SIMULA

4.9K 170 69
                                    

Where do broken hearts go?
--

Maxine's POV

Text ni Ethan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Text ni Ethan.

Ayoko man pero kailangan upang klaruhin ang relasyon naming dalawa.

Sa loob ng tatlong taon, masaya naman ang takbo ng aming relasyon. Yung typical na boyfriend na hatid sundo sa bahay at sa skwela. Yung sasamahan ka sa lahat ng lakad mo. Yung magdedate kayo sa restaurant. Yung sinasabayan lahat ng kalokohan mo. Yung kahit saan kayo magpunta, masaya lang. Adventure is our typical bondate kahit na dalawa lang kaming magkasama.

Ngunit nagbago ang lahat nung tumuntong kami ng college. Nung una, nahihirapan ako kasi hindi kami magkaparehas ng course. Siya Engineering ang kinuha, ako naman Tourism. Okay naman nung simula, nagkikita kami tuwing vacant namin pareho. Hatid sundo pa rin naman pero habang tumatagal, malimit na lang ang pagkikita namin. Inintindi ko siya dahil nga sa busy siya. Hanggang sa dumating ang time na naging cold na siya. Yung tipong madalang na ang pagkikita namin. Inintindi ko ang aming sitwasyon kahit alam kong may hindi na magandang nangyayari.

Dumating ang time na isang linggo kaming hindi nagkita. Tinext ko siya nun pero sabi niya, busy siya. Ngunit nalaman ko sa pinsan kong si Kuya Macky na lumalabas pala silang magkasama ni Hailey, yung babaeng maganda na classmate niya. Pareho kasi ng course sina Kuya Macky at Ethan pero nasa 3rd year na si Kuya. Nung una, hindi ko siya pinaniwalaan pero nung nakita ko sina Hailey at Ethan na magkasama sa isang restaurant at masayang-masaya, halos nadurog ang puso ko. Ngunit hindi pa rin ako nakipagbreak sa kanya dahil alam kong may paliwanag siya tungkol dun.

Ngayon na siguro ang panahon upang marinig ang paliwanag ni Ethan. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin anumang sasabihin niya.

Nagbihis na ako kahit wala akong ganang umalis. Nagkukulong lang ako sa kwarto at lumalabas lang kapag may pasok.

Paglabas ko, nadatnan ko sina Kuya Macky kasama ang kanyang nobya na si Ate Ella sa sofa. Magkasama kasi kami ni Kuya sa iisang bahay, sa kanila na ako tumira dahil ulila na ako. Magkapatid sina Tito Michael at Nanay ngunit namatay si Nanay sa sakit sa puso at iniwan rin ako ng Tatay ko nung pinagbubuntis pa ako.

"Hi Kuya, hi Ate Ella" Sabay upo ko sa couch, "San sina Tito at Tita?"

"Site visit raw sila ngayon. Aalis ka?" Tanong ni Kuya

"Oo, gusto makipagkita ni Ethan sa akin" Sagot ko naman.

"Do you need to do that May? I mean after what he did? Makikipagkita siya sayo na parang walang nangyari? Na parang wala siya nagawang masama?" Tugon naman ni Ate Ella.

Silang dalawa lang kasi ang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Ethan. Ayoko ipaalam sa mga kaibigan ko dahil alam kong magagalit rin sila kay Ethan, ayoko mangyari yun.

"Samahan ka na namin May" Pag-anyaya ni Kuya, "Naku. Wag na po" sabi ko.

"Ihahatid ka lang naman namin, assuming ka rin eh no?" Patawang sabi ni Kuya, mapagbiro kasi. Hinampas naman siya sa braso ni Ate Ella, "Wag mo ngang ganyanin si May"

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon