CHAPTER THIRTEEN - part 1

32.5K 763 21
                                    

"NO, IT'S dome-shaped semi flat. I'm looking for an angled bent," ani Mandy habang abala sa pagtitingin ng eyeliner brushes.

"Angle—what?" magkasalubong ang mga kilay at nawiwirdohang tanong ni Blake.

Natawa siya sa reaksiyon nito. "That brush makes perfect winged eyeliner. I loved wearing winged eyeliner."

Umiling ito. "I always wonder how you manage to remember make-up stuff, even its sizes and shapes, kailangan tama."

Natawa uli siya. "It's a girl thing."

"I don't know what winged eyeliner is but I'm sure it will suit you. With or without make-up, you're still beautiful."

Napangiti siya. "And you're handsome kahit papalit-palit ka ng kulay ng buhok." aniya, sabay suklay ng kamay sa buhok nito. Balik kulay-pula na naman ang buhok nito. One thing she liked about him, hindi ito naiinis kapag ginugulo niya ang buhok nito, bagkus ay natutuwa pa. She loved touching his soft hair. Noong sila pa ni Tim, hindi nito hinahayaang guluhin niya ang buhok nito. Naiinis pa nga ito kapag ginugulo niya iyon.

Ngumisi si Blake. "It's a Blake thing."

Nagtawanan sila at nag-high-five.

Sinamahan si Mandy ng binata na mag-shopping. In fairness sa lalaki, kahit nawiwirdohan sa mga pinamimili niya ay go with the flow lang ito. Tinutulungan pa siyang maghanap. Mapa-menstrual pads at feminine wash ay ito ang kumuha para sa kanya. Hindi ito nahihiya kaya natutuwa siya. Bihira na lang kasi ang ganoong lalaki.

"Found it!" nasisiyahang sambit niya nang makita ang hinahanap. Kumpleto na ang new set ng make-up kit niya.

"Cool! Akin na at babayaran ko na." Akmang kukunin na nito ang hawak na eyeliner pero hindi niya iyon binigay.

"No, Blake. Ako na ang magbabayad nito. Lahat kaya ng pinamili ko ikaw ang nagbayad. Sobra-sobra na 'yon." tanggi niya.

"Hindi ba sabi ko sa 'yo, ako ang magbabayad ng mga bibilhin mo? Isipin mo na lang na regalo ko ito sa 'yo. At saka kahit tumanggi ka pa, hindi mo ako mapipigilan." Mabilis na inagaw ni Blake ang gamit sa kanya at tumalilis papuntang cashier.

"Hay! Bahala ka na nga!" nakasimangot na paggi-give up niya. Nginitian lang siya nito nang pagkatamis-tamis.

Pagkatapos mabayaran ay hinila niya ito sa paboritong clothing store. Bibili siya ng dress. Pagkapasok nila roon ay binati agad sila ng mga empleyado na pawang mga babae. Kitang-kita ang paghanga ng mga ito kay Blake. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil napakaguwapo at hot naman talaga ng lalaking katabi niya. Kahit ang mga babaeng nakasalubong nila kanina ay binigyan ang binata ng second look. At hindi maiwasang mapangiti ni Mandy sa isip dahil siya ang masuwerteng babaeng kasama ng pinagpapantasyahan ng mga ito.

"Hey, princess."

"Hmm?" Mula sa pagtitingin ng dress ay nag-angat siya ng tingin sa binata. Biglang kumislap ang hawak nito. P-in-icture-an na naman siya gamit ang Polaroid camera nito.

Nang ma-develop ang litrato ay masuyo iyong tinitigan ni Blake. His eyes became dreamy and smiled. "We looked like a cute couple."

Natigilan si Mandy. Nabitawan pa niya ang hawak na dress sa hanger. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang sinabi nito. Cute couple. He mentioned them as a couple!

Natigilan din ang binata at parang natauhan. Naging malikot ang mga mata nito. "O-oh, I'm sorry. Just forget that I said that." alanganing tumawa ito.

Nakadama siya ng disappointment sa pagbawi nito pero agad niya iyong iwinaksi. Bakit ba niya iyon nararamdaman? Tumango siya. "O-okay." Siguro ay dala lamang ng pagkakabati nila dalawang araw na ang nagdaan kaya nasabi nito iyon. Para kasing lalong tumindi at tumibay ang koneksiyon nila sa isa't isa pagkatapos nilang magkaayos, kaya kahit absurd na bagay ay naiisip nito.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon