Fate
--Ilang araw na rin akong nakatunganga dito sa unit ko. Di ko rin maiwasang isipin ang nangyari sa resto between sa amin nina Hailey at Ethan nung isang araw. Am I being rude? Hindi naman siguro nila ako masisisi if I'm over acting that way.
It's saturday morning at wala pa rin akong ginagawa. Hinihintay ko pa rin ang Manager kong susunod daw sa akin dito sa Pinas. She's my friend. Siya yung nagmomotivate sa akin to do this for myself. Magkasing-edad lang kami kaya siguro magkasundo.
Habang nagluluto ako, napansin kong tumutunog ang phone ko. It was her, calling me. Mahal ang pambayad sa tawag from abroad pero mayaman siya, then so be it. Haha! I accepted the call.
"Hello, this is Maxine Ysabelle Agoncillo, how may I help you?" Sabi ko while still preparing my breakfast.
"Shut up Maxine! Masyado kang formal!" Natawa sya ng bahagya.
"Why? Is it bothering you? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit Kira? Bakit?!!" Ang drama ko di ba? She's used to it naman.
"Ang drama mo ha, kung nasa tabi mo 'ko, binatukan na kita" Sabi niya and I heard her giggled.
"Whatever, so bakit ka napatawag?", I asked on a serious voice.
"I just want to let you know that hindi ako makakasunod sayo jan. But the good thing is nacancel ko na lahat ng appointments mo jan except for one", I heard her sighed.
I frowned kahit di niya nakikita, "Except for one? Bakit?"
"Matagal na kasi 'to eh, mga 3months ago pa. Hindi ko mahindian. Nangungulit rin kasi", And it gives me curiousity.
"Tss. Well, I have no choice. Ano ba kasi yan? At sino naman yan?", Tanong ko. Ayoko sana tumanggap ng trabaho as a model dito eh.
"It's a clothing line Maxine, ikaw talaga ang gustong kunin eh", Oh. Bakit kaya?
"Why me? Okay, kailan daw nila ako kailangan?", I asked. Nagluluto pa rin ako.
"This afternoon, 1pm. I already emailed you the details last week pa"
"Agad agad? Grabe ha. Okay, thank you. Bye!" Sabi ko. Ang urgent naman yata!
"K bye!"
Tinapos ko muna ang niluluto ko at kumain na rin after. Habang kumakain ako, I opened my laptop and checked my email. Ang daming messages from various brands pero hinahanap ko yung message ni Kira. As I was reading the details, para akong mabilaukan sa nag-iisang pangalan na nabasa ko.
'Lord, sabi ko ikaw na bahala sa akin. Bakit parang unti-unti mo akong pinapalapit sa kanila?' Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
RomanceSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?