CHAPTER EIGHTEEN

26.1K 718 51
                                    

"MANDY, you have a new client!" halos patiling anunsiyo ni Ma'am Lorrie kay Mandy, ang unit head manager niya sa Fab Elements. Ngiting-ngiti ito at excited na tumabi sa kanya sa upuan. "And this client personally asked you from us. Ikaw daw kasi ang isa sa pinakamagagaling at kilalang interior designer ng Fab Elements which is very true naman."

Napangiti siya. "Why do you seem excited about this new client, Ma'am Lorrie? Parang may something, eh." naiintrigang tanong niya.

"Because this client is sort of a celebrity. Kilalang-kilala siya sa mundo ng business at talagang napakaguwapo!" kinikilig na sabi nito.

Guwapo? Ibig sabihin, lalaki ang bagong kliyente niya. Kaya pala ganoon na lang ang reaksiyon ng unit head manager nila.

"Balita ko ay single siya at maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng iyon. I think he's just few years older than you, Mandy. Ang suwerte natin dahil sa Fab Elements siya kumuha ng magpapaganda sa bahay niya. He's a big client."

Lalo siyang na-curious sa bagong kliyente. "Ano po ang pangalan niya?"

Dagling itinaas ni Ma'am Lorrie ang hintuturo. "Na-uh-uh. Sorry, dear. I can't tell you yet. Mamaya mo malalaman para ma-surprise ka rin. Sasamahan kitang pumunta sa bahay niya. He's expecting you today."

"Okay." natatawang tumango siya. Mukhang malakas ang karisma ng bagong kliyente niya at pati forty-two year-old na si Ma'am Lorrie ay nahumaling.

Four hours later, sinamahan nga si Mandy ni Ma'am Lorrie sa bahay ng bagong kliyente. Hindi pa sila nangangalahati sa biyahe ay napakunot-noo siya. Para kasing pamilyar ang daang tinatahak ng sasakyan. Anim na taon ang lumipas pero tandang-tanda pa rin niya.

Inobserbahan pa niya iyong mabuti. Gaya ng inaasahan, lumiko ang sasakyan pakaliwa papasok sa isang subdivision. Napasinghap siya. Doon nga sila pumupunta! She started to feel edgy. Hindi maganda ang kutob niya.

Hindi naman siguro. Baka ibang bahay naman ang pupuntahan namin at nagkataong pareho sila ng subdivision na tinitirhan.

Pero nakumpirma ang hinala ni Mandy. Muntik pa siyang mapanganga nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng bahay—ang bahay ni Blake Peralta.

"We're here." ani Ma'am Lorrie. Akmang iibis na ito nang pigilan niya.

"W-wait, Ma'am Lorrie. Ito ba talaga ang bahay ng bago nating kliyente?" tanong niya kahit alam na niya.

"Yes, why?"

Umiling siya. "W-wala naman."

Eksaktong pagbaba nila ng kotse ay ang paglabas din ni Blake ng gate na para bang inaabangan nito ang pagdating nila. Nakapaskil ang malapad nitong ngiti sa mga labi. Halatang sinadya at plinano nito ang pag-request sa kanya!

"Mr. Peralta, hi," bati ni Ma'am Lorrie at nakipagkamay sa lalaki. Hindi naitago ang kasiyahan sa tinig nito. "Mr. Peralta, this is Miss Mandy Santillan. Mandy, this is Mr. Blake Peralta."

Tumingin ang binata sa kanya. Kumikislap ang kapilyuhan sa mga mata. "Hello, Miss Santillan. It's really a pleasure to meet you, one of Fab Elements' well-known interior designers."

What a scheming bastard! nanggigigil na tili niya sa isip!

MANDY felt nostalgic while looking at Blake's house. Hindi siya makapaniwalang naroon siyang muli sa bahay nito. She never thought she would step foot again at this place. Pero pilit niyang iwinawaksi ang mga alaala na parang gripong bumuhos sa isip niya. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho at maging professional. Kahit labag sa loob niya ang bagong kliyente, dapat pa rin siyang maging professional. Kahit obvious na ginulo lang ng hudyo ang mga kagamitan sa loob ng bahay para may dahilan itong ayusin niya ang mga iyon, dapat pa rin siyang maging professional.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon