CHAPTER SEVENTEEN

25K 718 38
                                    

"SO, SI Miss Mandy Santillan ang nakasalo ng bouquet, si Mr. Blake Peralta naman ang nakasalo ng garter. Perfect!"

Napangiwi si Mandy sa halakhak ni Maggie. Ngalingaling busalan niya ang bibig nito! Tuwang-tuwa ang bruhilda. Isa pa si Phoebe na hindi magkamayaw sa pang-aasar sa kanya.

Mabuti na lang wala roon ang ina. Kundi ay baka isa rin ito sa mga tuwang-tuwa. Hindi nakapunta ang mommy niya sa kasal dahil nasa Paris ito at may dinaluhang wine auction na hindi nito puwedeng ipagpaliban. Gustong-gusto ng ina si Blake para sa kanya. Ganoon din ang mga magulang ng binata. She remembered how they played Cupid six years ago. But obviously, it didn't work. Nagulat si Mandy nang aminin ng mommy niya na alam nitong sa bahay siya ni Blake tumira noong lumayas siya. Kahit gusto nitong bumalik siya sa mansiyon at nabigla na magkakilalang-magkakilala sila, hindi nito ginawa dahil balak pala silang ireto ng mga magulang sa isa't isa ng lalaki. Kaya pala hindi siya hinanap nito noon dahil magandang pagkakataon daw iyon para magkamabutihan sila.

Kanina ay binati siya ng mag-asawang Peralta. To be honest, she was happy to see them after all these years. They had been nice to her. Hindi kasama ng mga ito ang panganay na anak na si Kuya Nate. Ang ipinagtaka lang niya ay kung bakit kung tingnan siya ng mag-asawa, parang may nagawa itong malaking kasalanan sa kanya.

"Puwede na pong umupo ang mga bisita. Thanks for joining!" magiliw na pahayag ni Maggie. "Now, Mandy and Blake, please come over."

Wala siyang nagawa kundi ang tumalima. Ayaw niyang masabihang killjoy. Laro lang naman iyon. Hindi niya dapat seryosohin. Sabay sila ni Blake na pumunta sa gitna pero hindi siya tumabi rito.

"Ano ba 'yan? Bakit magkahiwalay kayo? Magdikit naman kayong dalawa. Mukhang nagkakahiyaan pa ang couple of the night." Napasinghap si Mandy nang paglapitin sila ni Blake ni Maggie. Tumama ang braso niya sa braso ng binata!

Maggie! naiiritang tili niya sa isip.

Para siyang naugatan sa kinatatayuan. Magkatabi na sila ni Blake. And it was enough for her senses to heighten. She could feel the heat coming from his body. Ang pamilyar na init. Init na bumubuhay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. And his scent. Oh, God, his scent filled her nostrils. Ang bango-bango nito. Hindi pala nito pinalitan ang pabangong gamit. Ang sarap nitong amuyin, na pati ang kanyang puso ay nahahalina. Para iyong nagka-cartwheel sa loob ng kanyang dibdib.

Damn, heart. Stop acting this way!

"Okay, Miss Mandy, umupo ka na sa upuan." utos ni Maggie pero hindi naitago ang pagkaaliw sa boses. Binigyang-diin pa nito ang pagkakasabi ng pangalan niya. Kung hindi ba naman nananadya.

You're really enjoying this, Margarita. Lagot ka talaga sa akin pagkatapos nito!

Umupo na si Mandy sa nakahandang upuan. Pumuwesto si Blake sa tapat niya at lumuhod. Doon siya nabigyan ng pagkakataon na pagmasdan ito.

Hindi nabawasan ang kaguwapuhang taglay ni Blake Peralta. Tila lalo lamang itong gumuwapo. He matured into a very gorgeous man. Ang mahahaba nitong pilik na nakakaaliw haplusin, ang matangos na ilong na madalas niyang ikiskis sa ilong niya bilang paglalambing, ang maninipis at mapupulang labi na kay tamis at napakasarap halikan.

At alam ni Mandy na sa likod ng tuxedo ay nababalot ang makisig na katawan nito, ang sexy nipples at super hot abs. Naalala niya kung paano namnamin at pagsawaan ang katawan nito, kung paano niya kagat-kagatin nang buong pagkagigil ang nipples nito, kung paano umungol sa sarap si Blake habang pinagpapala ng mga labi niya ang puson nito.

Napasinghap siya nang hawiin ng binata ang slit ng suot na long gown. Tumambad dito ang maputi at makinis niyang hita. Natigilan si Blake at tumingin sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. She stared at his magnificent soul-sucking black eyes. She saw strong passion and desire in them. She felt like she was being lost in an enchanted forest by just looking at those pair of eyes.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon