischievous grin and whispered on her ear. "I've memorized every inch of your body." Tumawa uli siya. Iminuwestra nito ang isang braso sa kanya. "Shall we go, my beautiful princess?"

Tumango siya at umabrisete dito. Nagpaalam na sila sa mommy niya na wala pa ring humpay sa kaka-picture sa kanila ng binata. Binilinan pa nito si Blake na ingatan siya na magalang namang ipinangako ng lalaki.

Isang private candlelit dinner for two sa five-star restaurant ang pina-reserve ni Blake. Kahit tinuruan niya ito, na-impress pa rin siya. She was always fascinated about romantic dinner dates. Mapa-fancy or simple ay gusto niya. Para sa kanya, isa iyong mabisang paraan para mag-bond ang dalawang taong nagmamahalan.

"Flowers for you, princess," anito, sabay abot ng bungkos ng pulang rosas sa kanya.

Mas lalo siyang na-impress nang tanggapin niya ang bouquet. Hindi niya iyon sinabi dito para subukan ito pero naisip nito. "Thank you. They are beautiful."

"I'm glad you liked them. Pati ba ang mga ipinapadala ko sa 'yong tangkay ng rosas sa locker mo, nagustuhan mo rin?" tanong nito.

Napasinghap siya. "Ikaw ang nagpapadala ng mga 'yon?" Si Blake—na kung tawagin ng mga kaibigan—ay secret admirer niya?

"Oo, ako nga," nakangiting pag-amin nito.

"O-oo, nagustuhan ko, Blake," shocked pa ring sambit niya. Hindi niya akalaing ito ang nagpapadala ng mga rosas at note sa kanya. Kaya pala tuwing naaabutan siya nitong binubuksan ang locker niya at may makitang bulaklak sa loob niyon ay wala itong komento, samantalang nagseselos agad ito kapag ine-entertain niya ang ibang love letters. He didn't like those romantic cheesy stuff. Pero wala itong kamalay-malay na lumalabas nang kusa ang romantic bone nito sa katawan. Sa tingin nga niya, hindi na niya ito kailangang turuan. Masaya siyang malaman na ito ang secret admirer niya.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon