ISANG linggo na ang lumipas mula nang pumayag si Mandy sa proposal ni Blake. Their no-strings-attached-friends-with-benefits-kind of relationship. Isang linggo na ang nakaraan pero wala siyang makapang pag-aalinlangan. Ang totoo ay dreadfully excited siya. Maybe because she was comfortable with Blake. Paulit-ulit silang nagnanakaw ng sandali sa kung saan-saang lupalop ng unibersidad. Pakiramdam niya ay para silang mga teenager na pumupuslit pagkatapos pagnakawan ang isang jewelry shop. It was hot, yet fun...
Wala pang penetration na nagaganap. Gusto kasi nilang paunti-unti muna, step by step. Tipong lalo nilang pananabikin ang isa't isa. And that made her excited all the more.
Rules of their setup? Wala silang ide-date at makakaniig na iba habang sila pa. Kapag nagsawa na ang isa, malaya nitong tatapusin ang relasyon, basta magsabi lang nang maayos. Higit sa lahat, bawal ma-in love sa ka-partner.
Natawa si Mandy nang maalala nang ilatag nila ang rule na iyon. Tandang-tanda niya kung paano umasim ang mukha ni Blake pagkaranig sa salitang "love." Sa totoo lang, hindi na bago sa pandinig niya na hindi naniniwala ang binata sa pag-ibig. Halata namang ito ang lalaking hindi nagseseryoso sa babae, sa pakikipagrelasyon. Halos lahat ng sikat na babae sa school nila ay nai-date na nito. Ngayon ay isa na siya sa listahan ng mga babae nito.
Alam niya iyon, pero bakit may parte sa kanyang puso ang nanghihinayang?
Sayang naman kasi ang magandang lahi niya kung hindi siya magpaparami. Mag-donate na lang siya ng sperm.
'Tapos, ikaw ang mag-a-avail? pakli ng tinig sa isip niya.
Oo! Natawa na naman siya sa sariling biro.
Imposible rin namang ma-in love siya sa lalaki. Attracted siya kay Blake, oo, pero hanggang doon lang. Duda siyang lalawig pa ang nararamdaman para dito. Pumayag siya sa proposal nito dahil sa kaparehong rason. Ang i-explore ang init sa pagitan nila. Iyon ang tanging solusyon para ma-consume ang sumisiklab na apoy na dumadaloy sa kanilang ugat tuwing nagdidikit ang katawan nila. Hindi pa niya iyon naramdaman dito kahit may crush siya rito. Siguro ay dahil wala pang triggering factor para ma-unleash ang apoy. At ngayong nangyari na ay tila hindi na nila iyon kayang pigilin pa.
Natigilan si Mandy nang akmang papasok sa sala nang makarinig ng munting ungol. Kakauwi lang niya ng bahay. Humakbang pa siya nang kaunti, at ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang maabutan ang mommy niya na nakikipaghalikan sa isang lalaki! Sa sobrang focused sa ginagawa ay hindi man lang napansin ng mga ito ang pagdating niya. What a shitty way to ruin my mood.
Hindi na siya nakatiis. Malakas siyang tumikhim. Mukha kasing walang balak tumigil ang mga ito para pansinin siya.
Tumigil ang dalawa at nilingon siya. Bahagyang suminghap ang mommy niya at agad tumayo. Tumayo rin ang lalaking kasama nito. Inayos ng ina ang blusa nang mapansing bahagyang nakataas iyon.
"Honey, nakauwi ka na pala," Audrianna Iris acknowledged uneasily. Nabanaag ni Mandy ang guilt sa mga mata nito.
"Yeah, masyado kasi kayong busy, eh." she replied sarcastically.
Hindi pinansin ng ina ang patutsada niya. "Honey, I'd like you to meet David, my boyfriend."
David?
"David, she's my daughter Madeline Rose. But you can call her 'Mandy' for short. My unica hija."
Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Hello, Mandy. It's nice to meet you. Your mom and I just talked about you a while ago."
BINABASA MO ANG
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)